Chapter 44

38 3 2
                                    

Chapter 44 

[Simon] 

May mga luha ng pumatak sa mata niya at hindi ko kayang makita yon kaya napatungo ako. Naramdaman ko naman na pinunas niya yon ng kamay niya. 

She sniff. "And I know you love me, even nakita mo ulit si Alice." 

"Ivy--" 

Bahagya akong lumapit sa kanya pero hindi ko siya magawang hawakan. 

"Alam ko yon Simon, ilang araw ko ng napapansin na balisa ka mula ng malipat ka dito at alam ko may kakaiba sayo kahit hindi mo sabihin. 

"Akala ko kaya mo ako tinatanong noon kung may lakad ako ay susunduin mo ako at dahil napagisipan mo ng lahat at gusto mo ng ayusin ang lahat sa inyo ni Alice. Pero mali ako dahil ang tama ay ang puso ko na mahal mo ako. 

"Mali na mas pinapakinggan ko ang isip ko samantalang kilalang kilala ka ng puso ko." she sob.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko hinawakan ko ang kamay niya. She was crying and she looked at me straightly into my eyes na pakiramdam ko ginawa niya yon para saksakin ng paulit ulit ang puso ko. 

"Mali na naging panatag ako sa isiping yon na hindi ko naisip na siguro sayo pwede kong asahan na hindi mo ako sasaktan pero nakalimutan ko na may Alice din pala na nandiyan lang at mahal ka pa din." 

"Ivy, nagusap na kami ni Alice at--" 

"At hindi ninyo sinasadya na gawin yon sa kabila ng katotohanan na ikakasal na tayo." 

Mas masakit makita na ang isang tulad ni Ivy na nasasaktan ay mahinahon pa din sa lahat ng sinasabi niya. 

Mas gugustuhin ko na sigawan niya ako saktan, sampalin at sisihin sa lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon pero hindi niya ginagawa. 

She cried more loudly at tumayo ako para yakapin siya. She hugged me back. 

"Gusto kong i-assure ang sarili ko na akin ka lang Simon, gusto kong paniwalain ang sarili ko na mahal mo ako at hinding hindi mo na ulit ako sasaktan--" 

Humiwalay siya sa akin hawak niya ang magkabilang pisngi ko. Umiiyak at ang sakit sakit makita sa mga mata niya na sinaktan ko siya ng sobra sobra. 

"Alam ko yon pero hindi ko na magawang maniwala sa isip ko oh kahit sa puso ko." 

"Ivy, Mahal kita, mahal na mahal at patawarin mo ako sa mali ko bigyan mo pa ako ng pagkakataon--" 

Umiling siya. "Hindi matatapos ang sakit kung ikaw sa sarili mo hindi mo matatanggap na may Alice pa din dito--" 

Tinuro niya ang dibdib ko. 

"-at kahit kailan alam ko hinding-hindi ko yan mapapalitan, kahit sabihin mong ako ang nandiyan." 

Tumayo si Ivy at binuksan ang pinto. "Tapos na tayong mag usap Simon pwede ka ng umalis." 

"Pero Ivy marami pa akong gustong--" 

"Tapos na Simon. Wala ng dapat pang sabihin dahil tapos na." 

Labag sa loob kong lumabas pero hindi pa din ako umuuwe. Nasa labas lang ako kung saan madalas ko hintayin si Ivy na lumabas para makita manlang. 

Nakita kong lumabas siya at nakita kong naglakad siya. Bumaba ako ng motor ko at sinundan ko siya. Saan kaya siya pupunta? 

Nakita kong pinunas niya ang mukha niya. Paniguradong hanggang ngayon umiiyak pa din siya. Medyo maraming tao kaya naman medyo tinatalasan ko ang paningin ko dahil baka mawala sa paningin ko si Ivy at hindi nga ako nagkamali. 

Nawala siya sa paningin ko at nagpalinga linga ako sa paligid nasa kabilang kalsada na si Ivy at nakatawid na. 

Maraming sasakyan ang dumaraan at maraming tao ang halos tumatabig saakin. Puno ng mga vendor ang paligid at hindi ako agad makatawid. Patawid na ulit si Ivy sa kalsada at bawal tumawid don. 

"Ivy--" 

I heard myself calling her but there's no sound came out to my mouth. Narinig ko ang isang bagsak ng nabasag ng plato at napalingon ako don. 

Everything was slow motion at ng nilingon ko si Ivy isang malakas ng busina mula sa track ang narinig ko and Ivy was there-- 

Puno ng tao ang nakikita ko hindi ako agad naka alis sa kinatatayuan ko and I found myself stooping down to hugged Ivy. 

Nanginginig ang kamay ko at ang buong katawan ko sa nakikita ko. Umiiyak ako pero hindi ko marinig ang sarili ko habang tinatawag ko ang pangalan ni Ivy. 

Maingay sa paligid pero hindi ko marinig ang mga sinasabi nila ang tanging alam ko lang ay basa ang yakap ko dahil sa dugo. 

Hinawakan ko ang pulso niya at biglang nagkaroon ako ng pag-asa. 

"Tulungan ninyo ako." 

Ilang minuto pa ay sinasakay na si Ivy sa stretcher. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makarating sa hospital na pinagdalhan kay Ivy. 

'She'll survive.' Yon ang sinasabi ko sa sarili ko. Hindi ako mapalagay sa labas ng emergency room. Panay ang hinga ko ng malalim at nakakabingi na ang lakas ng tibok ng puso ko. 

Nanunuyo na ang lalamunan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng E.R.. Bakit pati ang pag galaw ng Doctor ay nagii-slow motion. Nagkatinginan kami at tinanggal niya ang face mask niya. 

Umiling siya. Sa pag iling niyang yon gumuho ang mundo ko at agad akong pumasok sa loob ng E.R.. 

"Doctor ako." 

Sigaw ko sa loob ng pilit akong pinapalabas ng mga nurses. Nilapitan ko si Ivy na may nakatakip na kumot sinubukan ko ulit siyang i-revive habang tumutulo ang luha ko sa mukha niya. 

Naramdaman kong may pumipigil sa akin pero biglang nawala. Napalingon ako sa doctor at kita kong pinigilan niya ang nurse na gawin ko ang gusto ko. 

Napaluhod ako at sumigaw. 

"Ivy!!!!" 

Non ko lang ulit narinig ang sigaw ko. Matagal bago ko matanggap na wala na si Ivy saka pa lang ako sumuko at saka pa lang ako lumabas ng E.R. pero hindi ako umalis sa labas non at nanatiling nakaupo ako sa waiting area. 

Patuloy ang paglaglag ng luha ko sa mata ko. Sana ako na lang. Sana ako na lang ang namatay. 

"Ivy." bulong ko.

Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. Ang sakit sakit, namatayan ako ng ina pero hindi ganito kasakit dahil alam ko sa simula pa lang mawawala siya sa akin dahil may sakit pero ang mawala si Ivy ng dahil sa kapabayaan ko ay hindi ko matanggap.

Inasikaso ko lahat ng kailangan ni Ivy. Ang wedding gown niya ang pinasuot ko sa kanya. Walang halos dumating sa burol niya kung hindi ang mga ka-officemates niya at ang mga kaibigan niya. 

Dumating din ang mga kasama ko sa N.B.I.. Pinakasalan ko si Ivy, masakit man na pinakasalan ko siya na hindi na niya masasabing 'I do" pero mahal ko siya at inaaamin ko hindi ko pa din matanggap. 

Lumipas ang mga araw at ang linggo ay naging buwan pero lagi lang akong laman ng mga bar. Halos hindi ako umuuwi. Gusto ko ng mamatay para sumunod kay Ivy.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon