Chapter 13

40 3 0
                                    

Chapter 13 

[Alice]  

"Ate naririnig ko na si Mama. Si Mama yon, bilisan mo na." 

Tumakbo pa ako ng mabilis. 

"Mama! Ma!" 

Narating ko ang isang malaking bahay. Naririnig ko ang Mama ko pero bakit siya umiiyak? 

Nasa gate na ko ng malaking bahay at nakita ko siyang pinipilit kumawala sa yakap ng isang lalaki. Ang lalaki ay nakaluhod na sa likuran ni Mama at nagma-makaawa itong wag umalis ang Mama ko. 

"Hindi ko matatanggap ang anak mo sa ibang babae." sabi ni Mama. 

Tiningnan ko ang lalaki siya ba ang Papa ko? Nagma-makaawa pa din ang lalaki at sinalubong si Mama ng isang lalaki at sa halakhak ng lalaking yon kilala ko kung sino siya. 

Siya si Luis Salonga. 

"Mama!" sigaw ko. 

Nakita ko si Mama nahulog siya sa hagdan. Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gusto nabigla lang ako. 

There's blood at tinatawag niya ako. 

"A-Alice..." 

Pero ng makalapit ako sa kanya natakot siya sa akin. Pero hindi siya nakatingin sa akin. May naramdaman akong gumagalaw sa likod ko at humarap ako. 

May tao sa likod ko at pagharap ko hinawakan niya ako sa magkabila kong braso. Ang matang yon. Nakita ko na ang matang yon. Ang maamong matang yon at may malakas na tumama sa ulo ko at nagdilim na ang paningin ko. 

"Alice." 

Naririnig ko pa din ang tawag ng Mama ko. Hindi pa patay ang Mama ko natatawag pa niya ako. 

Naramdaman ko ang sarili ko na yumuyogyog pero bakit? Dahil ba sa pagiyak ko? Hindi ko na kaya ito. 

Mama ko, isama mo na ako kung nasaan ka. Hindi ko kayang magisa. Sinubukan kong magsalita pero hindi ko magawa. Narinig ko ulit ang tawag ng pangalan ko. 

"Alice!" 

Nakahawak si Simon sa magkabila kong braso siya ang yumuyogyog sa akin para magising ako. 

"Nananaginip ka." sabi niya. 

Naramdaman kong pawisan ako at basang basa ang mukha ko ng luha. Kinuha ni Simon ang isang damit na nasa gilid ng sofa at pinunas ang mukha ko. 

Sana hindi na lang ako nagising. Sana hindi na lang niya ako ginising. Sana doon na lang ako sa panaginip ko para kasama ko ang Mama ko. 

Hindi ko napansin na yumakap pala ako sa braso ni Simon at doon ako umiyak. Maya maya bigla akong tumayo at tumakbo papuntang kwarto. 

Malalim na ang gabi nahiga ako sa kama at nagbalot ako ng kumot. Pilit ko iniisip kung ano ang nangyari ng araw na yon. Sino ang lalaking nakatakip sa mukha at sino ang humampas sa ulo ko? 

Kakaisip ko sa mga nangyari bago mangyari ang insidenteng yon nakatulugan ko na ulit yon. Nagising na lang ako ay umaga na. 

Ang simula ng araw na yon ay hindi gaya ng mga umagang bangungot ang bumubungad sa akin. Gaya ng dati naka luto na si Simon at hinihintay na lang niya akong bumangon. 

Pagkatapos kong kumain naisipan kong maglinis ng bahay. Inuna ko ang sala at pagkatapos ay sa kusina. 

"Wag ka masiyadong magpakapagod hindi kapa lubusang magaling." sabi ni Simon. 

Katulong ko siya sa paglilinis. Siya ang taga buhat ko ng mga mabibigat kahit pa hirap din siya dahil sariwa pa ang sugat niya sa braso. 

Hindi ko natapos ang mga gawain sa isang araw ang kusina at sala pa lang ang nililinis ko. Matagal ng walang nakatira sa bahay na yon anim na taon na. 

Nalaman ko kay Simon na ulilang lubos na si Arkie at gaya ko ang Mama lang din niya ang nakagisnan niya. Hindi rin niya nakilala ang Papa niya. 

"Ang sakit ng likod ko." 

Nanakit ang katawan ko sa paglilinis. Hindi ko pa kasi nagawa ang ganong paglilinis. Tumingin sa akin si Simon na kasalukuyang nagbabasa ng librong dala niya. 

"Ang tigas kasi ng ulo mo." sabi niya at lumapit sa akin. 

Nakatingin lang ako sa kanya at nabigla ako ng bigla niya akong hawakan sa likod. Hindi ko alam pero bakit parang may takot akong naramdaman. 

"Stay. Hihilutin lang kita." sabi niya. 

Hindi ko gusto pero natabig ko ang kamay niya. 

"S-Sorry. Hindi ko dapat yon ginawa." 

Tumungo ako. "Pasensiya na din." umiling ako. "Hindi ko alam pero may-- sa utak ko-- may pumapasok na alaala sa utak ko." 

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Maya maya ay tumayo siya. 

"Magpahinga ka na." 

Ginawa ko ang sinabi niya. Pero matagal na akong nakahiga hindi pa din maalis sa isip ko ang alaala na yon. 

Its not clear, it was foggy though it was been thumpered. Na parang isa akong robot na may pilit binubura sa isip ko.  

Nakatingin ako sa bintana na nakabukas. Nakasanayan ko na ang matulog na bukas ang bintana at kita ko doon ang bituin sa langit. 

The breeze from the window played across to my face. I could hear an insect humming gently somewhere behind the curtain. My eyelids began to droop...

Nakasakay ako sa isang jeep at may kasama akong isang babae siya ang Ate ko pero alam kong wala naman akong kapatid. 

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. 

"Ate don ang daan alam ko nakarating na ako dito." 

"Oo pero mabuting magtanong din tayo." sabi niya at nagtanong siya sa isang babae. 

May mga nakasalubong akong mga tao at parang kilala ko sila. Maganda ang lugar na ito. Tumakbo pa ako alam ko malapit na yon. At narinig ko na may isang babaeng nagsasalita. 

Nilingon ko ang Ate ko na hanggang ngayon ay hindi ko makita ang mukha niya. 

"Ate naririnig ko na si Mama. Si Mama yon, bilisan mo na." at tumakbo pa ako ng mabilis. 

"Mama! Mama!" sigaw ko 

Narating ko ang isang malaking bahay. Naririnig ko ang Mama ko at umiiyak siya. Bakit? 

Nasa gate na ko ng malaking bahay at nakita ko siyang pinipilit kumawala sa yakap ng isang lalaki. Ang lalaki ay nakaluhod na sa likuran ni Mama at nagma-makaawa itong wag umalis ang Mama ko. 

"Hindi ko matatanggap ang anak mo sa ibang babae." sabi ni Mama. 

Tiningnan ko ang lalaki siya ba ang Papa ko? Nagma-makaawa pa din ang lalaki. May hawak ang Mama kong isang sanggol. Ako ba yon? At sa likod ni Papa may isang bata umiiyak. 

Umalis si Mama at sinalubong siya ni Tito Luis at sa halakhak niya tumatayo ang balahibo ko sa batok. 

"Mama!" sigaw ko.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon