Chapter 22

36 3 0
                                    

Chapter 22 

[Alice] 

Paglabas ko ng kwarto, tumingin ako kay Simon pero ayaw niya akong tingnan. Nilapitan ko siya pero iniiwasan niya ang tingin ko. At kita ko ang galit sa mukha niya. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang reaksiyon niya kanina. Pero natutuwa ako sa pinapakita niya at sa mga ginagawa niya. Hindi na gaya ng dati ang nararamdaman ko na ngayon. 

Mas may tiwala na ako hindi lang sa sarili ko kundi pati kay Simon. Tama siya hindi ako masasaktan ng kahit sino kapag nasa tabi ko siya. 

Pagkatapos ko malagyan ng bandage ang sugat niya. Bigla siyang tumayo at lumabas ng bahay. 

"Saan ka pupunta?" 

Narinig kong tawag ni Pia kay Simon. Sumunod ako palabas pero galit ang mukha niya. Parang may kaaway siya na hindi ko maintindihan. 

Hindi ko rinig ang sinasabi niya pero may sinasabi siya kay Pia na hinahabol pa din ni Pia ang sasakyan hanggang sa nawala na yon. 

"Anong nangyari?" tanong ni Pia sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita agad. Umiling ako at medyo nag-aalala talaga ako sa mga nangyayari. Saan siya pupunta? 

Isa, dalawang oras na akong nakaupo sa balkonahe ng bahay pero wala pa din si Simon. May ilang taong dumaraan pero madalas na tumatalikod ako agad tuwing mapapatingin ako. Pauwi na din ang dalawang nakabike kanina palabas at napatingin sila sa may sa akin. 

Biglang kinuha ng lalaki ang sombrero ng babae at nagpatakbo ng bisikleta ng mabilis. 

"Euan!" 

Sigaw naman ng babae at hinabol niya yon. Sila ang mga nakatira sa malaking bahay. Napahinga ako ng malalim at nilingon ko si Pia. 

"Mukhang hindi pa darating si Doctor Simon. Kumain na kaya tayo." 

Tumingin ulit ako sa labas pero walang bakas na parating si Simon. Pumasok ako ng bahay at tinulungan kong maghain si Pia. Tahamik lang kaming kumain ni Pia. Nang matapos bumalik ako sa balkonahe pero napilitan akong pumasok ng mga alas otso na dahil kailangan naming isara ang bahay. 

Nasaan kana Simon? Ayaw na ba niyang tulungan ako? Hindi ko siya masisisi dahil nilagay ko sa gulo ang buhay niya. 

Nasa kwarto ako at pinapakinggan ko ang bawat kaloskos na naririnig ko. Ilang oras ulit ang lumipas at lumabas ako ng sala at natutulog si Pia sa sofa. Ako naman ay panay ang silip sa labas. 

Asan na kaya siya? Babalik pa kaya siya. Ilang oras ang pinaghintay ko pa. Upo, tayo at paulit ulit akong naglakad sa loob ng sala. Napahikbi ako. 

Pakiramdam ko pinangakuan ako ni Simon ng ice cream na hindi niya binili. Sinanay niya ako na kapag humingi ng pizza at chocolate meron siyang binibigay at ngayon humingi ako ng ice cream at sabi niya bibili siya pero wala pa din. 

May ilang luhang tumulo sa mukha ko. Pinahid ko kaagad yon at napatingin ako kay Pia. 

Mahimbing pa din siyang natutulog. Ang buong akala ko talaga asawa siya ni Simon pero hindi pala. Non nalaman ko na may asawa siya nadisappoint ako, dati hindi ko alam kung bakit pero ngayon alam ko na. 

Siya ang kauna unahang lalaki na nagpakita sa akin na importante din ako, na ang tulad ko ay pwede ring igalang at ipagtanggol na kahit kailan ay hindi ko naranasan. 

Naging malayo ako sa mga tao, sa isang pambabaeng school ako nag-aaral at kahit minsan wala akong naging kaibigan. 

Noong nasa Hospital ako don ko unang naramdaman na maalagaan ng ibang tao maliban sa Mama ko. Ang maging importante. Don ko naranasana magkaroon ng kaibigan at don ko din naranasan maramdaman na pwede rin pala akong magmahal. 

Alam ko na ngayon. May pagtatangi ako kay Simon kaya hindi ko mapigilan na maiyak sa lahat ng ito. Siya na lang ang inaasahan ko. 

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Agad ko naman nakitang tumayo si Pia at inangat niya ang baril na kanina ay nasa tabi niya. Hindi ko nakuhang magtago dahil ang sinasabi ng puso ko ay si Simon ang dumating. Umaasa ako. 

Isang katok ang nagpatalon sa puso ko. Napatingin ako kay Pia. 

"Sino yan?" 

"Ako 'to Pia." sabi ng lalaki sa labas.

Agad akong lumapit sa may pinto si Simon yon pero pinigilan ako ni Pia. She slowly open the door at nakita kong si Simon nga. Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. 

"Akala ko hindi kana babalik. Akala ko iiwanan mo na kami dito." sabi ko at umiwas siya sa tingin ko. 

"Nagpalipas lang ako ng galit." sabi niya at nilingon niya si Pia at "Kumusta kayo dito?" 

"Ok lang." sabi ni Pia na pagkatapos i-lock ulit ang pinto ay bumalik sa upuan na hinigaan niya kanina. 

Tumingin ako kay Simon. "May pagkain pa gusto mo iinit ko?" 

Tumungo siya at nagsalita. "Wag na kumain na ako. Pahinga kana." sabi niya. 

Naninibago man ako sa kanya sinunod ko siya. Siguro gusto niya munang magisip kaya naman pumasok na ako sa loob ang importante narito na ulit siya. 

Nahiga ako pero maliwanag sa kwarto ko hindi ako nagpapatay ng ilaw dahil ayaw ko ng madilim. Mga ilang minuto na nakahiga ako narinig ko ang katok. Bago pa ako bumangon nakita kong sumilip si Simon. Ngumiti ako. 

"Pasok ka." 

Hindi siya nagsalita at sinarado niya ang pinto at lumapit sa may paanan ng higaan ko. Umayos ako ng upo at parang bumalik lang kami sa Hospital. Nagsalita siya pero hindi gaya ng dati na nakangiti. Hindi rin siya tumingin sa akin. 

"Pasensiya kana kung pinag-alala kita." sabi niya hindi naman ako nagsalita at nagpatuloy siya. 

"Lumabas lang ako para mag isip. Gusto kong malinawan at-- at gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ito Alice." 

Hindi ko siya naiintindihan. Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin at binasag ko yon. 

"Ako ang dapat humingi ng tawad. I'm planning to call Atty. Constantino to tell her that she shouldn't come to the office right now.--" 

Non lang siya napatingin sa akin nagpatuloy ako. 

"Napanood namin sa T.V. kanina na pinaghahanap pa din tayo at may ilang lalaking nagmamanman sa bahay." 

Lumapit ako sa kanya at napatingin siya sa akin at agad din siyang lumingon sa kama na inuupuan niya. 

"I'm sorry kung nagulo ko ang tahimik mong buhay. I'm sorry if I put you and Pia and Arkie pati na rin si Janet into danger. Kung tutuusin laban ko 'to."  

"It's ok, I insist. Alice gusto ko lang tatandaan mo--" sabi niya na hindi tumitingin sa akin.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon