Charter 39
[Simon]
Sa pitong taon na dumaan, marami na ang nagbago, malaki. Umalis ako sa pagiging doctor ko dahil hindi ko kayang pumasok tuwing ang makikita ko na pasiyente ay walang iba kung hindi si Alice.
Binago ko ang sarili ko pilit ko siyang kinalimutan hanggang nakilala ko si Ivy, mabait si Ivy at napamahal na din siya sa akin.
Lumayo ako ng mamatay si Mama, nag aral ako ulit at mukhang nananadya ang tadhana. Nakita ko si Alice pagkalipas ng pitong taon.
Malakas ang hangin na tumatama sa mukha ko. Sa mga oras na ito nagda-drive ako ng big bike ko.
Nakita ako ni Alice, hinabol niya ako. Pero ayaw ko na siyang guluhin pa. Pilit kong kinakapa ang sarili ko kung may nagbago ba sa nararamdaman ko pero wala.
Muntik na akong mabangga ng isang kotse, kasalanan ko.
Mag-isa lang ako sa bahay. Nabili ko ang bahay na ito, binili ko dahil sa mga pangarap ko pero nasira.
Isang taon na kami ni Ivy at mula ng maging kami ni Ivy kahit minsan hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya.
Nakilala ko si Ivy sa University na pinapasukan ko. Tulad ni Alice bata din siya pero naging magkaibigan kami. Naging malapit kaming magkaibigan. Sa unang sabak ko sa trabaho ko saka pa lang akong nagsimulang ligawan si Ivy.
Sabi ko sa sarili ko panahon na para kalimutan ko si Alice. Maraming nangyari at hinding hindi pwedeng balikan ang nakaraan na yon.
Siguro akala ko lang ang pag ibig na yon ay wagas pero kung totoo yon sana hindi umabot ng pitong taon ay napatawad na din ako ni Alice.
Pero hindi, kahit kay Arkie wala akong naging balita sa kanya hanggang sa huli kong nakita si Arkie isang taon na ang nakakalipas ng magimbestiga ako sa isang kaso.
Nalipat ako ng department at ngayon magbabalik ako sa N.B.I. para na naman sa isang kaso.
Hindi ako makatulog ng gabing yon. Hindi ko makalimutan ang mukha ni Alice at alam ko masakit para kay Ivy pero ramdam kong mahal ko pa din si Alice.
'At alam mo yon pinaka masakit huh? Minahal kita Simon. Minahal kita sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko nagawa ko pa din unahin ang puso ko.'
Napapikit ako ng madiin. Tumayo ako at lumabas. Hindi rin lang naman ako makakatulog mabuti pa pumunta na lang ako sa bar.
Gaya ng dati, laging bar ang palipasan ko tuwing may mga bagay akong gustong kalimutan at hindi ko inaasahan na sa pagbalik ko ng bahay makikita ko ulit si Alice.
Lumingon siya sa akin at tumigil pa siya pero umiwas ako. Pagpasok ko ng bahay sumilip ako sa bintana at ilang minuto pa nakita ko si Alice. Sumisilip siya sa bakuran ng bahay ko. Dito din siya nakatira.
Agad akong naligo at papasok pa ako. Ngayon ako magsisimula sa bago kong department. Kinuha ko ulit ang jacket ko at sumakay na ako ng motor ko.
"I'm glad narito kana Salonga, marami tayong gagawin at makakasama mo sila sa trabaho mo."
Tinuro ng chief ang tatlong lalaki at isang babae.
"Sa laboratory si Allen--" turo niya sa nakaupo na malapit sa akin at isa isa silang pinakilala sa akin.
"Actually--"
Patuloy pa ni Chief pero napatigil yon at lahat kami ay napalingon sa pintong biglang bumukas.
"Sir, I'm sorry late po ako ng--" tumingin pa ito sa wrist watch niya. "two minutes."
Tumigil siya sa pagsusuot niya ng coat niya at tumingin sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at nagsalita si Chief.
"Salonga siya ang makakasama mo si Alice Constantino."
Hindi ko alam kung gaano katagal na nakatitig lang ang mga tao sa paligid namin pero matagal kaming nakatingin lang ni Alice sa isa't isa.
Kita ko sa mga mata niya ang kakaibang emosyon. Ramdam ko naman ang sarili ko na gustong gusto ko siya yakapin.
May biglang tumunog na cellphone sa kung saan at napalingon ako kay Allen ng tinapik niya ako.
"Tumutunog ang cellphone mo."
Agad ko yon dinukot sa bulsa ko at sinagot. Tumalikod ako kay Alice. "Ivy," mahina kong sabi.
Hindi ko masiyadong naintindihan ang sinabi ni Ivy dahil ang isip ko ay na kay Alice. Ang tanging naintindihan ko lang ay pupunta siya sa bahay para ipagluto ako.
Pagbaba ko ng phone ay lumingon ako pero wala na sila si Allen na lang ang nandon.
"Move along Salonga. Baka iwanan ka nila. Kilala ko si Alice madalas yan magmadali."
Agad ako tumakbo palabas. Nakita ko ang tatlo kong kasama at papasok na sila ng elevator. Nakita ako ni Alice pero hindi niya ako hinintay.
"Shit!"
Tumakbo ako sa fire exit at halos talunin ko bawat baytang ng hagdan. Halos maputulan ako ng hininga ng makarating ako sa parking area.
Tumatawa ang dalawa pa naming kasama.
"Mula ngayon pare dapat lagi kang mauuna dito kay Alice kasi nangiiwan yan."
Tinapik pa ako ng lalaki sa balikat. Hindi ko alam kung papababain ko si Alice sa loob ng sasakyan.
Siya ang nasa harap ng manibela. Tahimik naman akong pumasok at tinitingnan ko lang ang likod ni Alice.
Iba na siya. Pinatigas siya ng panahon. Pati pagda-drive niya parang hindi ang Alice na mahinhin na nakilala ko.
'Bilisan? Gusto mo bang maaksidente tayo?'
Gusto kong mangiti sa alaala na yon.
Nakarating na kami sa unit ng crime at pinagmamasdan ko si Alice. Trabaho siya, kapag sinabing trabaho, trabaho.
Ilang oras ko lang siyang tinitingnan lang. Maya maya lumapit ako sa kanya. Tiningnan niya lang ako na parang walang tao sa kinatatayuan ko.
"Kumusta kana?" tanong ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gustong gusto niya akong yakapin, gusto niyang umiyak.
Noong bata pa siya madalas ko isipin na sana matuto siyang maging matatag, matapang. Pero sa unang pagkakataon bigla kong nahiling na sana siya na lang ulit ang dating Alice na kakilala ko.
"Natutuwa akong makita ka ulit Simon."
Hindi siya nakangiti pero iba ang dating ng pagkakasabi niyang yon. Pagkatapos non ay tinalikuran na niya ako at lumabas na kami.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...