Chapter 14
[Alice]
Nakita ko si Mama nahulog siya sa hagdan. Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko gusto nabigla lang ako.
Agad akong tumakbo pababa ng hagdan. There's blood at tinatawag niya ako.
"A-Alice..."
"Ma, I'm sorry po hindi ko sinasadya. Tulungan ninyo ako!!! Tulungan ninyo ang Mama ko!!!"
May naramdaman akong gumagalaw sa likod ko at humarap ako. May tao sa likod ko at pagharap ko hinawakan niya ako sa magkabila kong braso.
Napatitig ako sa lalaking nakahawak sa braso ko. Ang matang yon. Ang maamong matang yon at may malakas na tumama sa ulo ko. Gusto kong hawakan ang ulo ko dahil ang sakit sakit non.
Ang sakit ng tumama sa ulo ko pero ramdam ko ang sarili ko na binuhat. Ilang saglit pa ay nahulog ako sa isang malambot na bagay. Patay naba ako? Nasa ulap na ba ako?
"Alice."
Rinig ko ang bulong na yon. Tumatayo ang balahibo ko sa pagkakasambit niya sa pangalan ko.
"Alice! Alice!!"
I woke up with the start. I was lying on the cold floor. Nahawakan ko ang ulo ko. It was still burning so badly that my eyes were watering.
The pain had been real. Simon was kneeling right beside me and helping me to stand.
"You alright?"
Tanong niya sa akin at ng maka upo ako agad siyang lumabas. Pagbalik niya may dala na siya tubig. Ininom ko yon na parang nanggaling ako sa malayong malayong lugar na matagal na akong hindi nakakainom ng tubig.
I could feel myself shaking. The voice had sounded so close...
"You were clutching your head. Is it hurt?"
I looked up at him.
"I'm almost there--"
"Where?"
Nakangunot noo niyang tanong.
"--in my dream. That was the part of what had been happened the day me and my mum--"
Nakita ko ang pagkabigla ni Simon. Bigla oh takot? Hindi ko alam at tinuloy ko ang sasabihin ko.
"Simon, there's something happened after my mum fell into the stair. There's somebody inside that house and--"
Napahawak ako sa ulo ko. Kumirot yon.
"Tama na Alice. Ipahinga mo muna ang isip mo maaalala mo din ang lahat ng yan."
Sinunod ko si Simon. Dinalhan niya ako ng makakain sa kwarto ko pero pagkatapos ko nagsimula naman akong maglinis ng kwarto na ginagamit ko. Hindi ko naman tinangkang pasukin ang kwarto ni Arkie dahil kahit si Simon ay hindi pumapasok don.
"Diba sabi ko magpahinga ka?"
Napalingon ako kay Simon na nakatayo sa may balkonahe. Nagwawalis ako ng mga dahon na nahulog mula sa mga punong nakapaligid sa bahay.
"Ayaw ko tumunganga lang sa loob ng bahay. Marami lang akong maiisip."
Naupo naman si Simon sa pasimano ng balkonahe at nagsalita.
"Alam mo ba na kapag ang isang tao ay pagod mas bukas ang isip nila?"
Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang pinaapoy ko na ang mga tuyong dahon. Lumapit ako sa kanya pagkatapos at naupo sa bakanteng upuan.
"Ilang taon kana?"
Yon ang naisip kong itanong. Ngumiti siya sa akin at naupo din siya sa malapit na upuan na katapat ko. Kinuha ang medical box para linisan ang sugat niya.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Wala lang mukhang ang bata mo pa pero pakiramdam ko hindi na."
I heard him chuckle at lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa ginagawa niya. Napahawak ako sa kamay niya at nagkatinginan kami. May kakaiba lagi sa tingin niya sa akin. Pamilyar pero hindi yon ang nasa isip ko ng mga panahon na yon dahil ramdam ko na naman ang hininga naming dalawa.
Rinig na rinig ko na naman ang nakakabinging tibok ng puso ko. Bumaba ang tingin naming dalawa sa mga labi namin at sabay pa kami ng paglunok.
I gave an audible gasp ng bigla siyang magsalita na nakatingin pa din sa akin.
"Twenty Five." he muttered.
"Huh?" Tanong ko na tumingin ako sa medical box para kumuha ng bulak.
Hindi ko na kayang tagalan ang titig na yon. Pero ramdam ko ang init ng hininga niya sa mukha ko.
"Tinatanong mo diba kung ilang taon na ako."
Agad namang kumilos ang utak ko sa pagbibilang. Pitong taon ang tanda niya sa akin at bago ko pa mapigilan ang sarili ko naitanong ko na.
"May girlfriend kana?"
Ako ang nabigla sa tanong ko kaya napatingin na naman ako sa kanya. My world stops just like everybody when they were in awkward situation.
Like everybody? Oh baka ako lang naman.
Naramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko pero hindi ko yon pinansin ang mata ko ay nanatili lang sa mukha niya at nakapikit na ako bago ko pa maramdaman ang init ng labi niya sa labi ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal yon pero ng humiwalay siya sa akin, hindi siya nakangiti. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero nagsalita siya.
"Nasagot ko ba yon tanong mo?"
Nataranta naman ako at medyo lumayo. I cleared my throat.
"Erm-- naalala ko nga pala wala pa tayong lutong hapunan yon na muna ang gagawin ko."
Tumalikod na ako na nangingiti alam kong hindi ito ang tamang panahon para maramdaman ko ito. Hindi ba at nahaharap kami sa isang malaking problema?
Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti.
Hindi ako lumabas ng kusina. Hindi ko siya kayang harapin nahihiya ako sa nangyari pero hindi maalis ang ngiti ko.
At isang plato ang nabasag ng nabitawan ko ng magsalita siya.
"Bakit ka nakangiti?"
Hawak ko ang dibdib ko sa pagkagulat bago ko pa siya malingon ay nasa harapan ko na siya.
"Ok ka lang ba? Hindi kaba nasaktan?"
He inspect every part of me pero hindi naman ako nasugatan. Tinulungan ko siyang pulutin ang mga bubog sa semento.
Napalingon ako sa kanya.
"Sorry nagulat kita. Yon ngiti mo kasi para kang naihipan ng hangin."
Hindi na ako nagsalita at huminga na lang ako ng malalim. Nanghihina ako kapag malapit siya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...