Chapter 10
[Alice]
Hindi naalis sa isip ko ang sinabi ni Simon. Ano ang ibig niyang sabihin? Anong patibong at bihag ang sinasabi niya?
May gusto ba siyang ipahiwatig sa mga sinabi niyang yon? Hindi ko magawa ang sinabi niya kahit na panay ang tingin ko sa labas ng pinto ng bar na pinasukan niya, maging sa susi na iniwan niya sa sasakyan.
Iniwan ba niya yon dahil gusto niyang umalis na ako? Naguguluhan talaga ako.
Sa kakaisip ng mga sinabi ni Simon hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako sa pagkakahiga sa sasakyan.
Naramdaman kong gumagalaw ang sasakyan at nagda-drive na si Simon. Tumingin ako sa oras at four na ng madaling araw.
Gaano na katagal na nagda-drive si Simon? Gaano na katagal na nakatulog ako? Hindi ko naramdaman na pumasok siya sa sasakyan.
Tumingin ako sa labas at hindi ko na kabisado ang lugar na dinaraanan namin. Nilingon ko si Simon na tahimik sa pagda-drive. Bumalik sa isip ko ang sinabi niya.
'Wag na wag kang magtitiwala kahit na kanino Alice. Kahit na sa akin pa. May pagkakataon kapang tumakas sa lahat ng ito.'
Kung may binabalak siyang masama sa akin hindi ba dapat kanina pa niya nagawa? Nang mga panahon na tulog na tulog ako at walang kamalay malay na sa isang iglap pwede na pala akong pasukin sa bukas na sasakyan ng isang masamang loob para patayin?
Kung masama siya at kailangan ko siyang takasan bakit nasa tabi ko pa din siya hanggang ngayon? Bakit kailangan niyang masaktan at iwan ang trabaho para itakas ako?
Bakit kailangan niya akong lagyan nito?
Tumingin ako sa isang tuwalya na tinakip niya sa katawan ko para gawing kumot. Nabigla ako sa bigla niyang pagsalita.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kanya. Nagtataka talaga kasi ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ko si Simon. Parang matagal ko na siyang kilala.
Umayos ako ng upo at medyo inangat ko ang sandalan ng upuan ko.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko pero iba ang sinabi niya.
"Bakit hindi ka pa tumakas kanina? Bakit hindi kapa umalis?"
Hindi siya lumingon sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Nababaliw na ba siya dahil sa tinamo niyang sugat?
"Hindi na kita maintindihan."
"Sinabi ko sayo diba, may pinadala silang tao para ipapatay ka. Paano kung ako yon, paano kung--"
"Anong bang pinagsasabi mo Simon?"
Bigla siyang tumigil sa pagda-drive. Alam kong malayong malayo na kami dahil halos walang dumaraang sasakyan sa lugar na yon.
Humarap siya sa akin. Hindi ko alam kung matatakot ako sa kanya. Galit ang mukha niya.
"Diba sinabi ko sayo na tumakas kana?"
"Bakit mo ba sinasabi--"
"--dahil papatayin kita Alice. Ako ang papatay sayo!" sigaw niya.
Tumingin ako sa paligid pero walang tao. Bakit ba siya sumisigaw baka mamaya may mga taong maglabasan ng bahay na malapit dito at mabulabog niya.
"Ano? Tatakas kana ba? Naisip mo na tama ako? Tumakas kana Alice, tumakbo ka ng malayong malayo sa akin humingi ka ng tulong dahil baka walang makarinig sayo dito dahil malayong malayo na tayo--"
"Tumigil ka!" sigaw ko. "Tama na Simon. Kung papatayin mo ako maraming pagkakataon na pwede mo ng gawin yon pero narito ako buhay na buhay. Hindi ko alam kung bakit mo ba ito sinasabi sa akin pero isa lang ang alam ko--"
Tahimik ang lugar, kuliglig at insekto lang ang naririnig ko.
"May tiwala ako sayo at magtitiwala ako hanggang matapos ang lahat ng ito."
Nagulat ako sa ginawa niya. Ang totoo natakot. Bigla niyang hinugot ang baril sa may bewang niya at tinutok sa akin.
Hindi ako nagsalita.
May dahilan siya, hindi ko alam kung ano yon pero anong gagawin ko? Aalis na ba ako dahil baka tama siya? Ang isang utak ko iba ang sinasabi at mas matimbang yon. Wag akong umalis sa tabi niya.
Naninikip ang dibdib ko sa pagkalito at may luha na sa mukha ko. Bakit ba niya ginagawa to? Sige, kung papatayin niya ako sige lang. Para matapos na ang lahat ng ito.
Hindi ko alam kung bakit ba siya ganyan pero pinukpok niya ang manibela. Lumabas at nagsisigaw.
Nang makahinahon siya pumasok na ulit siya.
"I'm sorry, Alice natatakot ako."
Sa unang pagkakataon naramdaman ko ang awa sa kanya. Narito siya sa sitwasyon na ito dahil sa akin. Pati ang asawa niya ay nalagay sa piligro dahil sa akin.
Sinong hindi matatakot non? Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin na natatakot siya pero isa lang ang alam ko.
I have to be strong not only for myself but for him.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin at pinaandar na niyang muli ang sasakyan. Palayo kami ng palayo.
Kung saan kami pupunta hindi ko alam. Hindi ko na din siya tinanong. Makailang saglit pa at tumigil siya sa isang bahay na mukhang walang tao.
Malayo kami sa mga kapit bahay. Kanino kaya ang bahay na ito. Hindi ako bumaba, pero bumaba si Simon at lumapit siya sa bahay.
Siguro ayaw na niyang maulit ang pangyayari sa amin kahapon. Habang hinihintay ko siya pinagmamasdan ko ang paligid.
Malayong malayo kami sa kabihasnan. Bumalik si Simon at kinuha ang mga gamit. Bumaba na rin ako at lumingon sa may bahay na tutuluyan namin pero ng tumingin ako sa may likuran nito at napatigil ako. Narinig ko naman ang sinabi niya.
"Sa bahay ni PO2 Delos Reyes tayo. Walang nakatira don dahil madalas siya sa Maynila." at hindi ko na siya pinansin.
Nakarating na ako sa lugar na ito. Ito ang lugar na napanaginipan ko.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...