We kept hoping and hoping that he would get better. Lagi akong nadadasal at humihingi ng himala sa diyos.
Pupunta ako sa bahay nila Drake para bisitahin siya. Nasa living room na ako nun nang makita ko si Lory na nakaupo sa couch namin. Tumayo siya nang makita ako.
Dumating si Mommy bitbit ang tray na may lamang pagkain. “Oh, mabuti naman at nandito kana. Tatawagin sana kita dahil may bisita ka. Maiwan ko muna kayo”
“Salamat, My”
Nginitian ni Lory si Mommy. “Salamat, Tita” gumanti din ng ngiti Si Mommy bago tuluyang umalis.
“Uhh, maupo ka”
Umupo ako sa tapat niya. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Now with Lory, I could not help feeling uneasy and a bit awkward.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I came here to apologize. I'm sorry if I had been harsh to you, Autumn. I only did that to help Drake because he want to get rid of you. Alam mo naman ang dahilan niya 'di ba? Sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko sa'yo, I didn't meant it. I'm really sorry”
Ang diyos nga kayang magpatawad, ako pa kayang likha lamang ng diyos? Kung gusto mong gumaan ang loob mo kailangan mong pakawalan ang lahat ng sakit dyan sa puso mo, matuto kang magpatawad.
“Naiintindihan kita, Lory”
Siguro noon ay hindi pero ngayon na alam ko na ang lahat, unti unti ko ng naiintindihan ang lahat.
“You're forgiven. Hindi lang ikaw ang dapat mag-sorry, ako din. Sorry sa lahat lahat. Nagselos ako sa'yo noon at nainggit. Yun ang totoo”
Ngumiti siya. “Wala kang dapat pagselosan, Autumn. We're just friends at ikaw lang ang mahal niya. Hindi niya gagawin ang lahat ng 'yon kung hindi ka niya mahal”
Mahal ko din naman siya. Kaya nga hindi ako bumitaw kahit ilang beses na niya akong sinaktan.
"Autumn. Hindi lang 'yon ang rason kung bakit ako nandito. I need to say something, it's about Drake and his condition”
Nagsimulang kumabog ng malakas ang puso ko.
"A-Ano 'yon?"
“Weeks ago, Drake talked to my Dad. Ang totoo niyan ay may pag-asa pang gumaling si Drake but he didn't want to risk his life. Ayaw niyang masayang ang oras na mayroon siya ngayon kaya pinaki-usapan niya ang Daddy ko na wag sabihin sa inyo na may operasyon pang makakapagpagaling sa kanya. Alam kong magagalit siya sa akin dahil sinabi ko sayo ito pero ito nalang ang natitirang pag-asa. Kaibigan ko siya at gagawin ko ang makakabuti sa kanya. Ayokong pagsisihan ko pa ito sa huli”
Ano pa ang inililihim mo sa amin Drake bukod dito? You're full of secrets.
Naluluha ako dahil sa mga narinig ko. May pag-asa pa! Kakapit ako roon. Thanks, God! Salamat dahil dininig niyo ang mga dasal ko.
“Ayaw niyang ituloy ang operasyon?”
Tumango siya.
“Ikaw ang aasahan ko rito, Autumn. Kumbinsihin mo si Drake na ituloy ang operasyon niya sa America. Kaunting oras nalang ang natitira, kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon”
--
Dinala ulit ako ni Drake dito sa mataas na lugar kung saan tanaw mo ang mga building at kita mo ang kabuuan ng lupain ng siyudad.
Gusto kong pangalanan itong 'Drake's Haven' dahil siya ang nagdala sa akin dito at nakikita kong paborito niya ang lugar na ito.
Nakaupo kami sa likod ng sasakyan niyang HILUX. May dinala kaming maliit na upuan at ilang mga pagkain. Hindi masyadong mainit sa mga oras na 'to kaya magandang tumambay. Dahil nasa mataas na pwesto ito, malakas rin ang hangin.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Tumaas ang itaas ng labi ko nang makita ulit ang pamilyar na bracelet na isinuot niya sa akin. Ito yung binili niya sa baguio! Yung mumurahin na bracelet. Ibinigay niya sa akin ito noon pero ibinalik ko sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nasa akin ulit ito.
Hanggang ngayon suot suot parin niya ang bracelet na kapareha ng bracelet na suot ko.
"Unang beses na nakita ko 'to sa souvenir shop, ikaw ang unang sumagi sa isip ko kaya binili ko kaagad" ngiti niya. "Simple lang ito kagaya mo pero maganda parin"
Kinagat ko ang labi para mapigilan ang pagngiti.
"Salamat"
Pinaglalaruan ko ang bracelet na binigay niya. Hinding hindi ko ito tatanggalin sa braso ko.
"I love you" paulit ulit na bigkas niya.
His head move towards me and connected our lips. It was a very passionate kiss that makes me lost my words.
"Ikaw lang yung minahal ko ng ganito at makakasigurado akong hanggang sa huli ikaw lang ang mamahalin ko" dugtong niya. Hinahaplos niya ang pisngi ko habang nakangiti siya. "I'm sorry for everything. I cause so much pain in you"
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. “Don’t be sorry to me when you’re the one who’s going through the pain. Alam kong sa ating dalawa mas nasasaktan ka.”
"Please always remember that I love you. Kahit wala na ako, lagi mong iisipin na nandito lang ako sa tabi mo"
"Drake!" I warned him. Ayoko ng tono ng pananalita niya, para kasi siyang nagpapaalam sa akin.
He let out a deep breath.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal bago ako mawala"
I didn't want to think about his death. Not now kung kailan may pag-asa pang natitira para mabuhay siya.
"Autumn" seryosong seryoso ang boses niya kaya kinabahan ako. "Do me a favor, please"
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Natatakot na kumawala 'yon sa hawak ko. Natatakot akong mawala siya na parang bula.
"Find a man who will love you unconditionally. Gusto kong may mag-alaga sa'yo, gusto kong maramdaman mo ulit yung pakiramdam na minamahal ka. Find a man who will grow old with you, a man who is healthy. I'm no longer that guy. I maybe temporary in your life still.. masaya parin ako dahil naging parte ako ng buhay mo”
