Chapter 17
[Janet]
Busy-ng busy ako sa papeles ng Daddy ko sa opisina niya ng bigla akong tawagan ng agency at sinabing may ibibigay na trabaho sa akin.
Matagal ko na itong hinihintay ang isang break na pwede kong sabihin na kahit walang Constantino na dumadaloy sa dugo ko ay pwede akong ihanay sa mga kapatid ko.
Well no pressure ako lang ang naglalagay. Agad akong lumuwas ng Manila para alamin ang tungkol sa kaso na lalo pang nagpa-interesado sa akin dahil ang pangalan niya ay Alice Constantino.
"Dad I'm so sorry I can't come para sunduin ang Kuya Polo sa airport. Trabaho na eh." sabi ko kay Daddy over dinner.
Nagkibit balikat naman siya at nagsabi "Ikaw ang bahala basta ba siguraduhin mo na maipapanalo mo ang kaso na yan eh."
Kaya lang sa unang pagkikita pa lang namin ni Alice mukhang mahihirapan ako.
'If you want to help me then go into the place where it happened and dig for your evidence.'
Huh? That kid papahirapan pa talaga ako. At unang assignment ko kaso mukhang mahirap talaga dahil ako pa mismo ang gumawa ng plano para itakas ang client ko. Pwende akong makasuhan pero there IS something fishy about the story.
"You didn't miss me I reckon." sabi ni Kuya Polo over the phone.
Mula ng dumating siya two weeks ago hindi pa ako umuwi paano naman kasi tutok na tutok talaga ako sa ginagawa ko.
Masarap kasing magtrabaho lalo na kapag dedicated ka talaga sa trabaho mo.
"No Kuya, it's not like that ano ka ba naman."
"Sus alam mo namang wala akong pamilya at sabi nga ni Daddy ikaw na lang ang natitira para magalaga sa pagtanda ko eh ngayon pa lang lagi ka ng wala."
"Hay naku, wag ka ngang bata. Uuwi ako bukas promise." sabi ko na lang.
Buti na lang napag usapan namin ni Arkie na umuwi para maihatid na din niya si Pia sa bahay niya. Pumapasok pa lang ako ng bahay naririnig ko na ang sigaw ni Jorgina sa itaas.
"Euan, open this door ano bang tinatago mo sa kwarto mo. Ikaw lang naman ang alam kong kukuha ng gamit ko eh. Isoli mo ang volume ko oh sisirain ko ang pinto mo?"
Napailing ako at nilingon ko si Pia.
"Don't worry their just playing." sabi ko dahil nakita ko sa mukha niya na nabigla.
Sinalubong kami ni Daddy. "Janet, I'm glad your here nasa kabila lang ang Kuya Polo mo nagpapahuli ng fresh fish dahil nga darating ka."
Niyakap ko si Daddy at ngumiti.
"That's so sweet of him. Dad si Pia friend ko. Pia Daddy ko."
Nag good morning naman siya at natabunan ng malakas na lagabog ang batian namin dahil sa dalawa kong pamangkin at ngayon ay sinamahan pa ng malditang si Chofie.
"Oh, I think I have to go upstairs to check your pamangkins." sabi ni Daddy at nakangiti niyang nilingon si Pia.
"Enjoy your stay here Pia. That's er-- let's say-- natural in this house. Banging doors and shouting early in the morning."
At tumawa naman si Pia. Pagpasok ko naman sa kitchen para magpahanda ng breakfast ay siya namang pasok ni Kuya Polo sa likod na pinto.
"Oh, andito na pala ang bunso kong kapatid."
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...