"Oh, san ka naman pupunta?" lumingon ako kay Mika na nakaupo sa upuan ni Inigo.
"Ibibigay ko lang to kay Mrs. Lopez," sagot ko saka itinaas ang binder na hawak.
"Ano 'yan?"
"Thesis natin sa Science"
Tumayo siya at kinuha ang hawak kong binder. "Halimaw ka talaga, Autumn..." sabi niya habang tinitignan ang thesis ko.
Pumasok si Inigo sa classroom. Umupo siya sa vacant seat dahil okupado ni Mika ang upuan niya.
"Ano 'yan, Mika?"
"Thesis ni Autumn sa Science"
Lumipat ang tingin sa akin ni Inigo. His lips was slightly parted.
"Tapos mo na agad? Last week lang sinabi 'yan ah? Ako nga miski title wala pang naiisip" he wrinkled his nose.
"Wala kasi akong magawa n'ong mga nakaraang araw kaya ginawa ko na."
Hangga't maaari gusto kong libangin ang sarili ko at ibaling ang atensyon sa ibang bagay para naman kahit papaano mabawasan ang oras ng pag-iisip ko kay Drake.
"Kailan ba ang defense?" tanong ni Inigo.
"Matagal pa naman. Sadyang excited lang si Autumn" sagot ni Mika. Ibinigay niya sa akin ang thesis ko. "Yung critique nga natin sa filipino di ko pa nagagawa. Tinatamad ako"
"Parehas pala tayo"
Nagtawanan ang dalawa. Napailing ako. Kailan nila uumpisahan? Kapag malapit na ang due date?
"Ibigay ko lang to kay Mrs. Lopez"
Tumango lang sa akin ang dalawa. Pumunta ako sa Faculty Office, nakita ko doon si Mrs. Lopez na nakaupo sa table niya. Mabuti pala wala siyang klase sa oras na 'to. Ibinigay ko ang thesis ko sa kanya saka lumabas sa office para bumalik sa classroom. Hindi pa ako nakakalayo sa office nang may humarang sa akin na isang lalaki.
"Autumn. Pinapatawag ka ni Ethan. Pumunta ka daw sa Student Council Office"
"May meeting?"
Nagkibit siya ng balikat. "Hindi ko alam. Inutusan lang ako"
"Ah ganun ba? Sige, salamat ha?"
Vice President ako ng Student Council pero minsan lang ako pumunta sa SC Office, nandoon lang ako kapag may meeting o may pinagawang project sa amin. Hindi katulad nina Ethan at ni Drake na halos gawing bahay ang SC office, mas madalas nga ata sila doon kaysa sa classroom nila.
Tahimik sa loob ng office kaya inisip kong baka nasa panel room sila. Pumasok ako roon. Inilibot ko ang tingin ko. Nakaupo si Ethan sa harapan habang tutok ang mata sa kanyang laptop.
"Bakit ikaw lang ang nandito?"
Itinaas niya ang mukha niya, ngumiti siya pagkakita niya sa akin.
"Nandito kana pala"
Umupo ako sa isa sa mga upuan doon. Wala pa ba ang iba? Kung gan'on kailangan muna naming hintayin na makarating ang lahat ng members bago umpisahan ang meeting? Hindi ko naman makausap si Ethan dahil mukha siyang busy sa ginagawa niya.
Bumukas ang pinto kaya tumingin ako doon. Akala ko mga members ng Student Council ang papasok pero hindi pala. Si Drake. Walang imik siyang umupo sa tapat ko.
Nakita ko ang cut niya sa ibabang labi. Dahil siguro 'yon sa natamong suntok galing kay Liam. Lalo akong nanlamig dahil sa binibigay niyang titig. Hindi ko alam kung paano kikilos dahil sa nangyari n'ong photoshoot.