Chapter 33
[Janet]
Masaya akong natapos na ang lahat. Masaya akong sa unang trabaho ko malaki ang naging part non hindi lang sa trabaho ko but also on how to deal in things gaya nga ng sinasabi ni Kuya na minsan sa batas hindi pwede ang puso. Sa batas walang kaibigan, walang kamag-anak.
Isang buwan na ang nakakalipas pero narito pa din ako sa pad sa Manila, bukod sa mga meetings ni Alice sa Phychologist niya ayaw pa din niyang kausapin si Kuya Polo. Hindi ganon kadali yon, I know, but the time will come for sure.
"Jet, lalabas kaba ngayon?"
Sumilip si Alice sa may pinto ng kwarto ko. Kasalukuyang nasa harap ako ng dresser ko para kumuha ng susuotin ko. Kakatapos ko lang maligo.
"Oo. Mag go-grocery ako. Why?"
Pumasok naman siya at huminga pa ng malalim. Naupo siya sa gilid ng kama ko.
"Wala lang."
Hindi naman siya nagsalita. Nakapili na ako ng isusuot ko at naupo ako sa malapit sa kanya.
"Alice, sorry huh? Kung pumayag akong magbakasyon ang mga pinsan mo dito. Matagal na din kasi silang hindi nakakapunta so habang Christmas vacation pumayag ako tutal weeks na lang we have to-- you have to get ready to face our family."
Nakita ko namang ngumiti siya. At tumayo.
"Wala namang problema sa akin kung pumunta sila dito. Isa pa napaghandaan ko na. Nakapag isip na ako Jet."
"So hindi na Jet ang itatawag mo sa akin?"
Tumawa kami pareho. Nasa may pintuan na siya ng sabihin niyang
"Nakakailang kasi pero, Oo, alam ko naman na isa yon sa pinakahihintay mo Tita Jet."
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya at habang yakap ko siya sabi ko
"Alam mo, pareho lang kayo ni Jorgina ng edad pero hindi ko siya makabonding ng parang ka age ko lang."
Lumayo ako at nagpatuloy. "Isip bata yon eh. Ka level niya ang kapatid niya."
Lumabas na siya. Ako naman nagbihis na at umalis. Pag-alis ko nagsisimula ng magluto si Alice ng pagkain para sa mga darating. Buti narito siya dahil kung hindi lutong pagkain ang io-order ko.
Nasa super market na ako at tulak tulak ko ang lagayan ng mga pinapamili ko. Gamit lang naman sa bahay ang mga binibili ko. Ang totoo hindi ako nag gogrocery ng mga pagkain. Hindi pa din ngayon kasi malapit na din naman kaming umuwe ng Quezon.
Bibili ako ng mga chicheria paparating ang tatlong makukulit kong pamangkin eh. Madalas ang bonding lang namin swimming at movies. Bibili din ako ng gagawin salad. Favorite yon ni Chofie. Nasa lane ako ng mga gatas ng marinig ko sa tapat ng cabinet na may couple na nagtatalo though mahina lang.
I slowly sneak out palayo sa lugar. Kumuha muna ako ng tatlong condence milk bago pumunta sa dulo ng lane para sa cream. Saktong paliko ng lane nabunggo ko naman ang isang trolly na tulak tulak ng isang magandang babae.
"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo?" sigaw niya sa akin.
Naramdaman ko namang naginit ang mukha ko dahil may ilang taong tumingin sa amin. Aawayin ko sana siya ng maalala ko na hindi ko ka-level ang babaeng ito. Nginitian ko lang siya pero nawala ang ngiti ko ng biglang sumulpot ang lalaking sigurado akong boyfriend niya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...