Chapter 3

65 3 0
                                    

Chapter 3 

[Alice] 

Tiningnan ko ang pagkain at parang nawalan ako ng gana. Mukhang masarap pero ng tinikman ko walang lasa. Hindi masarap. 

Hindi ko alam kung dahil panay gamot ang nalalasahan ko oh sadyang walang lasa ang mga pagkain nila dito sa Hospital. 

Mas masarap pa din magluto ang Mama ko. Nalungkot ako sa isipin na yon. I missed her. I missed her when I was only a kid. 

Pinagsisisihan ko na nagaway pa kami ni Mama bago siya na wala. Pinagsisisihan ko na sinabi ko ang mga bagay na yon sa kanya. Hindi sapat ang sampal niya sa lahat ng ito. 

Pero huli na ang lahat diba? Kahit pagsisihan ko hindi ko na maiibalik ang lahat ng yon. I hated myself for pushing her. Dapat hindi ko yon ginawa. 

Kung lahat ng yon hindi ko ginawa, may magbabago kaya? Would she be here with me? Makakatakas kaya kami sa masamang tao na gustong pumatay sa kanya? 

Siguro. 

Huminga ako ng malalim. Hindi ko naubos and pagkain. At ang mga sumunod pang araw. Hindi pa din ako kumakain ng maayos. Hindi masarap ang pagkain, isa pa wala akong gana lalo na kapag naiisip ko ang Mama ko. 

Sana sinama na lang niya ako. Sana pinatay na lang din ako ng killer na yon para hindi na ako nahihirapan ng ganito. 

Araw araw dumarating ang doctor, tatlong beses sa isang araw kung dalawin niya ako sa aking silid at kumustahin. 

The usual checking me up. Ibang iba siya sa lahat ng doctor na nakilala ko. Mabait siya at maalaga sa pasiyente. No wonder why madali akong maka-recover. 

Hindi man emotionally pero malaki ang naitutulong ng presence niya at pagku-kuwento ng mga daily activities na nangyayari sa buong maghapon.  

Isang araw na dumalaw siya sa akin. 

"How am I?" tanong ko at tumingin siya sa akin.

Nakaupo na ako sa kama ko non at ang doctor ay nakaupo na sa may paanan ng kama ko. 

"Oh, you're getting ok everyday." he said smiling at me. 

"I recommend you a Physical Theraphist so we can help you for your full recovery." 

Tumingin ako sa kanya pero hindi ako agad nagsalita. Maya maya pa. 

"I don't need any help." sabi ko na inalis ko ang tingin ko sa kanya. 

I'm not talking to anyone, sa kanya lang. But it doesn't mean na may tiwala na ako sa kanya. 

"Yes you do and you have to start eating more." sabi pa niya at tinuro niya ang pagkain na may tira oh sabihin na natin na halos hindi ko nagalaw. 

"Then you have to do something with the food here." he chuckle kaya napatingin ako sa kanya. 

Lalo siyang nagmu-mukhang anghel tuwing tumatawa siya. Sa totoo lang siguro kaya mabilis maka recover ang mga pasiyente dito ay dahil sa mga tulad niyang doctor na maalaga sa pasiyente niya. 

Laging nakangiti at may concern sa lahat ng ginagawa nila. Hindi lang basta pasiyente kung hindi alaga niya na parang sanggol. 

"Like what?" sabi pa niya na tumatawa. 

Tumayo na siya at lumapit sa may pintuan. 

"Pizza." sabi ko naman at nakatingin pa din siya sa akin habang hawak na niya ang door knob.  

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon