C H A P T E R (34)

292 10 5
                                    

The scent of the ocean assaulted my nostrils as I had walked passed it. Tinatangay ng hangin ang buhok ko kaya sinikop ko 'yon at inipon sa kanang balikat. Paminsan minsan kong inaayos ang floral dress na suot dahil tinatangay 'yon ng hangin.

Napangiti ako n'ong makita ang mga bata sa dalampasigan na gumagawa ng sand castle. Ang sarap pakinggan sa tenga ang mga tawa nila, purong kasiyahan lamang at walang bakas na problema. Noong bata pa ako gusto kong padaliin ang oras at ang panahon, gusto ko ng tumanda agad. Pero ngayon naman na teen-ager na ako gusto ko namang bumalik sa pagkabata. Nakakamiss yung panahon na ang sugat sa tuhod lang ang iniiyakan ko. Iba na ngayon. Habang lumalaki ako dumadami naman ang mga responsibilidad at mga problema ko. Hindi ko nalang madadaan sa iyak ang lahat kasi kahit anong pag-iyak ang gawin ko wala  'yong mababago.

Medyo nakaramdam ako ng init sa balat kaya sumilong ako sa isang matayog na niyog. May sun lounger doon kaya doon ako umupo. Binuhay ko ang cellphone ko tsaka nagcompose ng message para kamustahin sila Mommy. Pagkatapos nun napunta ako sa gallery at nagscroll ng nag-scroll hanggang sa mapunta ako sa mga pictures naming tatlo nina Mika at Liam. Miss na miss ko na sila. Inilipat ko ulit hanggang sa nakita ko ang litrato ko kasama si Liam. Pareho kaming nakangiti dito bakas ang kasiyahan sa mga mukha.

Hindi ko alam na maaattached ako ng sobra sa kanya. Honestly noong una hindi ko siya gusto dahil napakahangin niya at lagi niya akong inaasar. Hindi ko lubos maisip na dadating pala ang araw na 'to, ang  araw na hahanap hanapin ko ang kakulitan at ang pang-aasar niya.

"Do you miss him?"

I turned around just to see Drake standing behind me. Hindi ko alam na sinundan pala niya ako hanggang dito.

"Ano naman sa'yo kung namimiss ko na siya?"

Binalingan ko ng huling beses ang litrato namin ni Liam bago patayin ang cellphone. Yon naman talaga ang totoo. Miss ko na siya.

"Its just sound like you're still inlove with him"

Tumayo ako at hinarap ko siya. 

"What if I am?"

Ano namang pakialam niya sa sagot ko 'di ba? Wala naman siyang pakialam sa akin.

"With Liam? I don't think so." he trailed off. "Wala naman talaga kayong relasyon 'di ba? Everything was just a show. I overheard your conversation with Mika"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Napalunok ako. Narinig niya ang usapan namin ni Mika sa rooftop? So, ibig sabihin hindi siya tulog ng mga oras  na 'yon?

Kung narinig niya ang usapan namin ni Mika ibig sabihin nun alam na niya ang lahat. Alam na niya ang totoo.

His brow raised like he was waiting for me to say anything.

"Ako parin ang mahal mo pero hindi ko maintindihan kung bakit iniiwasan mo ako ngayon."

There's no use kung magsisinungaling pa ako dahil alam na niya ang totoo. Alam niyang mahal ko parin siya. Alam niyang siya parin.

"You already took and broke my heart. What else do you want? Gusto mo bang habulin pa kita? May girlfriend ka na 'di ba? At sinabi mong masaya kana sa kanya!" sigaw ko. Unti-unti nanamang nagtubig ang luha sa mga mata ko.

Hindi siya sumagot. He took one step forward. Umatras ako. I feel distracted every time when he's near. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Para saan ang mga pag-aalalang 'yan? I had to look away before I get drawn to his deep hazel brown eyes.

"Bakit kailangan mo pa akong pahirapan ng ganito?! I had enough! Ayoko na. Magkunwari ka nalang na hindi ako nag-eexist sa mundo katulad ng laging ginagawa mo. Hindi 'yung ganito! Stop acting like you care because that makes me love you more!"

Tumakbo ako palayo sa kanya. Inalis ko ang luha na tumulo sa mga luha ko. Dumiretso ako sa hotel at nagkulong sa kwarto.

I shouldn't let my feelings take over me when I already made my decision. Iiwasan ko na siya. Tama na.

--

"Kamusta ang seminar sa La Union?"

Bumuntong hininga ako dahil sa tanong sa akin ni Inigo. Ayokong alalahanin ang mga nangyari sa La Union.

"Okay lang" matipid na sagot ko. Magtatanong sana ulit siya pero inunahan ko na siya.

"Eto na pala yung hiniram kong notes sa'yo. Salamat" ibinalik ko sa kanya ang mga notes na hiniram ko. Tatlong araw din kasi akong hindi nakapasok sa school kaya may mga namiss akong mga lessons.

"Walang anuman"

Pinanuod ko lang siya habang inilalagay ang mga notes sa kanyang bag. Inilibot ko ang mata sa loob ng classroom pero nabigo ako nung hindi mahagip ng mata ko si Mika. Lumabas siya ng classroom kanina at hanggang ngayon hindi parin siya bumabalik. Kamusta na kaya siya?

"Hindi parin ba kayo okay? Napansin kong simula noong maghiwalay kayo ni Liam, hindi na din kayo nagkakasama ni Mika."

Tumingin ako kay Inigo. Tinignan ko siya ng may mga lungkot sa mga mata. He smiled but it doesn't reached his eyes.

"Magiging okay din ang lahat, Autumn. Trust the process. And you still have me. Kaibigan mo rin naman ako 'di ba?" he beamed.

"Of course" matipid akong ngumiti.

"By the way, sa isang araw na ang ball night. May isusuot kana ba?"

Lumaki ang mata ko. Napahilamos nalang ako sa mukha. Sa dami ng iniisip pati ang ball night nawala na sa isip ko. Wala pa akong isusuot!

"Wala kang isusuot? Gusto mo samahan kitang bumili sa mall?"

Napansin kong pati siya ay natigilan  sa sinabi niya. Namula ang kanyang pisngi tsaka siya napakamot sa batok.

Kahit papano'y natuwa ako dahil kay Inigo. Alam niyang hindi ako masasamahan ni Mika sa mall kaya kahit ang awkward para sa kanya nag-volunteer parin siya sa pagsama sa akin.

"Totoo? Sasamahan mo ako?" I teased him.

Namumula parin ang kanyang pisngi n'ong tumango siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang pag-ngiti ko.

"Thank you, Inigo!"

Bakit ba iniisip kong mag-isa nalang ako? May kaibigan pa naman ako kahit papaano. Nandyan pa ang pamilya ko. I was just too blind to see it.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon