Chapter 16

41 3 0
                                    

Chapter 16 

[Simon] 

Madalas ko ng napagmamasdan ng malapitan si Alice. Maamo ang mukha niya. Rinig ko ang bawat paghinga niya pati ang paglunok niya ay hindi nakaligtas sa pakiramdam ko. I almost kiss her ng biglang may sasakyan sa labas. 

Pinayuko ko siya mula sa pinagu-upuan niya kanina at nilagay ko ang daliri ko sa labi ko. Dahan dahan akong lumapit sa may pintuan at sinilip ang labas. Walang tao. Tinaas ko ang baril na hawak ko at tumingin ako kay Alice. Nakita ko na naman ang takot sa mata niya. Huminga ako ng malalim naririnig ko ang kaloskos ng tao sa labas ng-- 

"Simon?" 

Napailing ako at napahinga ng malalim. Binaba ko ang baril na hawak ko. Pinasok ko yon sa bag at tinulungan kong tumayo si Alice. 

"Don't worry si Arkie yon." sabi ko at sumigaw pa ako. "Pare nandito kami sa loob." 

Lumabas kami ni Alice at nakatayo sa may pinto ng kusina si Arkie. Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat. 

"Kumusta kayo dito?" 

Tanong niya na naupo sa sala. Nilingon ko si Alice at hinila ko siya palapit sa may akin. Nakatungo siya at halos ayaw niyang magpakita sa bagong dating na si Arkie. 

"Arkie si Alice, Alice siya si PO2 Arkie Delos Reyes ang may ari ng bahay. Magkakilala na kayo diba?" 

Nagkatinginan kami ni Arkie at nginitian ko na lang siya naintindihan naman siguro niya ang ibig kong sabihin na aloof si Alice sa lahat ng tao. 

"Er-- Alice sige na kung hindi ka komportable pwede kanang maligo. Maya maya luto na yon--" 

Suminghot ako at ngayon ko lang naalala pritong bacon ang niluluto ko. Tumakbo ako sa kusina at agad kong pinatay ang stove. 

Hindi ko naman napansin na kasunod ko lang pala si Alice. 

"Oh bakit? Gutom kana?" 

Umiling lang siya at tumingin sa sala kung nasaan nandon si Arkie. Nilipat ko sa plato ang bacon na kamuntikan ng matusta buti na lang hindi pa gaanong sunog. 

"You don't have to worry, mabait si Arkie at kung sakali man na hindi siya gaya ng pagkaka-kilala ko sa kanya, hindi naman kita papabayaan." sabi ko at naalala ko ang huling tawag sa akin ni Lolo.

Unang araw na dumating kami dito ni Alice pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang buong planong biglang nagring ang phone ko at tumalikod na ako. 

"Simon." bungad agad ni Lolo sa akin. 

"Natutuwa ako na hawak mo na si Alice. Kaya lang mukhang pati ikaw ay mainit na sa mata ng mga pulis. Gusto mo bang tulungan na kita? Asan ba kayo ngayon?" 

"Hindi na kailangan kayang kaya ko na itong magisa." sabi ko ng mahina pero madiin ang pagkakasabi ko non.

Panay ang tingin ko sa sala dahil baka biglang pumasok si Alice. 

"Alam ko namang kaya mo na yan. Gusto ko lang paalala sayo na mabilis akong mainip. Gusto ko hindi na siya aabutan ng umaga Simon. Patayin mo na siya dahil kung hindi ang Mama mo ang kapalit ni Alice." 

Nagulat ako sa sinabi niya. Natakot. Mahina at may sakit ang Mama ko.

"Ok ka lang?" tanong ni Alice na nakatitig pala ako sa kanya pero tagos ang tingin ko.  

"Pinagpapawisan ka. Marunong akong magluto ako na diyan." sabi niya ngumiti ako. 

"Er-- hindi na ang mabuti pa maligo kana para makakain na tayo." sabi ko.

Lumabas naman kami ng kusina. Pumasok ulit siya sa kwarto para kunin ang gamit niya at ako naman ay dumiretso sa sala. 

Naupo ako sa tapat ni Arkie. 

"Pare, ano? Kamusta ang Mama ko?" 

"Pagkatawag na pagkatawag mo sa akin pinuntahan ko siya at may ilang mga tao akong nakita sa labas ng bahay ninyo. Pero don't worry nilipat ko na siya ng matutuluyan at may mga security na din a nagbabantay sa kanya." 

"Anong bang plano?" tanong ko.

Naupo naman ng ayos si Arkie sa upuan at ngumiti. 

"Jet's just visiting her grand father diyan sa tabing bahay kasama niya si Pia. Hindi ko akalain na pamangkin niya pala yon dalawang makulit at isang masungit na apo ni Don Fedelino." 

Nakangiti niyang sabi at iiling iling. Huminga ako ng malalim. 

"So, pupunta dito si Janet--" 

"--at pag-uusapan natin ang mga dapat nating gawin. Kailangan nating isuko si Alice para mapawalang sala siya pero kailangan natin ng ebidensiya na hindi talaga siya ang pumatay sa nanay niya. 

"Nagtataka lang ako pare anong kaya ang dahilan at pinatay ang nanay niya at ngayon siya naman ang hina-hunting?" 

Isa din yan sa tanong ko. Isa din sa tanong na bakit kailangan kong patayin si Alice ng wala akong malalim na dahilan. 

Nilingon ko ulit si Arkie ng magsalita ulit siya. 

"Pasensiya kana pero kailangan ko din itago muna si Pia dito pare." 

Umiling ako at lumapit para tapikin ang balikat niya. 

"Walang problema don pare malaking utang na loob ko sayo." 

Ilang minuto pa ay may pumasok sa pinto at si Jet na yon. May dala siyang paper bag. Nakangiti siyang inabot ang paper bag sa akin. Nasa likod niya si Pia na naupo sa kalapit na upuan ni Arkie. 

"Naisip ko lang na baka walang damit si Alice." 

Kinuha ko naman yon at tumayo. 

"Kumain na ba kayo? Sabayan niyo na kami." 

Pumasok na ako sa kusina. Sakto namang labas ni Alice. Ngumiti ako sa kanya. 

"Palitan mo ang suot mo mas mabuting ito ang isuot mo." 

Tinanggap naman niya yon at narinig kong binati siya ni Jet. 

Kung iisipin mo si Janet ay isang strikto, disiplinadong babae. Someone like fussy about rule-breaking and fond of bossing everyone around. 

Una, dahil lumaki siya ay sa tulad ni Don Fedelino at pangalawa abogado siya na habang tumatagal na nakaka-salamuha ko siya, isa pa din siyang bagitong abogado na parang kinulang parin sa pag-enjoy ng kanyang kabataan. 

However, Jet was -- there was no other word for it -- cool. 

Sa palagay ko naman ay halos magkasing tanda lang kami. Twenty-five-year-old na ako at nabanggit niyang Twenty Eight na siya. 

Nasa hapag kainan na kami at masayang nagkukwentuhan si Arkie at si Jet. Kami naman ni Alice at Pia ay tahimik lang. Maya't maya ang sulyap niya sa akin at nilingon siya ni Jet. 

"Buti kasya sayo." 

Sabi nito na ang tinutukoy ay ang damit na binigay niya. Buti naman at hindi dress ang dinala niya dahil pakiramdam ko hindi yon susuotin ni Alice. 

"After breakfast gusto sana kitang makausap."

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon