It's still early in the morning nang maramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko.
"Autumn! Gising na, anak!"
Naririnig ko ang maingay na boses ni Mommy. Pinatay ko ang alarm clock ko kanina dahil naiingayan ako tapos si Mommy naman ang pumalit ngayon. Just this once gusto kong matulog ng mahaba!
"Five minutes pa, Mom" I groaned. Antok na antok pa ako. Itatakip ko na sana ang comforter sa mukha ko pero hinablot 'yon ni Mommy.
"Five minutes, what?! Sa kaka-five minutes mong 'yan naka 30 minutes kana! Quizbee niyo ngayon baka maiwan ka ng bus, anak"
Bumukas ang mata ko dahil sa narinig. Dali dali akong tumayo sa kama at dumiretso agad sa banyo. Ngayon pala ang Quiz bee! Nakalimutan ko 'yon!
Nagreview ako kagabi kaya anong oras na ako nakatulog. Ayokong maiwanan ng bus kaya minadali kong gawin ang morning routines ko.
Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil may bus naman kaming sasakyan. Nagpahatid ako kay Manong hanggang sa Campus. Pagdating sa school, agad akong bumaba sa kotse at kumaripas ng takbo papunta sa SC office. Doon kasi magkikita-kita ang lahat ng representative na sasali sa contest.
Di pa ako nakakapasok sa loob ay agad na akong sinalubong ni Ethan. Gulat na gulat siya habang nakatingin sa akin.
"Kadarating mo lang? Umalis na ang bus, ah"
Napanganga ako sa narinig. Eto na nga ba ang sinasabi ko e!
"Paano na ako niyan? Hindi ko alam ang kung saan ang Quizbee"
Hinawakan niya ako sa braso na ikinabigla ko.
"Hindi pa nakakaalis si Drake kaya makisabay ka nalang sa kanya"
Hawak hawak ako ni Ethan hanggang sa makarating kami sa school parking lot. Huminto si Ethan sa isang itim na kotse. Kinatok niya ang windshield ng ilang beses.
"Drake!"
Unti-unting bumaba ang bintana ng kotse at nakita ko roon ang nakabusangot na mukha ni Drake.
"What?"
"Makikisabay sayo si Autumn. Umalis na kasi ang bus"
Tumingin sa akin si Drake.
"No" mabilis na sagot niya.
"Come on, bro. Makikisabay lang naman siya sa'yo. Dali na kaysa malate pa kayo roon"
"I said No"
Ang sakit na harap harapan akong tinatanggihan ni Drake.
Hindi tumigil si Ethan sa pangungulit kay Drake hanggang sa napilitan siyang pumayag. Pakiramdam ko tuloy para kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa isang lugar na hindi naman ako pwede.
"Sumakay kana"
Ngumiti ako kay Ethan.
"Thank you"
Tumango lang siya sa akin. Binuksan ko ang pinto sa backseat pero napahinto ako n'ong magsalita si Drake.
"Tss. What do you think you are doing? What am I? Your driver?!" masungit na sabi niya.
Saan ako sasakay kung ganun? Sa bubong?
"Sasakay ka ba o iiwan kita?"
"Katulad ng pag-iwan mo sa akin dati?" bulong ko.
Narinig ko ang pagtawa ni Ethan sa likuran ko. Binuksan niya ang pinto ng passengers seat at iginiya ako papunta roon. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob.
