Chapter 29
[Alice]
Nakarating kami ng Maynila bago ako isuko ni Arkie sa pulisya pinakain niya muna ako hinayaang makapagpalit ng malinis na damit at binigyan ng masusuot na tsinelas. Bago ako pumasok sa loob niyakap ako ni Jet.
"Sisiguraduhin kong mananalo ka sa laban na ito."
Tuluyan na akong pumasok sa loob. Hindi na nakapag paalam sa akin si Arkie dahil sinimulan na niyang magpagawa ng warrant of arrest para kay Luis Salonga, Lorenzo Salonga at Kay Simon 'Jed' Salonga.
Magisa ako sa cell ko. Tahimik lang ako at naka higa. Para akong nanggaling sa isang malayong lugar na wala akong ginawa kung hindi ang tumakbo at hindi tumigil. Pagod na pagod ako. At hindi ko na namalayan nakatulog na ako.
Ilang araw pa ang lumipas at halos araw araw akong dalawin ni Arkie at Jet sa kanila ko nabalitaan na kusang sumuko si Simon pero hindi ito nagbigay ng testamento. Siya rin ang nagturo kung saan matatagpuan ang dalawa pa niyang kasama. At dumating ang unang araw ng paglilitis ko.
"We regret to say that Alice refused to say any single word during our interview we had with her.--" sabi ng Prosecutor na nakatayo sa tapat ng kinauupuan ko.
Katabi ko Si Jet na tumatayong abogado ko. Nandon din ang Daddy ko pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makausap ako. Nagpatuloy ang Prosecutor.
"However this wasn't considered as charges during at this time. Thank you."
Pagtatapos nito at naupo. Nagsalita ang Counsil pero hindi ko yon nilingon.
"I now turn over the floor to the defense."
Si Jet naman ang tumayo sa tabi ko at nagsalita.
"Thank you." sabi niya at inayos niya ang suot niyang damit. Nagpatuloy.
"The defense reject his accusation, and we will proved that the prosecution version of the offense was incorrect we will also proved that my client legal rights was severely compromised. My client is innocent of all charges and she's deserves to be declared legally competent immediately and to leave this court as a free woman."
Dahan dahan at malinaw niyang pagkakasabi. Katahimikan at hindi ko alam kung anong mga ginagawa nila at nananatiling sa mesa ako nakatingin.
Maya maya pa ay nagsalita ang Prosecutor.
"It regards to the attempt of murdering your mother the time she'd enter to your room ng nagkatampuhan kayo." sabi nito nakikita ko siya na nagpapauli-uli sa may harapan ng mesa nila. Nagpatuloy
"--ang pananahimik mo ba ay nangangahulugan na hanggang ngayon ay ayaw mo pa rin makipag cooperate sa amin?"
Matagal bago ako nagsalita. "I'm willing to answer questions."
Pagkatapos non at matagal ulit ang katahimikan. Isang minuto hanggang maging dalawa at sinubukan ulit ng Prosecutor magsalita.
"Er-- alright why don't we start into that one then?"
Ilang segundo ulit ang pinalipas ko before I talk and I even don't dare to look at him
"I haven't heard the question yet." sabi ko.
Saka lang ako tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung nagulat siya oh naantipatikuhan siya sa paraan ng pakikipag usap ko.
Sabagay ayaw ko ng maging mahina, gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong maging matapang.
"Tinatanong kita kung ng pumasok ang mother mo sa kwarto mo pinatay mo siya."
"No.--" sabi ko ng mahinahon pero hindi nakaila sa kanila na inagaw ko pa ang siguro ay ilan pang sasabihin ng Prosecutor.
"--you said you want to clear up kung ng pumasok ang Mama ko sa kwarto ko ay pinatay ko siya. Hindi yon tanong. That was an conceive of your opinion."
Kita ko ang pagkainis ng Prosecutor sa sinabi ko. Totoo naman ang sinasabi ko hindi naman talaga yon tanong. Nagsalita ulit siya sa tono ng pagkairita.
"Just answer my question--"
"No." agad kong sabi kahit pa hindi pa siya tapos magsalita.
"What do you mean, No."
"That was my answer to your question." sabi ko.
Alam kong hindi na maitago pa ng Prosecutor ang pagkainis. Nagkaroon ng isang oras na recess at mahaba pang usapan. Natapos din.
Binalik ako sa aking selda. Bago umalis si Jet ay nakiusap siyang kausapin ko ang aking ama pero hindi ko siya pinagbigyan. Ayaw ko, hindi dahil hindi pa ako nakakapag patawad pero dahil marami pang laman ang isip ko at gusto ko munang mabawasa yon bago ako ulit magisip ng isa pa.
Sa loob ng selda tahimik lang ako. Naalala ko si Simon.
'--you could read that when you get bored in your new place.' hindi ko na nadala ang libro niya at hindi ko na din gugustuhin dalhin pa yon. Sa paglilitis kanina wala pa sila sa harap ko kung hindi ang Prosecutor pa lang paano na kung nandon na sila. Kaya ko kaya silang harapin?
Kinabukasan, dinalaw ulit ako ni Arkie. Nagdala siya ng ilan kong masusuot at makakain.
"Pasensiya kana kung ngayon lang ako nakadalaw ulit at wala ako sa hearing mo kahapon. Dumating kasi ang girlfriend ko at kailangan ko siyang sunduin sa airport."
Ngumiti ako sa kanya. "Wala yon Arkie. Nga pala hindi pa ako nakakapag pasalamat sayo sa lahat ng tulong na ginawa mo para sa akin."
Ngumiti rin siya at nagsalita ulit ako. Malungkot ang nararamdaman ko.
"Hindi manlang ako nakapunta sa libing ni Pia. Hindi manlang ako nakapag pasalamat sa pagligtas niya sa akin."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Alice kung nasaan man si Pia, I'm sure masaya siya na sa wakas ay unti unti ng malilinawan ang lahat para sayo."
Binitawan niya ako at nagsalita ulit. "Let's just make sure na hindi masasayang ang pagbuwis niya ng buhay." sabi niya.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na ulit si Arkie at bumalik na ako sa silid ko. Tahimik na ulit at paulit uli ang nightmare ko. Hindi ko magawang takasan ang lahat ng sakit at takot ng nakaraan ko.
Hindi ko alam kung paano ko makakalimutan ang lahat. Pero sabi nga ni Simon diba? The more na pagod ako the more na bukas ang isip ko. Siguro kailangan kong kalimutan ang lahat ng ito. Pero paano ko naman gagawin yon kung kaahit ang simpleng kalimutan siya ay hindi ko magawa?
Pumayag ako sa gusto ni Jet na pagkatapos ng lahat ng ito ay kokonsulta kami sa isang Psychiatrist. Siguro nga kailangan ko ng tulong para makalimutan ko na ang aking nakaraan.
Ilang araw pa ang dumaan at dumating na ulit ang araw ng aking paglilitis. Natapos at muli dumating ang huling araw napinaka hihintay ko.
Hindi ko alam kung anong ang mararamdaman ko. Ilang beses ko na nakaharap sina Lorenzo at Luis Salonga pero ngayon ko pa lang makakaharap si Simon makalipas ang buwan ng hindi kami nagkikita.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...