Chapter 46

33 3 0
                                    

Chapter 46 

[Simon] 

Nagising na lang ako na nasa clinic na ako at pag labas ko ay naroon ang chief ng dati kong trabaho pati na ang isang laging kasama ni Alice. 

Hindi ko magawang iwasan sila at lumapit sa akin si chief na nakangiti. 

"Simon, kumusta ang pakiramdam mo?" 

Hindi ko siya tiningnan, ang sakit ng katawan na nararamdaman ko ay wala sa sakit ng puso ko. 

"Alam mo naman diba na kailangan ka namin isama sa opisina para sa ilang katanungan." 

Sumama ako sa kanila at tinanong nila ang pangyayari kagabi. Sinabi ko ang totoo na sa akin nagsimula ang gulo. Pinaalis din naman nila ako at sa baba ng building hinabol ako ni Alice. 

"Simon." 

Hindi ko sana siya lilingunin pero gaya ng sinabi ni Ivy. Walang matatapos kung hanggang ngayon alam kong may anino pa din ni Alice sa nakaraan ko. 

Kung gusto nilang ayusin ang buhay ko sige sisimulan ko sa pag layo sa lugar na ito. 

"Pwede ba kitang makausap?" 

Tumango ako pero tumalikod ako sa kanya at sumakay ng motor. Agad naman siyang sumakay ng sasakyan at alam kong nakasunod lang siya sa akin. 

Huminto ako sa isang ilog na madalas kong pagdalhan kay Ivy sa dulo nito ay isang mahabang tulay palabas na ng lugar na ito at tuluyan na akong lalayo. 

Nakita kong bumaba ng sasakyan si Alice. Humarap ako sa ilog at pumulot ng bato. Inihagis ko yon sa ilog. 

Nasa tabi ko na si Alice pero hindi ako nagsalita. Sa pagbanggit niya ng pangalan ni Ivy ay sugat pa din ang nararamdaman ko. 

"Hindi ko gustong mawala si Ivy. Alam kong mahal mo siya at kahit masakit handa akong magparaya para sa kaligayahan mo." 

"Hindi na maiibalik si Ivy ng pagpaparaya mo." 

Hindi ko gustong sisihin si Alice dahil wala naman talaga siyang kasalanan. Tumungo siya at huminga ng malalim. 

"Gusto ko lang sabihin sayo Simon na humihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko." 

Nilingon ko siya at nakita kong may luha sa mata niya. Inilayo ko ang paningin ko sa kanya. 

"Inaamin ko na masakit pa din isipin na kahit wala na si Ivy kaagaw ko pa din siya pero kung tutuusin kahit ako ang nauna siya pa din ang may karapatan sayo." 

Pinahid niya ang luha niya at ako naman at namulsa na aware ako sa bawat galaw niya kahit pa hindi ako tumutingin sa kanya. 

"Matagal kong pinag isipan ito, mahal pa rin kita Simon pero kung ang pagkawala ko sa buhay mo ang magiging dahilan para ayusin mo ang sarili mong buhay kaya kong magsakripisyo ulit ng paulit ulit para sayo. Kaya gusto kong sabihin na ako na ang lalayo para sa ikakabuti ng lahat." 

Matagal na katahimikan. Wala akong masabi sa lahat ng sinabi niya. Sige lahat na ng sakit pagsama samahin na ngayon para kapag umalis ako maiiwan na ang lahat dito. Dito mismo sa lugar na ito ibabaon ko na ang lahat. 

Tumungo ako at hindi na nagsalita. I step back at tumalikod na ako pero napatigil ako sa muling pagsasalita ni Alice. 

"Simon, I wish you all the best, I'm sorry at--" I heard her sniff. "--at karapatan mong malaman na buntis ako." 

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. Matagal akong tigagal na nakatingin sa kawalan kung ilang minuto yon hindi ko alam at naramdaman ko na lang ang paglipas ni Alice sa akin at sumakay na siya ng sasakyan niya. 

Naiwan akong hindi alam kung paano ipapasok sa sistema ko ang mga huling sinabi ni Alice. Hindi naman ako tanga para sabihin na kung pwedeng mangyari yon sa isang beses. 

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi ko pa din naiisip umalis. Ano ang gagawin ko? Anong ang dapat kong gawin? 

Pilit pumapasok sa isip ko si Ivy. Pilit pumapasok sa isip ko ang sakit na katotohanan na wala na siya. Pero sa pagkawala ni Ivy may kapalit ano ang dapat kong gawin? 

Sumakay ako ng motor ko at nagdrive. Ito na malapit na ako sa daan kung saan pwede akong lumiko pabalik oh de-deretso ako sa lugar na makakalimutan ko ang lahat. 

Mabilis ang takbo ko at malakas ng tunog ng break ang narinig ko mula sa sarili kong motor. Inikot ko ang motor ko pabalik. 

Kung narito si Ivy alam kong hindi niya gugustuhin na pabayaan ko si Alice. Ivy's smiling face flashes through the back of my head. 

Hindi ko hahayaan na maulit ang pangyayari kay Ivy. Hindi ko hahayaan na pati si Alice ay tuluyang mawala sa akin. 

Ivy gave her life para sa amin ni Alice at hinding hindi ko yon sasayangin. Mabilis ang takbo ng motor ko. Konting sasakyan lang ang dumaraan sa mahabang tulay na ito. 

Kaba at saya ang unti unting lumulukob sa puso ko at sa di kalayuan nakikita ko na ang likuran ng sasakyan ni Alice. Kasalubong niya ang isang van. 

At isang malakas na preno ulit ang narinig ko mula sa sarili kong motor. Muntik na akong maaksidente pero wala sa nakikita ko. 

Ang passenger side ni Alice ay tumama sa van at nagpaikot-ikot yon. Sa pagbawi ni Alice sa manibela ay tumama yon sa gilid ng tulay at tuluyan nahulog ang sasakyan niya sa malawak na tubig sa ibaba. 

Hindi ko na nagawang mabigla dahil agad akong tumakbo sa lugar na pinagka-hulugan ni Alice. Tumalon ako don. 

I get suffocated at umahon ako sa tubig pagkahinga ko ay agad akong sumisid. Kita ko ang paglubog ng sasakyan. 

Nakita kong pilit binabasag ni Alice ng hawak niyang baril ang salamin ng bintana. Maya maya pa ay itinutok niya yon sa salamin at binaril niya ang salamin. Sa nagawa niyang butas ay saka niya pinukpok ang salamin nabasag yon at tinulungan ko siyang makalabas. 

Hindi ko naisip na nasa ilalim kami ng tubig. Niyakap ko siya at hindi ko napigilan I kissed her. 

For a moment I suddenly felt the air touching my hair at nang magmulat ako nakangiti si Alice sa akin pero unti unti siyang pumipikit. 

Hirap akong umahon sa tubig at may ilang bangka na ang nakaabang sa ibabaw ng tubig. Agad nilang tinulungan makaahon si Alice pero wala siyang malay. 

May isang medic na lumapit sa akin sa boat at agad akong tinapunan ng towel pabalot sa akin pero kinuha ko yon at nilagay kay Alice. 

"Doctor ako." 

Narinig kong sinabi ko. Doctor ako at hinding hindi ko hahayaan na maulit uli ang pagkawala ni Ivy. 

Binigyan ko siya ng first aid pero wala pa din pinulsuhan ko siya at meron pa. Pagkadaong ng bangka ay agad akong tumulong sa pagbuhat kay Alice. Pinasok na siya sa ambulansiya. 

"Doctor Simon ok lang ba kayo?" 

Napalingon ako sa nagsalita at kilala ko ang nurse na yon isa siya sa nakatrabaho ko ng doctor pa ako. 

Tumango ako at halos tumakbo na ako sa pag tulak ng stretcher ni Alice. 

"Sorry Doctor Simon pero hindi na kayo pwede sa loob." 

Tulak ng nurse sa akin. Napasuklay ako sa ulo ko. Walang mangyayaring masama. Malakas ang pakiramdam ko pero narinig ko pa din ang mahina kong hikbi. Hindi ko papayagang may mangyaring masama.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon