Chapter 12
[Alice]
Naguguluhan ako sa sinabi ni Simon sa akin. Bakit nila ito ginagawa? Bakit nila ako tinutulungan? Hindi lang siya kundi pati na sina Arkie at Atty. Constantino. At paano ang babae sa hospital?
Paano kung makulong yon at hindi na makalabas at siya ang pagbalingan ng taong pumatay sa Mama ko at nagtangkang pumatay sa akin?
Huminga ako ng malalim. Pero may isang malinaw sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko ng malaman ko na ang babae sa hospital ay hindi niya asawa, hindi niya rin girlfriend.
Ang buong akala ko talaga ay asawa niya yon.
Pagkatapos namin kumain ng umagahan ay nagkulong ako sa kwarto lumabas lang ulit ako ay ng magtanghalian.
Pagkatapos non nakita kong tinatanggal ni Simon ang bandage niya kaya naman tinulungan ko na siya.
Hindi maiwasan ng puso ko ang magkagulo tuwing malapit ako kay Simon lalo na tuwing nagkakatitigan kami na magkalapit.
Ano ba tong nararamdaman ko. Ang bata ko pa. Eighteen-year-old lang ako at si Simon hindi ko alam kung ilang taon na siya pero alam kong malayong malayo ang agwat niya sa akin dahil isa na siyang Doctor.
Nakaupo ako sa sofa at madilim na sa labas. Malayo ang biniyahe namin kanina at nakakaramdam ako ng pagod, pero hindi mawala sa isip ko kung ano ba talaga ang nangyari.
Lumabas ako ng balkonahe at nakita ko ulit ang kasama ng babae na tumatakbo kanina. Magisa na lang siya.
Sa pagdaan niya sa harap ng bahay ay nilingon niya ako at tinitigan. Ganon din ang ginawa ko. Lumabas ako para lapitan ang lalaki na siguro ay halos kaidaran ko lamang.
"Bagong lipat kayo? Hindi ko alam na may iba na palang nakatira sa bahay na yan." sabi niya.
Hindi ako nagsalita at nilingon ko ang malaking bahay. Maya maya binalik ko ang tingin ko ay sa hawak niya. May dala siyang skate board.
"Kilala mo ba kung sino ang nakatira sa bahay na yan?" tanong ko at tinuro ko ang malaking bahay. Sumandal naman ang lalaki sa sasakyan na ginamit namin kanina at tumango.
"Oo. If you've seen the girl with me kanina, apo siya ng may ari ng bahay na yan?" sabi niya.
Hindi naman ako nagsalita. Nakarating na talaga ako sa lugar na ito. Oo, siguro nga sa panaginip pero nabasa ko sa librong binigay ni Doctor Simon sa akin ang bawat panaginip na may karugtong ay may mga dahilan.
Ang panaginip hindi lang basta nangyayari sa isip kapag tahimik at nagpapahinga nagdadala ito ng kahulugan.
Ang panaginip na nahuhulog sa isang mataas na lugar ay isang failure. Failure na nagawa mo sa iyong buhay. Madalas mangyari sa akin yon.
Ang panaginip na nangyari sa Mama ko na nahulog sa hagdan. Ang ibig sabihin non ay may isang taong humihila sa iyo pababa upang hindi mo maabot ang tagumpay sa iyong buhay.
May ilang tao din na hindi nila naaalala ang panaginip nila at pag dumating yon ibig sabihin isa yon premonition. Anong ibig sabihin? Depende na sa napanaginipan mo.
Hindi ko naman na pansin ang lalaki at nagsasalita pala siya. Ang isip ko kasi ay natuon sa malaking bahay.
"--kaya yon, sila lang ang nakatira diyan." sabi pa nito at nilingon ko siya.
"Sinong mga nakatira diyan?"
Tumingin sa akin ang lalaki na parang ayaw na niya ulitin ang sinabi pero nagsalita ulit siya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...