Chapter 18

44 3 0
                                    

Chapter 18 

[Alice] 

Pagkatapos ng umagahan pinapasok na ako ni Simon ng kwarto na ikinatuwa ko naman hindi ako komportable na marami akong nakikitang tao. 

Mga ilang saglit nakarinig ako ng katok sa pinto at nilingon ko yon nakangiting pumasok si Atty. Constantino. 

"Would you mind if I sit down?" sabi niya itinuro ko naman ang kama. Hindi ako ngumiti. 

"Alice nabanggit siguro sayo ni Simon na kailangan ko ang tulong mo--" 

Tumingin lang siya sa akin at pakiramdam ko ay sinusuri niya ako. Gusto kong sabihin na wala akong tiwala sa mga tao pero parang nabasa naman niya ang nasa isip ko. 

"--at kailangan mong magtiwala. I'm not saying na you have to trust all the people around you but at least you have to trust us so we can help you." 

Magsasalita sana ako pero gaya ng kanina parang nabasa na naman niya ang iniisip ko. 

"I know you don't need our help but we are not doing this for us. Can't you see? Ayaw mo bang malaman kung sino talagang pumatay sa Mama mo?" 

Hindi ako nagsalita at maya maya naramdaman kong hinawakan ni Janet ang kamay ko. 

"Alice, I owe you a lot, una pa lang gusto ko ng tulungan ka lalo na ngayon." 

Nakatingin ako sa kanya. My mind was searching for something to start on with. It was though my memory was on fast forward but not into what had been happened but to the very first time, the very time I could remember.

Bata pa ako non, five turning to six-year-old at madalas lang akong magkulong sa kwarto ko lalo na kapag naririnig kong binubugbog ni Tito Luis ang Mama ko. 

Kinalakihan ko na yon. Madalas sabihin sa akin ng Mama ko. 

'Wag kang lalabas kapag dumarating ang Tito Luis mo kahit anong mangyari.' 

Isang beses kong sinuway ang Mama ko noon. I was ten-year-old that time. Hindi ko na kayang pakinggan lang ang aray at iyak niya at tuwing matatapos ay magang mukha na puno ng pasa ang makikita ko. 

Hindi ako laki sa hirap pero siguro mas nanaisin ko na mahirap na lang kami ng Mama ko. Sabi kasi ng Mama ko kailangan namin si Tito Luis dahil hindi niya ako kayang buhayin. 

Isang hapon na umuwi si Tito Luis hindi ko alam kung saan galing dahil wala naman siyang opisina na pinapasukan. Kakarating ko lang non galing ng school at naririnig ko na sinasaktan na naman niya si Mama. 

I don't know why he was doing that? Umuuwi lang ba siya para saktan ang Mama ko? Lumabas ako ng kwarto ko at pilit kong binuksan ang pinto sa kwarto nila. 

There I was, I saw my mum, nakahandusay na siya sa sahig at halos hindi na siya makatayo. 

'Don't come in Alice. Go to your room!' sigaw ng Mama ko.

Umalis ako pero hindi para bumalik sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang malaking vase sa labas ng pathway at inihagis ko yon sa ulo ni Tito Luis. Nasaktan siya at hinipo niya ang ulo niya. I saw blood sa kamay niya na hinipo niya ang ulo niya. 

That time I'm helping my mum to get up, I'm ten, pero malaking babae na ako non. Pinulupot niya ang sinturon sa kamay niya at ang bakal ang siyang inilabas niya. 

Ako naman ang pinagbalingan niya. 

Hindi nagawa ni Mama na tulungan ako dahil hirap siyang tumayo. Tito Luis drag me to my room habang hila hila niya ako sa buhok ko. There, hinampas niya ako ng buckle ng belt niya na halos mawalan na ako ng ulirat sa sobrang sakit na dinanas ko.  

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon