Chapter 5

56 3 0
                                    

Chapter 5 

[Simon] 

Kakalabas lang ng isang pasiyente ko. At ngayon ay wala pa ulit akong ibang pasiyenteng hawak. Nasa loob ako ng opisina ko ng marinig ko ang pangalan ko para pumunta sa emergency room. 

Agad akong tumayo at halos takbuhin ko ang E.R.. Sinalubong ako ng isang nurse at sinabi niya kung anong naging problema ng bagong dating na pasiyente. 

Head blow at masiyadong malakas ang tama sa ulo dahil sa pagkaka hampas ng vase sa ulo. Maraming dugo na ang nawawala at hindi ko na inalam pa kung ano ang sinasabi ng nurse. 

Agad akong nagsimulang asikasuhin ang pasiyente ko. Ang babae ay parang natutulog lang walang ibang pinsala sa katawan niya kung hindi ang isang malaking damage sa ulo niya at sa isang parte ng katawan niya na ikinagulat ko. Naisip ko yon. 

Kung talagang hinampas lang siya ng vase sa ulo bakit may ganon? Hindi ba ito nakita ng mga pulis na naka recover sa kanila? 

Nang matapos ang operation na ginawa ko ay nailipat na siya sa recovery room, saka ako lumapit sa nurse para sa information ng bago kong pasiyente. 

Don ko nalaman na hindi siya dumating magisa. Kasama niya ang ina niya na nasa recovery room na din. 

She's complicated. Isa siyang suspect sa tangkang pagpatay ng sarili niyang ina. 

Siya si Alice Constantino. 

Hindi ko na binasa pa ang ilan sa personal information niya. Kilala ko ang babaeng ito. 

Siya ang babaeng matagal ko ng pinagmamasdan sa malayo. Siya ang babaeng mula pagkabata pa lang ay mahal na mahal ko na. 

Hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan sa pinagdaanan niya. Hinaplos ko ang noo niya at hinalikan yon. Isipin ko pa lang ang pinagdaanan niya sa kamay ng aking ama-- 

Oo, si Luis Salonga ay aking ama, isipin pa lang yon ay namumuhi na ako. Hindi ko gustong isipin ito pero-- tama kaya ako na bukod sa hampas niya sa ulo ni Alice para sa sinasabi niyang self defense ay-- 

Huminga ako ng malalim. Hindi naman siguro. Lumabas ako at bumalik sa office ko. 

Nilapag ko ang folder sa mesa ko at hindi nagtagal ay isang katok ang nag pagising sa akin sa malalim na iniisip ng aking utak. 

Hindi ko inaasahan ang unang taong bibisita hindi sa akin kung hindi para sa aking bagong pasiyente. 

Ang inaasahan ko ay isang pulis na magbibilin ng mga precautions pero hindi. Hindi ako tumayo but I gesture the chair in front of my desk para maupo siya. 

"Gusto kitang makausap tungkol kay Alice." 

Hindi ako agad nagsalita at tiningnan ko ang nasa harap kong mabuti. Kailan ko ba huling nakita ang taong ito? 

"Let's make it more professional sir." sabi ko. 

Ayaw ko siyang i-entertain na parang alam ko na ang gusto niya. Mahaba ang naging pag-uusap namin bago siya umalis. Hindi ko alam ngayon kung ano ang dapat kong gawin.  

Sa unang dalawang araw na walang malay si Alice lagi ko lang siyang pinagmamasdan. Tahimik ang mukha niya, walang malay, inosente sa lahat ng mga nangyayari pero hanggang kailan kaya ito. 

Kahit minsan hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Lagi lang siyang tahimik at madalas lang siyang mapag-isa. Bata pa lang siya ganon na siya. 

Nagising na siya at sa pagising niya ang ina niya agad ang una niyang hinanap. Nakita ko ang pagalala sa mata niya kaya naisip ko na tinangka niya ba talagang patayin ang sarili niyang ina? 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon