Chapter 37

48 4 1
                                    

Chapter 37 

[Alice] 

Isang linggo na ang lumipas mula ng dumating ang mga pinsan ko at ngayon na ang araw ng pagbalik namin sa Quezon. Handa na akong harapin ang tunay kong ama. Ang Lolo ko na puno at dulo ng lahat ng pinagdaanan ko. 

Handa na akong tanggapin at maramdaman ang matagal ko ng hinahanap hanap na pagmamahal ng isang tunay na ama. 

Sa ilang session ng theraphy ko tinulungan ako ng doctor ko para tanggapin ng maluwag sa loob ko ang mga nangyari at unti-unting makalimutan ang pait at sakit ng pinagdaanan ko sa kahapon ko. 

Kasama don ay ang paglimot ko sa nararamdaman ko para kay Simon. Sobra akong nasaktan sa isiping pinagkatiwalaan ko siya pero nagawa niya akong lokohin at ng malaman ko ang katotohanan naglaho lahat ng galit ko pero naroon ang sakit ng katotohanan na pamilya niya ang dahilan ng lahat ng ito. 

Na minsan ay pinagtangkaan din niyang patayin ako. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing maaalala ko siya. Mahal ko pa din si Simon pero alam ko darating din ang oras na tuluyan ko siyang makakalimutan. 

"Ate Alice halika na nandiyan na si Manong." sigaw sa akin ni Euandre. 

Sumunod naman ako sa kanila at nang makarating ako sa van tatlong yaya ang sumalubong. 

Pansin ko na kanya kanya silang lapit sa tatlo kong pinsan. Mukhang kanya-kanya sila ng yaya nila. Pansin ko din na katabi nila ang bawat yaya nila. 

Napahinga ako ng malalim. Ang pagbalik ko sa Quezon ay hindi bakasyon kung hindi for good at nangangahulugan yon na tuluyan na akong malalayo kay Simon. 

"Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Jet. 

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nilibot ko ang paningin ko sa bawat lugar na madadaanan namin. Nakita ko din ang building ng Hospital kung saan ako na-admit. 

Naroon kaya si Simon? Ano na kaya ang nangyari sa kanya? 

Nakatingin lang ako sa building na yon hanggang sa unti-unti ng nawala na yon sa paningin ko. 

Ibinalik ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan. PSP ang hawak ni Euan at si Jorge naman ay busy sa iPad niya. Si Chofie sa cellphone niya. Si Jet ay nasa unahan. 

Napatungo ako at napahinga ng malalim. Ang bigat bigat ng pakiramdam na aalis ako ng hindi kami nagkakausap ni Simon. 

I feel hot burning inside my throat and I can see crystals in my own eyes. I didn't dare to blink for I know na any moment pwedeng mahulog ang luha sa mga mata ko. 

I bit my lip at nangalumbaba ako sa bintana ng sasakyan at tumingin sa labas. Napahinga ako ng malalim na may kasamang hikbi. 

Bakit kailangan kong tiisin ang lahat ng ito? Bakit kailangan ganito kasakit? Hindi ko kayang ipaglaban yon nararamdaman ko kasi hindi ko alam kung mayroon ba akong ipaglalaban. 

Hindi ko rin alam if its worth it. I let go a silent sob at naramdaman ko ang malambot na kamay ni Jorge sa kamay ko. 

Hinawakan niya ako at napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at pinakita niya sa akin ang iPad niya. 

Hindi na games ang nasa screen ng iPad kung hindi message. 

'The strongest people are not those who always win but those who stand back up when they fall. Nagkataon lang na sinubukan kayong dalawa at bumitaw siya.' 

Agad namang nagpaunahang maglaglagan ang luha sa mata ko na agad kong pinunas. Hindi ko inaasahan ang sumunod pa, Jorge pull my head into her shoulder at binaba niya ang hawak niyang iPad. 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon