Chapter 34
[Janet]
Napapangiti ako sa naalala ko. I know hindi ako naging good set of example sa mga pamangkin ko pero that time nakita ko na hindi namin papabayaan ang sarili namin specially Euandre na he stand in front of me and his cousin and sister na hindi niya papabayaan.
He someday will be just like Kuya Polo and Kuya Chito and his father. Magiging mabuting ama ang pamangkin ko.
Pagliko ko ulit sa isa pang lane may nabunggo na naman akong isang trolly. Napangiwi ako hindi dahil tinamaan ako at nasaktan kung hindi dahil nakakadalawa na ako sa araw na ito pero nagulat ako at actually nagpasalamat na hindi ang Tricia na yon ang nakabunggo ko.
Walang iba kung hindi si Nico and crush ko ng High School ako. Agad ako napatingin sa kamay niya. Walang pang sing sing napangiti ako pero hindi ko siya pinansin sabi ko lang.
"Sorry."
Tatalikod na ako. Napamake face ako. Mukhang hindi naman niya ako nakilala. Nasa kabilang dulo na ako ng lane at yumukod ako para kumuha ng pinaka malaking Dole ng may kumuha ng latang kinukuha ko.
Nakangiti si Nico sa harap ko at nilapag niya ang Dole sa trolly ko. Ngumiti ako at
"Salamat. Pasensiya kana hindi ko alam na paliko ka eh. Pangalawang bunggo ko na yon kaya pasensiya na."
Tatalikod na ulit ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Hey! Janet, hindi mo na ba ako naaalala?" sabi niya na nakangiti.
Ngumiti ako at inayos ang mukha ko na parang ngayon ko lang siya nakita. Umiling.
"I'm Nick, Nico Cardenal? Yon classmate mo noong High School?" sabi niya animatedly.
Natawa naman ako sa kanya. "Yeah, Nico. So how are you?"
"I'm good. I'm good. Ikaw? How's Tita Eleyna?" sabi niya.
Close nga kasi ako kay Tita Eleyna kaya naman kinukwento ko sa kanya madalas si Nico at pinakilala ko pa sila.
"She's fine nasa Quezon siya." sabi ko and I drag my trolly into somewhere at nag tingin tingin ng pwede ko pang mabili.
Kasunod ko naman si Nico. Iba na siya. Mahiyain at tahimik lang kasi siya noon at ngayon mukhang ang tabil tabil niya.
"I saw you on the news. Ang galing mo huh?"
"Thank's."
Matipid kong sabi at kinuha ko ang isang strawberry Jam papasalubong ko kay Kuya Chito. Mahilig yon sa palaman. Marami pa kaming napag kwentuhan ni Nico hanggang sa sumabay na siya sa akin sa counter.
Nasa katabing lane lang namin sina Arkie at ang girlfriend niya na hanggang ngayon ay nakasimangot. Tumingin siya sa amin at nagngitian lang kami. Hindi ko maiwasang maya't maya tumingin kay Arkie at tuwing ginagawa ko yon nagtatama ang tingin namin.
Masaya naman akong nakikinig kay Nico. Isa siyang Head ng Marketing Department sa company nila. Kaya pala ganon siya. Maya maya pa.
"Anyway if you're free tomorrow, can I invite you for lunch?"
Automatic akong napatingin kay Arkie na kasalukuyang nilalagay ang mga pinamili sa counter. Napatingin siya sa amin. Alam kong namula ako kaya agad kong binawi ang tingin ko.
Tiningala ko si Nico and I nod. Wala naman sigurong masama don isa pa, sabi nga ni Daddy, hindi naman niya ako pine-pressure. Ang totoo gusto na daw niya magka apo sa akin bago pa siya mawala.
Napailing ako sa isiping yon. Apo agad wala pa nga mapapangasawa. Inihatid ako ni Nico sa sasakyan ko at tinulungan ilagay ang mga pinamili ko sa compartment. Pag-alis ko nakita ko na pumunta na siya sa nakapark niyang sasakyan.
Pagdating ko sa bahay naririnig ko na ang ingay ng mga pamangkin ko. Nakita ko si Alice suot ang apron at pinaghahanda niya ng makakain ang mga pinsan niya. Pagpasok ko nagtayuan naman sila at si Euan ay kinuha ang ilang mga dala ko.
"Hi Tita Jet."
Kanya kanya nilang bati, si Alice naman ay nakangiti lang. Namewang ako.
"I know na ng pinagbakasyon ko kayo dito hindi ko pinasama ang mga yaya ninyo but that's not mean na ang Ate Alice ninyo ang gagawin niyong yaya."
Tayuan ulit ang tatlo at kanya kanyang kuha ng mga plato nila.
Kumain na kami ng tanghalian. Kanya kanya naman sila ng kwentuhan. Well si Jorgina lang at si Euan, si Chofie tahimik lang kumakain ganon din si Alice.
"-and Tito Polo said the guest room besides my room will be Alice's room."
Nakangiting sabi ni Jorge. Ngumiti naman sa kanya si Alice. Nagsalita na si Chofie.
"And Ate Alice make sure na papalagyan mo ng sound proof ang room mo kasi for sure hindi ka makakatulong sa gabi while there's banging and bombing beside your room." sabi niya.
Nagmake face pa siya sa dalawa niyang pinsan. Magka-kasunod kasi ang kwarto nilang tatlo.
Sa left side ng bahay ang unang kwarto kay Daddy, kasunod kay Ate Eleyna, Kuya Chito at kay Kuya Polo tapos sa akin.
Sa right side naman, mauuna ang dalawang guest room na ang isa ay mapupunta kay Alice, kasunod kay Jorge, Euan at pagkatapos ay kay Chofie kaya naman maingay kasi nga naman napapagitnaan na nila ngayon ang kwarto ng magkapatid.
Pagkatapos namin kumain ay naghugas ng plato ang magkapatid at gaya nga ng inaasahan ko isang baso at isang plato ang nabasag. Pagkatapos non katulong ko si Chofie at Alice sa paggawa ng Fruit salad habang ang dalawang magkapatid ay naglalaro ng computer sa loob ng kwarto ko.
Tahimik kaming tatlo sa kusina at ang ingay lang na maririnig namin ay ang sigawan ng magkapatid sa kwarto ko.
Napapangiti ako tuwing may malakas na ingay at napapatingin si Alice sa pinto ng kusina at sa amin ni Chofie.
"Masasanay ka din." sabi pa ni Chofie na umiiling.
Pagkatapos non nanood kami ng movie. Na kinatulugan naman ni Euan. Ayaw niya kasi ng love stories ng mga princesses, corny sabi niya nga. Pero don naman nagkakasundo ni Chofie si Jorge.
Dumating ang hapon at gumawa kami ni Alice ng mga sandwiches at naglagay kami ng ilang bottled drinks para sa swimming namin. Sa penthouse kami magsu-swimming.
Handa na kami at nauna na ang magkapatid dala ang cooler. Si Chofie nasa kwarto pa din at hanggang ngayon namimili pa din ng swim suit na susuutin niya. Si Alice naman ay nakita kong tinitingnan ang mga gamit.
"What are you doing?"
"I'm just checking the plugs baka kasi may nakasaksak pa." sabi niya.
Ngumiti naman ako sa totoo lang malaki ang pinagkaiba ni Alice sa tatlo. Maraming alam si Alice, sabagay ang tatlo naman kasi kahit nga ako lumaki ako na laging may kasunod na yaya natuto lang ako ng mag college na ako.
"Chofie matagal kapa ba?"
"Yeah, You go. Sunod na lang ako." sabi niya at inaya ko na si Alice.
Sumilip naman si Alice sa kwarto. "Wag mo kalimutan i-lock yon pinto huh? At i-un plug ang saksak ng appliances." sabi niya dahil nagpapatogtog ng music si Chofie sa kwarto at lumabas na kami.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...