C H A P T E R (22)

393 15 8
                                    

I woke up feeling dizzy. My head was pounding loudly and my throat felt so dry.

“Autumn!”

I searched for that voice then I saw Liam, sitting beside me.  “What happened?” I asked, my voice was rough and raspy because of my dry throat.

“Thanks God! I thought, I'd lose you” he said as he hugged me so tight.

Then, memories flashed. Halos hindi ako makahinga nang maalala ang nangyari kanina. Akala ko katapusan ko na.

Pasimple kong iginala ang mata. Si Liam at Mika lang ba ang nandito? Nasaan si Drake? I owe him my life! He saved me!

“Where's Drake?” I asked.

Kumalas ng yakap si Liam sa akin. His lips was pursed, nakatingin siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"God, Autumn! Puro nalang ba Drake, ha?! Siya nalang palagi ang iniisip mo! Hindi ba pwedeng ikaw muna bago siya? You could've checked yourself first hindi yung pagkagising na pagkagising mo siya agad ang hinahanap mo!"

I was shocked by his sudden outburst. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinisigawan. Mukha siyang galit. What had I done wrong?

"Kami ang nandito. Ako ang nasa harapan mo pero bakit si Drake parin ang hinahanap mo?!"

The next thing I know nakalabas na ng kwarto si Liam. Hindi ko parin maintindihan kung bakit gan'on nalang ang naging reaksyon niya.

"What had I done wrong?" I asked Mika, seeking for answers.

"Ginalit mo" sagot niya. Umiling sa akin si Mika na mukha pang disappointed siya sa akin.

"What? May mali ba sa sinabi ko?"

“Alam mo, Autumn. Hindi ko alam kung bulag ka ba o manhid ka, siguro both! Si Thirdy ang nasa harapan mo tapos iba ang hinahanap mo. Sino ba ang hindi maiinsulto doon?"

I creased my eyebrows.

"Gusto ko lang naman pasalamatan si Drake. Siya ang nagligtas sa akin. Kung hindi dahil sa kanya baka wala na ako ngayon"

"What are you talking about?! Si Thirdy ang nakasagip sa'yo at hindi si Drake! Tarantang taranta nga siya kanina e! Naku, kung nakita mo lang!"

It wasn't Drake? Stupid me. Ayan, asa ka ng asa Autumn kaya ka nasasaktan e!

"Kamusta ang activity? For sure disqualify na ang team natin. Galit ba si Drake sa akin? Sa ating walo  siya lang ang hindi nakakuha ng gamit niya"

“Drake again? Kung nandito lang si Thirdy paniguradong magwawalk-out nanaman yon,”

Bumuntong hininga ako. Hanggang ngayon bukambibig ko parin si Drake.

"I can't help it, miss ko na kasi siya. Did he pay me a visit? N'ong tulog pa ako?" I asked, my eyes were sparkling with hope. Is it bad to assume things? Kahit naman papaano may pinagsamahan kami ni Drake siguro he care for me parin naman 'di ba?

"Don't assume, Autumn. You'll just get hurt in the end"

Bumagsak ang balikat ko kasabay ng pagbagsak ng tingin ko sa sahig. I have forgotten that Drake doesn't really care about me. Pinapaasa at sinasaktan  ko lang ang sarili ko.

"You lied to me, Autumn. Sabi mo tinuruan ka ni Thirdy na lumangoy pero hindi naman pala! I was worried sick. Sana sinabi mo nalang ang totoo kaysa 'yong isakripisyo mo pa ang buhay mo!"

"I'm sorry. Ayoko lang maging pabigat sa grupo" sagot ko habang pinaglalaruan ang mga daliri.

"You're not a burden to us, okay? Is Drake making you feel that way?!"

Bumuntong hininga ako. Sinabi sa akin ni Drake na pabigat ako but I won't tell her that. Ayokong tuluyan na niyang maging hate si Drake.

"No, ofcourse"

"Basta paglabas mo dito sa clinic. Hanapin mo agad si Thirdy Liam, you should thanks him for saving you. Magsorry ka rin dahil ginalit mo siya kanina, 'ayon nagwalk out tuloy"

Gagawin ko naman talaga 'yon.

Magsasalita na sana ako pero nabitin 'yon nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Nagkatinginan kami ni Mika and she just shrugged her shoulders. “Bisita mo siguro,” saad niya bago buksan ang pinto.

“How are you feeling?”

Nagulat ako nang makita si Ms. Dana sa hamba ng pinto, agad siyang pinapasok ni Mika at pinaupo sa upuan malapit sa akin.

"Ah, Autumm. Labas na muna ako ha? Sasabihin ko pa kela Inigo na gising kana at maayos na ang lagay mo" sabi ni Mika. Hindi na niya hinintay na magsalita ako, mabilis siyang lumabas sa kwarto.

Kaming dalawa lang ni Ms. Dana ang tao sa loob. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil nahihiya ako.

"Ma'am? I'm so sorry. I'm sorry if I messed up"

"What? Don't say that. Sa ating dalawa ako ang dapat magsorry sa'yo. Look what happened to you, you almost got drowned. I'm the one who should blame here." she said.

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. She really looked guilty.

"Drake was right. The activity wasn't a good idea at all. He has right to get mad at me. Tama siya, hindi ako nag-iisip. Hindi ko naisip na pwedeng may mapahamak sa inyo. I'm at fault"

"Si D-Drake po?"

"Yes. After the drowning incident pinuntahan niya agad ako. I saw how frustrated he was, Autumn. Nagalit siya sa akin for being reckless. He was fuming mad and I believed that it's because of what happened to you." hinawakan ni Ms. Dana ang kamay ko at pinisil 'yon. "He still cares for you, Autumn. Kahit hindi niya sabihin alam kong mahalaga ka parin sa kanya"

Nakaalis na si Ms. Dana pero hanggang ngayon hindi parin ako makakilos. Natulala nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko nga alam ang mga sunod na sinabi niya. I was stunned and puzzled.

Nagalit si Drake kay Ms. Dana ng dahil sa nangyari sa akin? Kung totoong mahalaga parin ako sa kanya bakit hindi niya ako pinuntahan dito? Baka pinapaasa ko lang ang sarili ko. Baka nagalit lang si Drake kasi hindi niya nakuha ang gamit niya? Mas paniniwalaan ko pa kasi 'yon kaysa yung idea na nagalit siya ng dahil lang sa akin. It doesn't make sense kasi. Pagkatapos ng lahat ng ginawa at sinabi niya sa akin? I don't think so.

Drake still cares for me. To be honest, there's still a part of me na gustong maniwala at gustong kumapit sa kakarampot na pag-asang 'yon.

Trapped in the Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon