Chapter 6
[Alice]
Nanggaling na ako sa lugar na ito. Nakasakay ako sa isang jeep at may kasama akong isang babae, siya ang Ate ko pero alam kong wala naman akong kapatid.
Masaya namin pinagmamasdan ang paligid. Nanggaling na talaga ako dito.
"Ate don ang daan alam ko nakarating na ako dito."
"Oo pero mabuting magtanong din tayo." sabi niya at nagtanong siya sa isang babae.
Tama ako, don nga ang daan. Tumakbo na ako at sumunod si Ate sa akin tumatakbo din siya.
May mga nakasalubong akong mga tao at parang kilala ko sila. Maganda ang lugar na ito. Tumakbo pa ako alam ko malapit na yon. At narinig ko na may isang babaeng nagsasalita.
Nilingon ko ang Ate ko na hanggang ngayon ay hindi ko makita ang mukha niya.
"Ate naririnig ko na si Mama. Si Mama yon, bilisan mo na." at tumakbo pa ako ng mabilis.
"Mama! Mama!" sigaw ko
Lumingon ako sa likuran ko wala na ang Ate ko... nasa hagdan na ako at tumatakbo pababa.
"Mama!!" sigaw ko at nakita ko si Mama nahulog siya sa hagdan.
Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Hindi ko sinasadya.
There's blood at tinatawag niya ako. Pero ng makalapit ako sa kanya natakot siya sa akin. Naramdaman ko na may tao sa likod ko at pagharap ko hinawakan niya ako sa magkabila kong braso.
Ang matang yon. Nakita ko na ang matang yon. Ang maamong mata na yon.
I gasp and clutching at the stitch in my chest na parang tumakbo ako ng napaka layong lugar at napaupo ako sa higaan ko.
Basang basa ako ng pawis at nasa harapan ko mismo si Doctor Simon. May hawak siyang isang injection at don napunta ang tingin ko sa kanya.
Nilapag niya ang injection sa gilid ng cabinet katabi pa ang isang injection at kinuha ang panyo sa bulsa ng uniform niya.
Pinunasan niya ako pero lumayo ako sa kanya. Nagulat siya sa reaksiyon ko.
"I understand. It's a nightmare, I heard you in your sleep."
Hindi ako nagsalita nakatingin pa din ako sa kanya at nilingon ko ang cabinet kung nasaan ang tubig at napansin niya siguro doon ako nakatingin.
Inabot niya sa akin yon at habang umiinom ako sa kanya lang ako nakatingin. Tinitingnan ko ang bawat kilos niya. Kinuha niya ang injection at itutusok yon sa Dextrose ko.
"Para saan yan."
Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin, ngumiti.
"Kailangan mo ito para bumilis ang paglakas ng katawan mo. Ngayon umaga ang darating ang Prosecutor para makausap ka."
Hindi na ako nagsalita at tinurok na niya yon. Napansin ko ang isang pang injection na itinabi niya.
"Ang isang yon hindi mo ba ibibigay sa akin yon?"
"A-Ah, h-hindi yon para sayo."
Iniwas niya ang paningin niya sa akin at tumingin siya sa sheet ng kama ko.
Prosecutor naman ang makakausap ko ngayon. Tumingin ako sa kanya at muntik ko na makalimutan ang tungkol don.
Napatingin ako sa kanya ng diretso at natigilan ako. Ang mata niya. Ang matang yon. Napalingon ako sa kanya ng kinuha niya ang isang libro sa cabinet na pinagpatungan ng injection kanina.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...