I can still feel his hot and ragged breath. His red and sweet lips. I can still remember how our fingers perfectly fitted, his intense gaze while kissing me passionately. And lastly, the pain I'd felt when he told me that it was nothing to him. The kiss, the holding hands, everything. It means nothing for him.
I can still recall everything like it was happened yesterday.
“Magpapahula ka ba? Libre sa mga nakasimangot”
Ano nanaman ba ang trip ng lalaking 'to?
“Bakit ka nandito?” tanong ko. Himala naligaw sa garden si Raiko. Ang alam ko lagi siyang nasa gymnasium eh.
“Bakit mo tinatanong?”
“Kasi gusto ko” pilosopong sagot ko. Tumawa siya tapos umupo sa tabi ko. Magkalapit lang kaming dalawa kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa pawisan niyang mukha at katawan. Katatapos lang siguro niyang magpractice ng basketball, ang alam ko varsity player siya ng basketball team.
“Bakit hindi mo siya kasama?” tanong niya. Alam ko na agad na si Mika ang tinutukoy niya. Sino pa ba?
“Sa hindi ko nga kasama e”
“Bakit nga kasi?”
“Basta lang”
Kaya pala siya pumunta dito dahil hinahanap niya si Mika. Baka namiss niya.
“Bakit nga kasi hindi mo kasama ang babaeng yon?”
“Kasi kasama niya si Ethan. Nandoon sila sa SC office. Silang dalawa lang ang nand'on at mukhang nag-eenjoy naman si Mika”
Syempre joke lang 'yon. Ang kulit kasi nitong si Raiko eh.
“Ano?! Akala ko ba hindi type ni Mika ang Ethan na yon?” his brows puckered in a frown.
Naaliw ako sa iritasyon na nakikita ko sa mukha niya. "Ha? Ang alam ko nanliligaw na si Ethan kay Mika. Hindi mo ba alam 'yon?”
“Ano?!”
I tried my best not to laugh. Grabi kasi si Raiko! Obvious na obvious na may gusto siya kay Mika. He was about to go when I held his arm to stop.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Sa SC office malamang!”
Ang swerte naman ni Mika. May Ethan na nga siya, may Raiko pa. Ano bang ginawa ni Mika sa past life niya at naging ganito siya kaswerte ngayon?
Umupo ulit si Raiko sa tabi ko, hindi ko inaasahan ang biglaang pag-akbay niya sa akin. His lips pulled into a smirk.
“Bakit nakasimangot ka? Don't tell me may crush ka rin sa'kin? Nagseselos ka ba kasi pupuntahan ko si Mika?" mayabang niyang sinuklay ang buhok gamit ang daliri. "Hindi naman kita masisi, Autumn. Sa gwapo ko ba namang 'to. Sino ang hindi magkakagusto 'di ba? Naiintindihan kita. Hayaan mo hindi lang ikaw ang nakakaranas niyan, actually marami kayo”
Hindi ako makapaniwala sa naririnig mula sa kanya. Tama nga ang sinasabi sa'kin ni Mika, makapal talaga ang mukha ng lalaking to. Bakit kaya ngayon ko lang narealize yon? Bagay silang maging bestfriend ni Liam, pareho silang mahangin.