Chapter 19
[Simon]
Alam kong nag uusap sina Janet at Alice sa kwarto pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Alice.
Alam kong masakit pa din ang pinagdadaanan niya sa pagkamatay ng nanay niya, though this past few days medyo nakaka recover na siya.
Malakas ang loob niya dahil kung hindi bumigay na sana siya sa lahat ng ito. Ang bata pa niya para dumaan sa ganitong sitwasyon. Nagkukwentuhan si Pia at Arkie sa terrace sa labas at sinilip ko ang dalawa sa kwarto.
Ang pagsilip ko ay hindi nakatulong dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko. Sa mga naririnig ko hindi ko napansin na my fist were clenched, the nails digging deep into my palms.
Ito ba? Papatayin ko si Alice pagkatapos ng kahayupan na ginawa ng magaling kong ama? At alam ko na ang dahilan kung bakit gusto nila ipapatay si Alice dahil alam niya ang tungkol sa dealing nila sa drugs pero mayroon pa bang mas malalim na dahilan?
Pero mas nagulat pa ako ay sa mga narinig ko. Galit ang nakikita ko sa mukha ni Alice pero punong puno na ng luha ang mukha niya. Nakikita ko na din ang pagyugyog ng balikat ni Jet.
"I tried to tell it to my mum but she never believed me. Kaya daw ni Tito Luis na manakit pero hindi daw niya yon magagawa para na daw niya akong tunay na anak. Ilang araw lang ang lumipas at magisa ulit ako sa bahay. If no one wants to believe me ako ang gagawa ng paraan para malaman nila ang totoo.
"Naglagay ako ng hidden cameras sa kwarto ko at sa sala. Hindi natapos ang pangyayaring yon don. Pag uwi ko ng bahay galing sa school dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom na ako. Pero iba ang nakita ko."
Tumingin ako ng diretso kay Alice na hindi ko magawang titigan dahil kahit ako at nadidiri sa mga kinukwento niya. Kinakabahan sa mga sinasabi niya. Kita ko ang pandidiri niya sa bawat lumalabas sa bibig niya.
"Nakapatong si Tito Luis sa walang buhay namin na kasambahay. Sa takot ko tumakbo ako sa kwarto ko pero pagpasok ko may isang lalaki. Nakatakip ang mukha niya. Ang mata niya lang ang nakikita ko at ilang beses ko ng nakita ang matang yon."
Hindi ko napansin na lumapit na sa akin si Arkie at hinawakan niya ako sa braso na ikinagulat ko.
"Ok ka lang pare?"
Tumango ako pero hindi pa din natatanggal ang kamay ko sa door knob na maghigpit kong hawak. Pinagpapawisan ako ang malamig.
"Sigurado ka? Eh halos matanggal na ang door knob ng kwarto."
Binitawan ko yon at tumingin ulit ako kay Alice na ngayon ay nakayakap na sa kanya si Janet.
"--hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim pero kita ko ang mata niya. Ang mata niya na hinding hindi ko makakalimutan."
Alice wasn't in state of hysterical pero ang kumot na kanina pa niya hawak ay halos hindi na mabubuhay kung may buhay man yon. Galit at suklam ang nasa mukha niya.
"Siya ang lalaking sumira sa pagkatao ko. Hayop siya nagmakaawa ako pero hindi niya ako pinakinggan."
Mahina ang sabi niya non pero ang mga sumunod na ay sigaw at pumasok na si Arkie sa loob.
"Hayop siya. Walang hiya siya. Siya ang pumatay sa Mama ko. Siya ang muntik ng gumahasa sa akin."
Ang dapat na gagawin kong pumasok sa kwarto para pakalmahin si Alice ay hindi ko nagawa. Natigagal ako sa sinabi niya. Muntik ng magahasa?
Pakiramdam ko ng mga oras na yon ay kokonting hangin ang pumapasok sa silid na yon dahil kulang ang hangin na pumapasok sa lungs ko.
Nabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Walang alam si Alice gusto kong sabihin sa kanya na humihingi ako ng tawad. Na sana ngayon pa lang mapatawad niya ako.
Gusto kong sabihin sa kanya na hindi na muntik dahil-- dahil totoong nagahasa na siya. Nang mga oras na yon gusto kong pumatay pero hindi si Alice kung hindi ang sarili kong ama pero mas nagulat ako ay sa sinabi niya pa.
"Siya ang Jed na sinasabi ng Mama ko. Siya ang Jed na pumasok sa kwarto ni Mama sa Hospital."
My hands falling limply on my side. Nawala lahat ng lakas ko. Nang mga oras na yon gusto kong kunin ang baril ko at sarili ko mismo ang papatayin ko dahil sarili ko kulang pa sa kabayaran ng lahat ng nawala kay Alice.
Napatingin ang lahat ng bigla kong sinuntok ang pintuan. Nilapitan ako ni Arkie at nabutas ang pinto na sinuntok ko. Namamanhid ang kamay ko at dumudugo yon.
"Simon?"
Narinig kong sabi ni Arkie. Napaupo ako sa semento. Hindi ko gusto pero kusang tumulo ang luha sa mata ko. Gusto kong magalit, magwala, pumatay pero wala akong magawa.
Kailangan akong pumili ang babaing tinatangka kong patayin oh ang pamilya ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero naramdaman ko ang malamig na kamay ni Alice sa braso ko.
Napalayo ako ng bahagya sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at yumakap sa braso ko. Pinahid ko ang luha sa mukha ko at lumuhod din sa may harap ko si Arkie.
"Kailangan ko ng umalis Simon. Kailangan ko ng kumilos bago pa ako maunahan maretrieve ang mga camera na tinago ni Alice."
Tumayo kami at nagsalita din si Jet. "Aalis na din ako. Maraming dapat gawin."
"Pia, maiwan kana dito at heto--"
Inabot ni Arkie ang isang baril kay Pia. Kailangan ninyo yan. Safe dito pero hindi pa din tayo nakakasigurado. Lumapit si Jet kay Alice.
"Sisiguraduhin kong mananagot lahat ng may kasalanan dito Alice. Gagawin ko ito para sa Kuya ko at para sayo."
Nagulat ako sa sinabi ni Jet, may alam kaya siya? Alam ba niya? Nilingon ako ni Janet.
"Simon wag mo papabayaan si Alice. Kung may kailangan kayo tawagan niyo lang ako. Kung ano man mangyari pwede kayong humingi ng tulong sa Daddy ko. Sa malaking bahay."
"Hindi ko siya papabayaan kahit anong mangyari." sabi ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Alice sa braso ko. Napalingon ako sa kanya pero sa labas siya nakatingin.
Bumusina na si Arkie sa labas kaya lumabas na din si Jet. Nang mawala sa paningin namin ang sasakyan nanatili pa din kami sa labas.
Inakbayan ko si Alice. Malakas ang simoy ng hangin patapos na ang tanghali pero malamig ang simoy ng hangin. Napalingon kami ni Alice sa dumaang van sa harap ng bahay.
Maingay ang mga nakasakay don ang binatilyong nagba-bike at ang babaeng tumatakbo ng unang araw na pagdating namin ay nagtatalo sa loob ng sasakyan habang ang isa namang babae sa likod ay tahimik na nagbabasa ng text message sa cellphone niya.
Napalingon siya sa amin at nilingon namin ang malaking bahay na ngayon ay papasok na ang van sa loob ng bakuran nila. May isang lalaki don na nakapamulsa na nakatayo.
Sinalubong niya ang tatlong bagong dating na mga studiyante. Hindi maalis ang tingin ni Alice sa bahay kaya nilingon ko siya.
"May problema ba?"
"Nanggaling na ako dito. At ang lalaking yon--"
Pero hindi naman niya tinuloy ang sinasabi niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Wala. Tayo na sa loob para gamutin ang mga sugat mo."
Huminga naman ako ng malalim at pumasok na kami sa loob.
"May mga gamot pa ba dito?" tanong niya.
"Doctor ako, hindi ako nawawalan ng supply sa gamit ko. Nasa bulsa ng bag."
At pumasok na sa kwarto si Alice para kunin ang gamit ko. Natatakot ako sa nararamdaman ko. Maraming lihim ang nakatago sa akin at hindi pwede ang nararamdaman kong ito.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...