Chapter 43

36 3 0
                                    

Chapter 43 

[Simon] 

"Ivy! Ivy saglit lang." 

Habol ko kay Ivy sa labas, nabuksan na niya ang gate ngayon ay nasa loob na siya ng kotse niya. 

"Ivy magpapaliwanag ako." 

Kinatok ko ang salamin ng sasakyan niya pero hindi niya ako pinansin. Pinaandar niya ang sasakyan niya na hindi ako nilingon. 

Agad akong tumakbo papasok ng bahay para kunin ang susi ko at nasalubong ko si Alice. She wasn't crying pero halata sa mata niya ang galing sa pag iyak. 

I can't barely to looked at her tumalikod ako at kinuha ang susi sa kwarto. Paglabas ko wala na si Alice. Agad naman akong sumakay ng motor at pinaandar yon. 

Hindi ko alam kung saan pupunta si Ivy pero kumanan ako at nakikita ko ang likuran ng sasakyan niya. 

Ang bilis niyang magpatakbo ng sasakyan niya. Halos palusutin ko naman ang motor sa pagitan ng mga sasakyan at napabigla ako ng preno ng muntik ng mahagip ni Ivy ang isang bus sa may unahan niya. 

Maraming nagsisigawan sa daan na muntik ko ng madisgrasya dahil sa ginawa ko pero nakatigil lang ako at hindi ko pa din mapaniwalaan ang muntik ng kapahamakan ni Ivy dahil sa kagagawan ko. 

Bumalik ako sa bahay. Tinawagan ko ang lahat ng ka-office mate ni Ivy at lahat ng kakilala kong kaibigan niya. 

Nakituloy siya ay sa isa niyang kaibigan. Napaupo ako sa kama at napasuklay ako sa buhok ko. Ang gago ko para saktan si Ivy ng ganon kung naaksidente siya hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. 

Ang sumunod na araw nag file ako ng leave at hindi na ako pumasok. Sinubukan kong makipag ayos kay Ivy pero ayaw niya akong kausapin. 

Hindi rin siya pumapasok sa opisina at nakausap ko ang kaibigan niya. 

"Hayaan mo na muna siya Simon. Bigyan mo siya ng panahon." 

Wala akong nagawa kung hindi ang laging magpunta don at magbantay na sana lumabas si Ivy para kausapin ako. 

Nang inalok ko siya ng kasal nakapag desisyon na ako na kalimutan si Alice pero nagawa ko pa din saktan ang dalawang babaeng importante sa akin. 

Nasa harap ako ng bahay ng kaibigan ni Ivy ng magring ang phone ko. Kinuha ko yon at sinagot. Si Chief... 

Hindi ko napansin ang kausap ko sa kabilang linya ng makita kong palabas ng bahay si Ivy. Malungkot pa din siya at hindi niya agad nagawang buksan ang payong dahil umuulan. 

Na-realize ko din na may kausap nga pala ako sa kabilang linya at ang tanging narinig ko sa sinabi ni Chief ay ang magreport ako ngayon sa opisina. 

Sinulyapan ko ulit si Ivy na nakatingin lang sa akin maya maya ay nagdesisyon siyang pumasok ulit sa loob ng bahay. Ako naman ay pupunta sa opisina. 

Dire-diretso ako sa loob ng opisina ng chief at hindi ako lumingon alam kong halos lahat ng kasama ko ay nakatingin sa akin pero wala akong pakialam. Basa ako ng ulan at hindi pa din ako nakakapagpalit ng damit ko mula pa kahapon. 

Kahit nga pagtulog hindi ko pa din ginagawa. Inom lang ang ginawa ko mula ng umalis si Ivy ng bahay. Galit ako sa sarili ko. 

Pagpasok ko ng loob ng opisina pinaupo ako ng head ng department namin pero nanatili akong nakatayo. 

"Salonga, tapos na ang hiningi mong leave pero hindi ka pa din nagre-report. Magreport kana ngayong araw at hindi kita sususpindehin." 

Sandaling inisip ko muna ang sinabi sa akin ni chief bago ako magsalita. 

"Magre-resign na ako sir, effective today." 

Hindi ako nakatingin sa kausap ko pero alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Ayaw ko ng pumasok ang kailangan kong pagkaabalahan ngayon ay ang pagkakaayos namin ni Ivy. 

"Alam kong may personal kang problema Salonga at advise ko sayo. Leave your problem behind kapag nasa trabaho ka. Mas mabuting pagisipan mo munang maigi ang desisyon mo. Sayang naman ang galing mo dahil sa report na pinadala sa akin maganda ang pinakita mo sa dati mong departamento--" 

"Nakapag desisyon na ako sir." 

Tatalikod na sana ako pero nagsalita ulit si chief 

"Simon kung may maitutulong kami--" 

"Walang makakatulong sa problema ko." agaw ko sa sasabihin niya. 

Walang kahit sinong makakatulong sa akin dahil kasalanan ko ang lahat ng ito. 

"Kung gusto kong tapusin ang ugnayan ko sa trabahong ito walang sino man ang makakapigil sa akin. Sa trabahong ito nagsimula ang problema ko." 

Halos sigaw kong sabi. Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko. 

Ayaw ko ng makita pa si Alice dahil kapag naiisip ko siya hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibaling sa kanya ang lahat ng sisi. 

Binuksan ko ang pinto at hindi ko akalain na nasa harapan non si Alice kung narinig niya ang mga sinabi ko wala akong pakialam. 

Kita ko sa mukha niya na may gusto siyang sabihin kung pipigilan niya ako magsasayang lang siya ng oras. Napahinga ako ng malalim at tinapik ko siya sa balikat pagkatapos ay nilipasan ko lang siya. 

Malakas pa din ang ulan sa labas at madilim na ang paligid halos maghapon na din pala akong nakatambay lang sa may tinutuluyan ni Ivy. 

Bumalik ako sa bahay para ayusin ang sarili ko. Kumain ako at naligo. Halos ilang oras ako sa shower at halos lunurin ko ang sarili ko. 

Naroon lang ako at iniisip ko lahat ng mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na sampong taon. Napatukod ang dalawang kamay ko sa pader ng banyo. 

Hindi ko mapigilan ang maluha sa sampung taon na yon wala kahit isang naging maganda sa buhay ko kung hindi si Ivy.  

Bago pa ako makilala ni Alice ay magulo na ang buhay na kinamulatan ko. Sa pagkaka-patay sa Mama ni Alice dumating siya sa buhay ko and I've seen a ray of light pero hindi ko yon narating. 

Pakiramdam ko mas lalong gumulo at nasira ang buhay ko at ng sinubukan kong sumuko saka pumasok sa buhay ko si Ivy at wala siyang ginawa kung hindi ang alagaan ako, intindihin ako. 

Sa sampong taon na lumipas si Ivy lang ang magandang nangyari sa buhay ko pero nagawa ko pa din siyang saktan. 

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ulit ako pupuntahan ko si Ivy sa dalawang linggong yon siguro naman ay papakinggan na niya ang paliwanag ko. 

Sa pagdoor bell ko ang kaibigan niya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Pinatuloy niya ako kaya alam kong pumapayag na si Ivy na makipagusap sa akin. 

Nakaupo siya sa sala at ang kaibigan niyang nagpapasok sa akin ay iniwan na kaming dalawa. Lumapit ako kay Ivy pero naupo ako ay sa may harapan niya. 

Matagal ang katahimikan sa pagitan namin at pinutol ko yon. 

"Ivy--" tumingin ako sa kanya pero sa mesa siya nakatingin. 

"Ivy, sana pakinggan mo ang paliwanag ko." 

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at kita ko pa din sa mga mata niya ang sakit na ginawa ko sa kanya. 

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag Simon dahil hindi ka pa nagsasalita alam ko na lahat ng gusto mong sabihin at alam ko na lahat kung anong posibleng nangyari." 

Sandali siyang tumigil at magsasalita pa sana ako ulit ng magpatuloy siya. 

"Simon kilala kita. Alam ko hindi sapat ang isang taon para makilala kita." 

Tumungo siya at tumingin ulit sa mesa. 

"Hindi mo lang ako girlfriend, naging bestfriend mo din ako. Alam ko lahat ng sakit na pinagdaanan mo bago mo ako mahalin at naniniwala ako that you're really sorry for what you did."

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon