Chapter 20
[Arkie]
Nagulat ako sa reaksiyon na pinakita ni Simon. Matagal ko na siyang kaibigan at malihim talaga siya. Sa tagal ng pagkakaibigan namin wala akong kilala kung hindi ang Mama niya at si Tintin ang bunso niyang kapatid na kasing edad ni Alice.
Fifteen-years-old ng mamatay si Tintin dahil sa maling inom sa isang juice niya. Mahilig sa night life si Tintin at rebelde siya. Napasama sa maling barkada at uminom ng isang drugs na napakataas ng dosage na hindi kinaya ng katawan niya dahilan ng pagkamatay niya.
Mula ng makilala ko si Simon sila lang naman talaga ng Mama niya ang magkasama mula pa ng bata siya. Wala din akong nakitang niligawan niya oh nagustuhan manlang kaya sa pinakita niya kanina, alam kong iba na ang takbo kung bakit ganon na lang ang gusto niyang matulungan si Alice.
"Pare kailangan ko ng tulong mo." sabi niya ng minsan siyang tumawag sa akin.
Kahit minsan ng nag-aaral pa kami. Kahit kailan hindi siya humingi ng tulong madalas siya pa ang tumutulong. Hindi ko nakita na nahirapan siya pero alam ko na pagdating sa Mama niya yon ang kahinaan niya.
"Simon baka sumabit ka dahil sa pagtulong mo kay Alice."
Madiin kong sabi sa kabilang linya. Hindi agad siya nagsalita at rinig ko ang pag hinga niya ng malalim.
"Kailangan pare hindi ako naniniwala na siya ang pumatay sa Mama niya."
"Pero nakita mo diba? Siya ang pumatay dahil finger prints niya ang nakuha sa ginamit niyang ballpen at take note Pre, hawak pa din niya."
"Basta pare alam ko. Tutulungan mo ba ako?"
Hindi agad ako nagsalita. Tutulungan ko si Simon pero nagtataka ako kung bakit. Madalas kapag ganyan sinasabi niya sa akin ang dahilan pero ngayon isang dahilan lang at hindi pa ganon kalinaw.
"Pare alam mo hindi ako makaka ayaw sayo."
"Thank's pare."
Napalingon ako kay Janet na kanina pa tahimik ng bigla siyang magsalita. Maya maya bigla siyang humarap sa akin.
"Sasama ako sayo."
"Jet alam mong hindi pwede. Hindi ka pwede don."
"Maiiwan ako sa sasakyan. Hihintayin kita. Pangako sa sasakyan lang ako."
Huminga ako ng malalim. Isa pa ang isang ito. Hindi ko alam kung bakit simula ng bumalik siya galing sa kanila ay tahimik na siya at hindi gaya ng dati.
"Jet ok ka lang ba?"
She nod pero nakita ko na may pasungaw na luha sa mata niya. Tumigil ako sa pagdrive. Tinabi ko muna yon at hinarap si Jet. Hinawakan ko ang kamay niya.
She wipe her tears bago ulit tumingin sa akin.
"Ako ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ni Alice."
Nagulat ako sa sinabi niya ano ang ibig niyang sabihin. May alam ba siya sa mga nangyayaring ito?
"Kung hindi ako inampon ni Daddy. Sana hindi ito mangyayari. Sana hindi aalis si Tita Myra para--"
"Myra? Tita Myra? Almasora? Ang Mama ni Alice?"
Gulat kong tanong. Constantino ang surname ni Alice pero pwede naman kasi yon kung ako nga may kapangalan sa NBI kapag kumukuha ako eh. Pero hindi pumasok sa isip ko na pwedeng related ang dalawa.
Naguguluhan ako at tumango si Jet.
"Arkie, si Alice ang nawawalang anak ni Kuya Polo."
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Maraming tumatakbo sa isip ko. Alam kaya ito ni Simon? Alam kaya niya na sa tabing bahay lang ang tunay na pamilya ng babaeng tinatago namin?
Sabagay kung alam niya malamang don niya ito dinertso. Hinawakan ko ang manibela at nagstart ulit ng sasakyan.
Kailangan kong mauna sa bahay na yon para ako ang maunang makakuha ng evidence. Hindi pa kasi tapos ang pagimbestiga kaya naman naka pending pa ang kaso dahil kailangan ang mga side ng views ni Alice.
Nakarating na kami sa bahay nila Alice may mga ilang pulis na nakabantay sa paligid nito. Nilingon ko si Jet.
"Janet. Dito ka lang hindi ka pwedeng makita ng mga kasama ko na kasama kita."
Tumango naman si Janet at lumabas na ako ng sasakyan. Lumapit ako sa bahay at sumaludo sa akin ang isang pulis.
"May mga dumating na ba dito para magsearch sa loob?"
"Wala pa sir pero sabi ng homicide department ita-transfer ang imbestigation sa ibang department."
Tumango naman ako at dumiretso na sa loob. Tumingin ako sa paligid dahil baka nakasunod ang tingin sa akin ng mga kasama ko.
Dumiretso ako agad at sa kwarto ni Alice sinubukan kong buksan ang cabinet ng damitan niya. Walang makita don pero dahil sa sinabi ni Alice na may ilalim ang damitan niya hinanap ko ang bukasan don.
Kung basta titingnan mo lang ang flooring ng dresser na yon wala ka makikita not unless sabihin sayo na meron cabinet don.
Binuksan ko ang cabinet at nakita ko ang isang laptop note book ang size kaya naman maliit lang yon.
Pero paano ko ito ilalabas ng hindi nakikita ng mga kasama ko. Sumilip ako sa bintana sa likod at may bantay din. Agad kong hinubad ang damit ko at tinanggal ang bulletproof ko.
Nilagay ko yon sa cabinet ng dresser ni Alice at saka ko nilagay sa likuran ko ang laptop at sinuot ulit ang uniform ko. Nang ayos na tinawag ko ang pulis sa labas.
"Sir?"
Lumapit ako sa vase at tinanggal ang bulaklak na tuyo na don.
"Kapag may dumating dito bukas, sabihin mo na baka may mga hidden camera na nakatago pa dito bukod dito."
Tumango ang pulis na kausap ko.
"Yes Sir."
"Hindi ako pupunta bukas marami akong aayusin sa prisinto tungkol sa paghahanap kay Alice. May lead na kami."
Tumalikod na ako. Naglalakad na ako pabalik sa sasakyan at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod na malapit lang sa may bahay.
Kung hindi ko lang alam na nasa bahay si Simon iisipin ko na siya yon. Magkasing laki sila ng katawan. Pero hindi kasi hindi naman naninigarilyo si Simon.
Tumingin ako daan dahil patawid ako at nilingon ko ulit ang lalaki. Namalikmata ata ako. Si Simon nga siya at pagkurap ko wala na ang lalaki.
Pagkatawid ko tumakbo ako papalapit kung nasaan ang lalaki pero wala na ito. Hinanap ko dahil baka lumiko sa eskinita pero wala din.
Imposibelng si Simon yon. Kulang na lang ay tawagan ko si Simon pero pagkapa ko ng cellphone ko wala don ang cellphone ko at naalala ko, naipatong ko nga pala sa ibabaw ng T.V. sa bahay.
Bumalik ako sa sasakyan na feeling ko naging pabaya ako.
"Bakit ka tumatakbo?"
Tanong sa akin ni Jet at tumalikod ako sa kanya para tulungan niya akong tanggalin ang laptop na nilagay ko sa likod ko.
"Akala ko kasi si Simon ang nakita ko."
"Imposible naman yon. Iniwan natin siya sa bahay."
Binuksan niya ang laptop. Sinara ko na yon.
"Wag dito."
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...