Chapter 35
[Arkie]
I don't know what's happening to Tricia she's been so upset into something na hindi ko alam because she's not telling me anything that happened to her during her vacation in Majorca.
Pag kasundo ko pa lang sa kanya sa airport napaka cold na ng pakikitungo niya sa akin. Tricia is a nice person. She's friendly at approachable, bagay na nagustuhan ko sa kanya.
Mahal na mahal ko siya kaya naman I feel guilty na I can't take off my eyes to Janet. Naging mabait kasi siya sa akin at napaka light niyang kasama. Masayahin siya kahit pa marami siyang insecurities sa mga kapatid niya.
Hindi siya gaya ng ibang mayayaman na kilala ko or maybe she knows how to be nice dahil alam niya kung saan siya lulugar. Gaya ng iba na boasting about their wealth knowing na ampon lang sila.
Si Janet, malayong malayo, not proud being adopted but making efforts to proved that she deserved to be part of that family. I miss her, I admit. After one month pagkatapos ng kaso ni Alice hindi ko na ulit siya nakita.
Hindi ko naman din nakuha ang contact niya dahil hindi ko na naretrieved pa ang cellphone ko na nasa NBI ng matagpuan ang bangkay ni Pia. At hindi ko talaga akalain na of all places makakabangga siya ni Tricia dito sa Supermarket.
Isa pa ito sa pinagngingitngit ni Tricia, ayaw niya dito sa Supermarket magpunta kung hindi sa mall. Hindi naman kasi ako mayaman. Alam naman niya yon at ngayong sa bahay siya nakatira siguro naman ay sanay na siya sa buhay ko after all six years na kaming mag-on.
Nang makita ko si Jet, I wanted to stay at makipag kwentuhan muna kaya lang with Tricia having tantrum like that, there's no chance at all. Naisip ko din na buti na lang hindi ako nagpadalos-dalos dahil hindi ko akalain na may kasama pala siya sa pag grocery niya. Isang matangkad at maputing lalaki.
Ngayon ko lang siya nakita at isa pa wala namang nabanggit si Jet that she's dating with someone dahil sa pagkaka-alam ko ang huling lalaking nagustuhan niya ay noong highschool pa siya.
Sino kaya ang kasama niya? Pagdating namin sa bahay na tinutuluyan ko dito sa Manila, umalis si Tricia.
"Saan ka pupunta?"
"I'll just get some fresh air outside."
Maiksi nitong sabi at walang lingon na umalis. Napapailing na lang ako at inayos ko ang mga pinamili namin. Hindi siya umuwi ng lunch hanggang ngayon.
And thinking about lunch naalala ko na inaya ng lalaking yon ng lunch si Jet. Sino ba talaga ang lalaking yon. I'm so confused on what to do. 'Asked her', my mind telling me and 'Don't you do some reckless.'. Nagtatalo ang isip ko at bigla akong tumayo sumakay ng sasakyan.
Mga six na ng gabi at medyo traffic pa. Malapit na kasi ang Holiday kaya naman laging puno ang daan. I texted Tricia na may iniwan akong pagkain na umalis lang ako saglit. She didn't bother to replay kaya naman medyo naiinis ako.
Pagka park ko ay halos takbuhin ko ang elavator. Pinindot ko ang button at kapag minamalas naman talaga mula pa sa penthouse. Then, fourteen, twelve, eleven, ten-- may ilang tao na nasa likuran ko.
Huminga ako ng malalim then bigla ko na naman naisip. Tama ba ang gagawin ko?
'Ano ka ba naman Arkie? Itatapon mo ang anim na taon sa tatlong buwan?',
'Walang masama magtatanong ka lang naman',
'What for?',
'Teka? Oo nga naman para saan at kailangan kong itanong kung sino ba ang lalaking yon?'
Nawala ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang Elavator at nagsipasok ang ibang tao. Pumasok na din ako at pinindot ko ang button eleven. Then, one, two, three, may lumabas pati sa four.
Nakasandal ako sa wall at medyo nakatingala. Hindi ko maiwasang kabahan, matense, at maexcite. May ilang pang mga lumabas hanggang ako na lang ang natitira. Nine, ten, open--.
Sa sobrang pamamadali ko agad agad akong lumabas pero hindi ko akalain na may papasok ng elevator at nabunggo ko yon. Medyo malakas ang pagkaka-bunggo namin dahilan kaya bumagsak ang babae sa semento.
"Sorry!" nabigla ako at agad ko siyang tinulungang tumayo.
Hinarap ako ng babae ngayon ko lang napansin na naka swimsuit siya at pinatungan lang ng isang manipis na pang ibabaw.
"Bulag kaba? Or hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?"
"Sorry hindi ko kasi alam na may tao sa labas ng--"
"Bakit pag-aari mo ba ang building na ito at naisip mo na ikaw lang ang pwedeng pumasok at lumabas ng elevator na yan?"
Pagsusungit pa nito. Kung hindi ko lang talaga kasalanan at hindi lang ako nagmamadali eh papatulan ko ang dalagita na ito.
"Look, I'm sorry. May masakit ba sayo?"
"Isn't it obvious? Ikaw kaya ang bumagsak diyan sa semento na yan at tanungin ng may kasalanan kung nasaktan ka kung hindi ka mapika?" sabi pa nito at napapailing na lang ako.
"Tabi nga diyan at nakahara ka sa elevator."
Tabig niya sa akin at medyo umurong naman ako.
"Look, I'm really sorry, I am." sabi ko at tumalikod na ako.
Hindi na ako nagmadali dahil nawala ang excitement ko. Napaka sungit naman ng babaeng yon. Napailing ulit ako at medyo naisip ko pa na parang nakita ko na siya. At ngayon ay nakatayo na ako sa harap ng room 1109.
Nagdoorbell ako pero walang nagbubukas ng pinto. Napahinga ako ng malalim. Mukhang wala pa si Jet sa pad niya. Nakatatlong doorbell ako at saka lang ako tumigil. Aalis na sana ako ng wala sa loob kong pihitin ang doorknob at medyo nagulat ako that it click. Bukas ang pinto, pero why Janet not taking the door? Is she ok?
Dahan dahan akong pumasok sa loob at narinig ko ang mahinang music sa loob kung sa sala yon hindi ko alam. Pero pagpasok ko sa loob mismo nagmumula yon sa kwarto ni Janet. Baka naroon siya.
Ok lang ba siya? Baka naman may problema siya at gusto niyang magkulong sa kwarto. Nakasara ang pinto at kumatok ako.
"Jet?" pinakinggan ko kung sumagot si Janet pero wala.
"Janet nandiyan kaba sa loob? Ok ka lang ba? Si Arkie 'to. Er-- naisip ko kasing matagal na kitang hindi nadadalaw so, I drop by."
Tumigil ulit ako sa pagsasalita at pinakinggan ko ulit pero wala akong marinig kung hindi ang music sa kwarto niya. Sinubukan kong pihitin ang doorknob. It again click. Dahan dahan kong binuksan yon at sumilip sa loob.
Napakunot ang noo ko at tuluyang binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...