Chapter 24

47 3 0
                                    

Chapter 24 

[Simon] 

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Alice pero tama siya kung hindi ngayon kailan? 

"Alice bukod sa medical check-up na mga ginawa ko I found out na-- ikaw ay--" 

Huminga ako ng malalim paano ko sasabihin ito sa kanya. 

"I suspected na nang hinampas ka sa ulo at nawalan ka ng malay dinala ka sa kwarto at doon ka natagpuan ng pulis para palabasin na you'd tried to escape. But it wasn't the reason why I'm telling you these. Wala pa akong pinagsabihan Alice." 

Tinitigan ko siyang mabuti. "Ginahasa ka." 

Ramdam ko ang pinaghalo halong nararamdaman ni Alice ngayon. 

"Hindi lang yon Alice ang kasalanan ko. I'm sorry kung itinago ko yon sayo--" 

"--kaya pala bukod sa ulo ko-- k-kaya pala ramdam ko ang sakit sa--" 

Lumunok ako at pinunas ang pawis sa noo ko. It was a pressure to me telling everything to Alice. 

"Alice. Naaalala mo na sinabi ko sayo na pinadala ako para patayin ka?" 

Ang mata ni Alice ay may pagkagulat pero wala pa sa mata niya ang inaasahan ko. Mga luha pa lang ang naroon. Nagpatuloy ako. 

"Oo, totoo yon Alice kasama mo ako ngayon dahil kailangan kitang patayin. Noong una tinakas kita dahil marami akong gustong malaman. Tinakas kita para patayin pero hindi ko magawa." 

Naramdaman ko ang unti unting paglayo ni Alice, ang tingin niyang hindi makapaniwala. 

"Alam ko na ngayon kung bakit inutos sa akin na patayin ka dahil marami kang alam." 

Tumayo ako at lumapit sa bag ko. Kinuha ko don ang isang blue book. 

"Ang listahan na ito ang magpapatunay na si Lorenzo Salonga ay isang drug dealer at may ilang officials sa pulisya ang kasabwat niya sa bawat transaction." 

Pinahid ni Alice ang luha niya at nakatingin siya sa hawak kong blue book. 

"Si Luis Salonga ang step father mo-- siyang nagbigay ng gamot sa kapatid kong si Tintin three-year ago na naging dahilan ng pagkamatay niya. Gumawa ako ng sarili kong imbestigasyon habang nag-aaral pa lang ako." 

Pinunas ko ang pawis sa mukha ko. Nakatingin ako kay Alice. She was confused pero hindi ko pa din nakikita sa mukha niya ang inaasahan kong galit sa akin. 

"Simulan natin sa bata pa lang ako. Madalas mo ako makita sa harap ng play ground. Hanggang ngayon madalas pa din ako magpunta don pero hindi na ang dating dahilan kung bakit madalas ako don--" 

"Oo, naaalala ko na ikaw ang lalaking nakita ko ng araw na yon sa play ground." 

"Nang araw na yon?" 

Nagtataka ako sa sinabi niya. 

"Ang lalaking nakaitim sa play ground. Ikaw yon hindi ba?" 

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya pero nagpatuloy ako. 

"Dati ang Papa ko ang madalas kong tingnan sa bahay na yon." 

Nakita ko ang pagtatanong sa expression ni Alice at nagpatuloy pa ulit ako. 

"Pero madalas na lang ako don para makita ka Alice, mula sa malayo minahal na kita bata palang tayo. Dahil alam ko ang pinagdadaanan ninyo." 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon