Chapter 7

44 3 0
                                    

Chapter 7 

[Alice] 

Dumiretso ang babae sa C.R. at lumapit naman sa akin si Doctor Simon. 

"Alice alam kong na wala kang pinagka-katiwalaan dahil sa mga nangyayari sayo ngayon pero kailangan kong gawin ito." 

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya at lumabas na ang babae at iba na ang damit na suot niya. 

Nakadamit pang pasiyente na din ito. Nilingon namin yon at binalik ni Doctor Simon ang tingin niya sa akin. 

"Isuot mo ang damit na yan at ilalabas kita dito." tumingin ako sa kanya. 

Bago ko kunin ang damit na yon tinitigan ko muna siyang mabuti. Pagkatapos ay ang babaeng nasa gilid ko. 

Bakit ko siya dapat pagkatiwalaan? 

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil maganda ang pinakita niya sa akin. Isa pa ayaw ko makulong marami pa akong dapat gawin at alamin ang mga nangyari sa Mama ko. Gaganti pa ako kung sino man ang pumatay sa Mama ko. 

Gaganti ako kung hanggang saan ang kakayanin ko. 

Huminga ako ng malalim at tumayo. Kinuha ko ang damit at sinuot yon. Paglabas ko ang babae na ang nakahiga sa kama ko. 

Sinuot ko ang sombrero at kinuha ko ang bag na dala ng babae kanina. Nakita kong tumango ang babae kay Doctor Simon at nakita kong dinikit niya ang dextrose sa kamay niya. 

Muli kong tiningnan ang babae at nagkatitigan kami? Paano kung mahuli kami? Natatakot ako. 

Nakita kong hinawakan ni Doctor Simon ang kamay ng babae. Sino ang babaeng ito? Lumabas kami at hindi ko naintindihan ang sinasabi ni Doctor Simon pero nakatingin lang ako sa paligid. 

Maraming pulis at nakita ko ang isa sa kanila na nakatingin lang sa amin, particularly kay Doctor Simon. Ngayon ko lang din naintindihan ang sinasabi niya. 

"Hindi pa pwedeng madischarge ang pasiyente dahil may kakaiba pa sa kanya, maybe it's better if we turn over her to a Psychiatrist." sabi pa niya. 

Nakatingin siya sa akin pero ang mata niya ay lumilibot din sa paligid. Malapit kami sa isa't isa at nakikita ko ang mga pawis na namumuo sa noo niya. Amoy ko ang masculine sa pabango niya. 

Nang makalayo kami bigla niya akong kinabig paliko. Ngayon ay mabilis na kaming naglalakad sa pasilyo papunta sa may fire exit. Malikot ang mga mata niya. Panay ang tingin niya sa paligid pero wala namang tao maliban sa aming dalawa. 

Tumigil na din siya sa pagsalita at ngayon ay tinatanggal niya ang mahaba niya uniform at kinuha niya ang I.D. niya don at inihagis niya yon sa isang bakanteng kwarto na nadaanan namin. 

Hindi ko na alam ang nagyayari pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtiwala sa kanya. Pakiramdam ko kapag siya ang kasama ko hindi ako mapapahamak. 

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip don. Medyo huminga pa siya ng malalim at nagulat ako ng paglabas namin at bigla niya akong hinawakan sa may bewang ko. 

Bahagya ko siyang naitulak pero nagsalita pa siya. Medyo malakas yon. 

"Saan mo gustong mag-lunch? Sorry huh? Hindi kasi kita napuntahan kagabi." 

Napalingon ako sa paligid. Hanggang dito sa parking at sa labas ay may mga pulis. Binuksan niya ang sasakyan niya at agad akong pinapasok at halos patakbo siyang lumibot sa sasakyan makapasok lang. 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon