Chapter 41
[Alice]
The mere fact that Simon was around and anytime I wanted to see him was exasperated but that fact that his here in this kind of boutique eh nakakagulat.
Anong ginagawa niya dito sa lugar na ito? Pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Naramdaman ko ang paglapit ni Chofie at Jorgina sa babaeng may suot ng gown. At kung ka-ano ano ni Simon ang babaeng ito, hindi ko alam.
"Ikaw pala ang may ari ng design ng gown ang swerte mo naman."
Narinig ko pang sabi ni Chofie. Naiinis ako. Una dapat hindi naman ako kasama dito pero dahil nga kaming tatlo ang babae so obligado akong samahan si Jorgina sa pagpili ng gown niya dahil wala pa sila Tita Eleyna.
Ngayon ko lang naalala na hawak ko nga pala ang cellphone ko para tawagan si Allen. Tiningnan ko yon at sinubukan ko ulit magdial. Naririnig ko na may pinag uusapan ang mga pinsan ko at ang babae but my ears wasn't working properly that very moment.
Tumalikod ako at ngayon ay rinig ko na ang pag ring sa kabilang linya.
"Simon, bagay ba talaga sa akin?" tanong ng babae.
Pareho kaming napalingon ni Simon sa kanya. Agad akong tumingin sa nakaside view na si Simon.
I can hear Allen saying hello pero hindi ko na narinig pa ang sumunod dahil nabitawan ko ang cellphone ko.
"Excited na ako sa kasal natin."
Nalipat ang tingin ko sa nakangiting babae. Biglang kinapos ng hangin ang lungs ko at medyo napasinghap ako.
I can feel my eyes suddenly become foggy because of my tears. Hindi ko na hinintay na lumingon si Simon sa akin. Tumalikod na ako without even picking up my phone.
Narinig ko pa ang pagtawag ng dalawa kong pinsan pero agad akong sumakay ng sasakyan at pinatakbo yon.
Hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mata ko at ng makalayo ako tumigil ako sa tabi ng daan.
I cried. Bakit masakit pa din? Bakit hindi ko alam na may girlfriend siya? 'Tanga kaba?' Tanong ko sa sarili ko. 'Pitong taon na wala ka sa buhay niya.'
Pero hindi niya ako hinanap, hindi, hindi niya ako pinuntahan alam niya kung saan ako makikita. Hindi siya nakibalita sa akin alam niyang may contact si Arkie kay Tita Jet.
I cried loudly, I even shouted. Gusto kong ilabas lahat. Mahal ko pa din si Simon, ganon lang kasimpleng ipaliwanag ang lahat na hindi na kailangan pang magtalo ng utak at damdamin ko.
Pero huli na ang lahat, ikakasal na siya at hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong sabihin kay Simon yon na mahal ko pa din siya pagkatapos ng lahat pero ang isa sa sinasabi ng utak ko ay hayaan na siya dahil masaya na siya sa piling ng babaeng yon.
If not bakit niya ito papakasalan?
Ang sakit sakit, buong buhay ko wala pa akong minahal ng ganito, kung pwede lang maging bato. Kung pwede lang na hindi na magmahal at kung natuturuan lang ang puso sana matagal ko ng ginawa.
After an hour, nananatili pa din ako sa lugar na yon at hindi na ako umiiyak pero tulala pa din ako. Anong gagawin ko?
Isang mahinang katok sa bintana ko ang narinig ko. Nilingon ko yon at nakita ko si Jorgina sa labas. Binuksan ko ang lock ng pinto ko at pumasok naman ang dalawa kasama niya si Chofie.
Nakita ko ng pinatong ni Jorge ang cellphone ko sa harap ng sasakyan.
"Siya si Simon? Ang lalaking minahal mo noon?" tanong ni Jorge at dinugtungan ni Chofie.
"--na mahal mo pa din ngayon."
Hindi ako nagsalita pero muling naglaglagan ang mga luha sa mata ko. Kailan ba ako huling umiyak? Pitong taon na din ang nakakaraan.
I sniff at nagsimula akong magkwento sa dalawa.
Hindi ako makapaniwala na ilang araw ko ng iniisip kong si Simon ang nakita ko pero narito siya ngayon sa harapan ko at makakatrabaho ko pa.
Ang totoo hindi ko alam kung handa na ba akong makasama at makita siya araw araw gaya ng dati.
Binalikan namin ang location ng crime na iniimbestigahan namin. Before the accident happen base sa information may party na naganap sa kwartong ito at after ng matapos the owner of the building insist that the victim commit suicide.
Nagulat ako ng biglang lumapit si Simon pero hindi ko yon pinakita sa kanya.
"Kumusta kana?" tanong niya.
Nang mga oras na yon wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang yakapin siya. Sabihin sa kanya na matatag na ako ngayon pero kailangan ko pa din siya sa buhay ko.
Pero malinaw pa din ang pagiisip ko. Gustuhin man ng isip ko.
"Natutuwa akong makita ka ulit Simon."
Yon lang ang nasabi ko. Tumalikod na ako bago pa hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pagkatapos namin ay dumiretso na ako sa laboratory kung nasaan si Allen.
"Allen kung pwede kailangan ko sana yan next week." sabi ko at tumango naman si Allen.
Bumalik na ako sa mesa ko at ramdam ko na sa bawat kilos ko may matang nakasunod sa galaw ko.
Hindi ko na namalayan na gabi na at halos pala sa mga kasama ko ay wala na at ako na lang ang natitira.
Uminat ako dahil masakit na ang likod ko. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko at uuwi na ako. Tumayo ako para magtimpla ng kape at nagulat ako ng makita kong hindi lang pala ako ang natitira doon.
Naroon din si Simon at mas naging aware ako sa bawat kilos ko. Masiyado talagang maliit ang mundo para sa aming dalawa.
Dumiretso ako sa water dispenser, nilapag ko ang baso at kukuha na sana ako ng sachet ng coffee ng maramdaman ko na may tao sa likuran ko.
Nilingon ko yon at si Simon, hindi ako nakapag salita. Malapit na malapit lang siya sa akin. Isang talampakan lang ang layo niya sa akin at hindi ko marinig ang paligid dahil nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan. Nakapikit na ako at ang tanging nararamdaman ko ay ang mainit na labi ni Simon sa labi ko.
I kiss him back not passionate but hungrily. I kiss him with intense. I miss him so much at ng mga oras na yon hindi ko na naisip pigilan ang sarili ko.
After a minute we both gasp for breath at sa mata lang niya ako nakatingin. Ang matang yon ang nagbigay sa akin ng hirap ng mga panahon nasa bingit ako ng kamatayan pero ang matang yon din ang nagprotekta sa akin ng mga panahon na wala akong masandalan.
I can hear both of our breathing and I wanted to hug him. Pero ang isip ko ay nagiisip na. Hindi tama itong ginagawa ko.
I push him slightly at lumabas na ako ng building. Hindi ko kayang tumagal na kasama pa siya sa loob ng building na yon. Mula ng araw na yon lagi ko na siya iniiwasan.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...