Chapter 42
[Alice]
Hinila ako ni Jorge palapit sa kanya at niyakap ako.
"Hindi ninyo maaayos ang lahat kung hindi kayo mag uusap. Hindi makakalet go ang isa sa inyo kung walang mangyayaring closure."
She pat may back at maya maya at humiwalay siya sa akin at pinunas ng tissue ang luha ko sa pisngi.
"Alice I'm not saying na you have to stop him marrying that lady, but the least you can do is to talk to him ang put end into your relation with him para maka move on ka."
Tumingin ako kay Chofie na may luha sa mata niya. She wipe her tears while nodding.
"May pupuntahan pa kami ni Chofie and ok lang if hindi ka na sumama." sabi ni Jorge at bumaba na sila ng sasakyan.
Inayos ko ang sarili ko at nagstart ako ng engine. Gaya ng madalas kong gawin tuwing gusto kong magisip nagkukulong ako sa kwarto at sa buong maghapon na yon isang desisyon ang nabuo sa akin.
Tama si Jorge hindi ako makaka let go kapag hindi ko siya nakausap. I found myself standing at pupunta ako sa bahay ni Simon.
Hindi ko na nagawang magpalit ng damit ko. Naglalakad ako na halos wala ako sa sarili ko dahil ang iniisip ko ano ang mga dapat kong sabihin sa kanya?
Namalayan ko na lang na nakatingala na ako sa gate ng bahay niya at napansin ko na naka park ang motor niya sa labas.
Pinindot ko ang doorbell at ilang minuto nakita kong gulat siyang sumilip sa may pintuan. Pinagbuksan niya ako ng gate. Walang salita but he gesture me to go inside the house.
Naramdaman kong isinarado niya ang pinto. Hindi ko ma-appreciate ang ganda ng bahay dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi pa din siya nagsasalita kaya minabuti kong ako na ang mauna.
"Gusto kita makausap Simon."
Saka pa lang ako tumingin sa kanya. He was looking at me pero wala pa din akong narinig sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano magsisimula pero sasabihin ko na lang lahat ng gusto kong sabihin." I pause.
"Gusto kong magalit dahil hindi mo ako sinubukan balikan, hindi ko alam kung anong nararamdaman mo pero alam mo na minahal kita at inaaamin ko mahal pa din kita hanggang ngayon."
My emmotion lift up but there's no trace of tears in my eyes.
"Akala ko kapag nakita kita ok lang pero hindi pala ganon kadali. Akala ko kapag umiwas ako mawawala din ang lahat ng nararamdaman ko pero ang tanga ko kasi kung pitong taon hindi kita nakita, hindi kita nakalimutan, ngayon pa kaya na narito ka lang--"
Nagulat ako sa ginawa niya tinulak niya ako pasandal sa pinto at malapit na malapit na naman siya sa akin.
"Galit ka sa akin. Hindi ko alam kung napatawad mo na ako pero bumalik ako Alice, binalikan kita pero wala kana." he muttered.
Ramdam ko ang init ng hininga niya at rinig na rinig ko din ang bawat hinga niya.
"Kahit minsan Alice hindi ka nawala sa isip ko. Alam mong minahal kita."
Before I could stop myself I hugged him. It was as though the last few weeks had never happened.
Para sa akin kahit ngayon lang kahit sa huling pagkakataon maramdaman kong mahal ako ni Simon at hinding hindi ko na siya guguluhin pa pagkatapos ng lahat ng ito.
The moment comes next was we were kissing each other passionately. Hindi kami humiwalay kahit pa naramdaman kong binuhat niya ako at dahan dahan niya akong inihiga sa kama.
Were both looking at each other ang he muttered "I love you Alice." and he take me.
Hindi ko maihambing ang saya na nararamdaman ko ng mga oras na yon. Bumalik ang dati sa lahat. Pakiramdam ko bagong buhay ang meron ako.
Na ngayon pa lang nagsisimula yon. Ang isipin tungkol sa babaeng papakasalan ni Simon ay wala sa isip ko kung hindi ang pagmamahal na nararamdaman ko ng mga oras na yon.
Mahigit isang oras na akong nakahiga sa kama ni Simon at hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti at dahan dahan kong tinanggal ang braso niya na nakayakap sa akin.
Pinulot ko ang mga damit ko at nagsimula na akong magbihis. Naramdaman kong nagising ko si Simon sa ingay ko ng bigla siyang napaupo sa kama niya.
Nag panic din ako ng marinig ko ang isang sasakyan na bumubusina sa labas. Nakita ko na nagmadaling magbihis si Simon.
The smile on my face had gone. Ang sayang nararamdaman ko ay panandalian lang at narito na ulit ako ngayon sa realidad.
Sumunod ako sa labas kay Simon at bago pa ako makalabas ng bahay ay pumasok si Simon kasama ang babaeng papakasalan niya.
Hindi makaila sa mukha ng babae ang pagkagulat sa mukha niya. Tama ba ang nasa isip ko na kahit minsan wala pang dinalang ibang babae si Simon sa bahay na ito.
Masakit isipin na naging faithful si Simon sa babaeng ito. Sana ako na lang ang babaeng ito.
"Alice? Ok ka lang?" tanong ni Simon at ngayon ko lang nakita ang kamay ng babae na nakalahad sa harapan ko.
"Ah, Oo. Erm-- Alice."
Tinanggap ko ang kamay ng babae ng nakangiti pero alam kong may pagtataka pa din sa kanya.
"Si Ivy ang fiance ko." walang prenong sabi ni Simon pero nakita ko ang guilt sa mata niya.
"I finally meet you."
Nakangiti na siya ng maayos ngayon at dumiresto siya pa upo sa sala. Itinuro niya yon na maupo din ako.
I hesitste at nilingon ko si Simon pero hindi siya nakatingin sa gawi ko. Naupo ako at nilingon ko ulit si Ivy na nagsalita.
"Ikinuwento ka sa akin ni Simon. Hindi ko alam kung bakit ka tumakbo noon sa boutique at doon ko nalaman na ikaw pala si Alice."
Hindi ko alam kung ngingiti ako pero bigla akong tumayo.
"Aalis na ako."
Hindi ko na kayang tumigil pa sa loob ng bahay kasama si Ivy lalo na si Simon. Masasaktan at masasaktan lang ako. Tama na ang lahat ng ito. Kung hindi ko siya makakalimutan sige.
Mamahalin ko na lang siya ng malayo, nang patago.
"I know why you were here--"
Lumingon ulit ako sa kanya at napatingin ako kay Simon. I feel so helpless.
"Hindi kita kilala, hindi ko din alam ang tumatakbo sa isip mo pero kilala ko si Simon. Kilalang kilala."
Nilingon niya si Simon at nakatungo ito. Hindi niya tinitingnan si Ivy gaya ng pagiwas niya sa mata ko.
Nakita kong may luha na sa mata ni Ivy at hindi ko siya gustong masaktan. Hindi ko siya gustong magaya sa akin.
Pero bago pa ako nakapagsalita tumakbo na siya palabas. Naiwan kami ni Simon sa loob. Saglit kaming nagkatinginan pero hinabol din niya si Ivy.
Nagsimulang maglaglagan ang luha ko. Napaupo ako at umiyak. Hindi ko inaasahan na pipiliin ako ni Simon pero masakit pa din ang katotohanan na hindi na ako ang una sa pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...