Chapter 11
[Simon]
Tahimik lang ang kasama ko at tinitingnan ko siya. Hindi ko siya masisisi sa ginawa ko alam kong natakot siya.
Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko. Tama siya, maraming pagkakataon ko na siyang pwedeng patayin pero hindi ko ginawa.
Nilingon ko siya at kanina pa niya pinagma-masdan ang malaking bahay sa medyo may kalayuan.
Nag-iisang bahay yon at pangalawang beses pa lang akong nakapunta dito sa lugar na ito. Kilala ko kung sino ang may ari ng bahay na yon.
Nagpark ako sa tapat mismo ng bahay ni Arkie. Siya si PO2 Delos Reyes. Schoolmate ko siya non college ako.
Siya lang ang naging tunay kong kaibigan dahil pareho kaming tahimik at sabi nga ng iba mahirap pa sa daga. Pero mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon.
Bumaba ako at nakita ko na isang binatilyo ang mabilis na dumaan sa may harapan ng sasakyan ko. Nakasakay siya sa bike at mabilis siyang nagpatakbo papunta sa malaking gate ng malaking bahay.
Isa siya sa mga apo don kung hindi ako nagka-kamali.
Si Alice ay nakatingin din sa dalawa pang dumaan. Tumatakbo naman sila habang ang babae ay sumisigaw.
Naka snickers ito at sombrelo. Nakasuot din siya ng uniform ng pang basketball at--
"Lagot ka talaga sa akin Euan pag naabutan kita!" sabi pa nito.
Dalaga na ito at naka ponytail ang buhok niya at naka sombrelo. Siguro nasa edad siya ni Alice.
Nilingon ko si Alice at hindi naalis ang tingin niya sa dalawang tumatakbo.
"Jorge pwede ba? Wag ka sumigaw para kang lalaki."
Nilingon yon ng babae at nagsalita pa ito.
"Dex, lagi na niya yan ginagawa. Isususmbong ko siya kay Lolo." sabi niya at tumigil sila sa pagtakbo.
Nilingon ko naman ang lalaking nakabike at papasok na ito ngayon ng bahay.
Medyo malayo na din ang dalawa ng binalik ko ang tingin ko kay Alice. Nakatingin na ulit siya sa bahay.
"Nakarating na ako dito." bulong niya
Nagulat ako sa sinabi niya. Siya nakarating na dito? Paano nangyari yon? Umiling ako at pumasok na ako sa loob ng bahay. Sumunod naman siya.
Dalawa ang kwarto dito at ang isa ay kay Arkie. Sinabi niya na pwede ko yon gamitin pero ayaw ko dito na lang ako sa sala.
May mga damit ako sa sasakyan pero wala akong nadalang damit para kay Alice. Nakatingin lang siya sa buong pailigid.
Kinuha ko ang isang pair ng pajama at t-shirt ko. Inabot ko yon sa kanya.
"Pasensiya kana wala kasi akong damit na nadala para sayo."
Tumingin naman siya sa akin.
"Don ang C.R. sa kaliwa ng pinto papuntang kusina." sabi ko at tumalikod na ako.
Hindi ko alam kung anong meron sa ref ni Arkie pero sinubukan ko na din. Pagbukas wala kahit isang pwede ko maluto.
Binuksan ko naman ang cabinet at nakita ko don ang ilang mga delata. Ito na lang muna siguro ang pagtitiisan namin.
Kumuha ako ng meat loaf at ng pork ang beans. I checked the expiration at hindi pa ito expired.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...