Chapter 23
[Alice]
Nagpatuloy si Simon sa sinasabi niya pero hindi pa din niya ako tinitingnan.
"Kahit anong mangyari wag mo akong pagkakatiwalaan. Wag na wag mo akong susundin sa lahat ng sasabihin ko. Sundin mo lang ay ang sarili mo. Kung anong sa palagay mo makakabuti para sayo. Ayaw ko--"
I cut him. "Desisyon ko 'to Simon,"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. Nakatingin ako sa kanya pero hindi ko mahuli ang mata niya.
"--sapat na ang ilagay mo sa kapahamakan ang sarili mo para patunayan na dapat kitang pagkatiwalaan. Buong buhay ko Simon wala akong pinagkakatiwalaan kung hindi ang Mama ko.
"At ayaw kong ipagkatiwala ang sarili ko sa iba kung hindi sayo lang. Just promise me you will never do that again." sabi ko.
Tumingin siya sa akin na may pagtatanong. Ngumiti ako sa kanya at yumakap. Alam ko nagulat siya sa ginawa ko pero naramdaman ko na he hugged me in return.
"Alam ko hindi tama ito pero-- akala ko talaga asawa mo si Pia ng nasa Hospital tayo. Inaamin ko na nadismaya ako but now that I know the truth is, ayaw ko maging huli ang lahat para sabihin ito."
Humiwalay ako sa kanya na nakangiti pa din. Handa na akong harapin ang lahat dahil alam kong kasama ko si Simon.
"Ayaw ko pagsisihan lahat gaya ng huli na para makahingi ako ng tawad sa Mama ko. Simon-- gusto kita."
Nagulat siya sa sinabi ko. Napatayo siya sa kinauupuan niya. Inaasahan ko na yon. Alam ko naman na ikakagulat niya yon ang hindi ko lang alam ay kung tatanggapin niya ako pagkatapos ng mga narinig niya.
"Alice you're j-just confuse. I-- you--" huminga siya ng malalim at lumapit sa bintana. Nakasara yon pero nakatanaw siya don na parang tumitingin ng magandang tanawin.
"Hindi mo pa ako kilala ng lubusan Alice."
Tumayo ako pero hindi ako lumapit sa kanya. "Alam ko. Alam ko na ang lahat Simon. Napagisipan ko na ang lahat. Kilala na kita."
Hindi ko alam kung bakit may takot sa pagkagulat niya pero dahil sa sinabi ko bigla siyang tumingin sa akin.
"A-Alam mo na ang--"
"Oo. Hindi ko alam kung bakit hindi mo sinabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang itago."
Hindi ko mapigilan pero may isang butil ng luha ang nalaglag sa mata ko. Nakangiti ako.
"Alice-- Alice patawarin mo ako. Hindi ko gustong ang nangyari. Alam kong mali--"
Lumapit na ako sa kanya at nilagay ko ang daliri ko sa labi niya.
"Hindi ako nagagalit Simon. Masaya ako na nakita kita ulit-- na all along akala ko you're just being loving and caring for your patients pero hindi ko alam na matagal na pala tayong magkakilala. I never knew not until I found this--"
Kinuha ko sa bulsa ko ang isang picture ng five-year-old girl which happen it was me. Hindi ko alam kung gaano kadisappointed ang mukha ni Simon sa pinakita ko pero hindi ko yon pinansin.
Kinuha niya ang picture at nakita ko may ilang luha sa mata niya. Naupo ulit siya sa kama at humarap naman ako sa kanya.
"I found that na nakaipit sa binigay mong libro. Hindi ko alam kung paano napunta yan sayo-- until I've realize na ikaw din ang Simon na tumulong sa aking sa may play ground thirteen-years ago."
Naupo ako sa may tabi niya.
"Nang madapa ako nahulog ko yan at hindi ko na napansin sa sobrang pagmamadali kong makauwi. Simon, kung bakit hindi mo sinabi na kilala mo ako, hindi na importante. Ang importante andito ka kasama ko."
Umiling siya at hinarap ako. Hindi ko alam kung bakit parang gulong gulo siya. Hindi ko alam kung bakit sobrang troubled siya except to the fact na madami siyang pinagdadaanan.
"Hindi tama to Alice--"
"Bakit? Bigyan mo ako ng isang bagay na dahilan bakit mali ang lahat ng--"
"--matanda na ako."
"--twenty-five-year-old that's not too much for you to--"
"It is. Marami kapang hindi alam tungkol sa akin para maintindihan mo."
"Why don't you tell it to me. Explain everything I didn't know."
Alam kong medyo malakas na ang boses namin. Kung nakakabulabog kami sa tulong ni Pia hindi ko na alam.
He gave up. He release a deep breath.
"Hindi ganon kadali yon Alice. Gusto kita hindi ka mahirap mahalin pero hindi mo maiintindihan--"
"--dahil bata pa ako? Dahil hindi sakop ng tulad ko ang mga ilang bagay bagay? Simon hindi ba sapat na halos mapatay ako ng step father ko para patunayan na matatag ako, na kaya ko harapin ang sapalagay ko hindi ko kaya?
"Hindi ba sapat na pinatay ang Mama ko at ngayon nagtatago ako dahil suspect ako? At hindi ba sapat ang mga naranasan ko para patunayan na hindi pa ako handa sa lahat ng ito?"
My voice crack into my last sentence pero hindi ako pwedeng tumigil. Gusto kong patunayan kay Simon na kahit ganito lang ako at kahit bata lang ako kaya kong pantayan ang lahat ng pwedeng dumating sa amin.
Lumapit siya sa akin para yakapin ako. I'm crying in his shoulder silently. He muttered.
"I'm sorry." Inilayo niya ako at pinahid ang luha ko.
"Ayaw ko lang na masaktan kita. Ayaw ko na-- gaya nito, mahal mo ako at mahal din kita pero pagdating ng panahon kasuklaman mo ako sa lahat ng ito."
Inupo niya ako sa kama at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Marami kang hindi alam tungkol sa akin Alice at may mga bagay akong nagawa na-- na alam kong isusumpa mo na sana hindi mo na lang ako minahal."
Magsasalita ulit ako pero pinigilan niya ako.
"Alam ko ang sasabihin mo. Ipaliwanag ko pero hindi ito ang tamang panahon Alice. Basta gusto ko tandaan mo lang ito. Ikaw. Ikaw ang pipiliin ko sa kahit anong bagay at sa kahit sino pa. Hinding hindi kita papabayaan kahit pa dumating na ang panahon na kasuklaman mo ako."
Niyakap niya ako. Matagal at pakiramdam ko wala na ang lahat ng problema ko-- na parang tapos na at wala ng darating pang sakit. He let me get into bed at nasa tabi ko lang siya nakaupo.
Gaya ng nakasanayan ko, hindi niya pinatay ang ilaw. He bent to kiss me on my forhead.
"May mga sinasabi ka na hindi ko maintindihan. Gusto kong malaman. Kung hindi ito ang tamang panahon, kailan? Simon baka huli na ang lahat bago mo pa masabi sa akin."
Nakatingin lang siya sa akin at huminga ng malalim. Madaling araw na. Hindi namin namalayan ang oras at--
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...