Chapter 15

40 3 0
                                    

Chapter 15 

[Alice] 

Lumipas pa ang mga araw. Naging normal ang buhay ko. Sa totoo lang nawala lahat ng isipin ko. Dahil yon sa tulong ni Simon. Hindi na din ako nananaginip ng kung ano ano. 

Sabi ni Simon, yon ang simula ng pag move on ko. Unti unti ko ng natatanggap ang lahat ng nangyari. 

Nawala lahat ng nakaraan ko pakiramdam ko ito ang bago kong buhay. Tahimik at walang ibang inisip. 

Gising na ako pero hindi pa ako bumabangon. Tahimik lang sa labas at maya maya bumangon ako. Binuksan ko ang bintana, masarap gumising dito sa umaga. Tahimik wala kang maririnig na ingay ng mga sasakyan kung hindi mga ibon na busy sa paghanap ng kanilang umagahan. 

Maliligo ako, binuksan ko ang cabinet para maghanap ng damit na magagamit ko. Lumabas ako sa sala kakarating lang ni Simon at mukhang galing siya ay sa pamilihan. 

"Paano ka nakalabas hindi ba at--" 

Nakangiti siya sa akin. "Nakadisguise naman ako." 

Pinakita niya sa akin ang isang bigote na kinuha niya sa bulsa niya. 

"Maliligo sana ako." 

Dumiretso siya sa kusina dala ang mga pinamili niya. 

"Kumuha kana lang damit sa bag nandiyan sa kwarto." 

Bumalik naman ako sa kwarto para kumuha ng damit. Halos t-shirt at shorts ang nakikita ko. Gusto ko ay pajama ayaw ko ng shorts halos nagamit ko na kasi at nakasampay pa ang mga ginamit kong yon. Binulatlat ko pa ang laman ng bag. 

May nakapa akong matigas na bakal sa bandang ilalim ng bag. Hinawakan ko yon at inilabas sa bag. Halos mabitawan ko naman yon at napaurong akong nakaupo sa gilid ng kama. 

Naramdaman ko na naman ang panginginig ko sa takot. Bakit meron siya niyan sa bag niya. Sino ba talaga siya? At bakit niya ako tinutulungan? Oh tumutulong ba talaga siya? 

Marami ng pumasok na tanong sa isip ko. Masiyado akong naging panatag sa ilang araw na katahimikan ko. Masiyado akong nagtiwala. 

Sino ba si Simon? Kahit ang last name niya hindi ko nagawang itanong pero kailangan pa ba? Pero ito, ano ang mga baril na yan. Alam ko na meron siya pero ang magkaroon ng dalawa pang nakatago sa bag niya ay isang malaking tanong na. 

Nabigla ako, at bumukas ang pinto na nakangiti si Simon pero nawala ang ngiti niya ng makita ako. Lumapit siya sa akin pero 

"Wag k-kang lalapit." 

He hesitate at nilingon niya ang baril na tinitingnan ko. 

"Why are you keeping that thing in your bag." tanong ko. 

Hindi ko alam ang mararamdaman ng mga panahong yon pakiramdam ko nagtiwala akong pangalagaan ng isang tao ang buhay ko na siya din at magiging dahilan na pagkasira ko. 

Pero ang isang parte ng isip ko ay hindi ganon ang sinasabi. Ayaw maniwala na may masamang pwedeng gawin sa akin si Simon. 

Tumayo siya at lumapit sa baril, kinuha niya yon at lalo naman akong nagsumiksik sa kama. 

"Alice. Meron ako nito para sa self defense. Siguro naman naiintindihan mo na hindi naman pwede na basta lang tayo tatakbo na wala tayong panlaban manlang." 

Nawala naman ang takot ko na nararamdaman tama naman siya pero hindi naman niya ako masisisi. 

Para sa akin lahat ng tao ay suspect sa pagkamatay ng Mama ko. Kahit nga ako eh diba? 

Dahan dahan akong naupo sa gilid ng kama at ngayon ko lang napansin na I'm clutching the shorts I'm holding kanina. 

"I'm s-sorry." sabi ko. 

Hindi nakangiti si Simon pero may kakaiba sa mukha niya. Inabot niya sa akin ang isang paper bag. 

"Binilihan din kita ng mga underwears mo." at lumabas na siya pero bago siya lumabas-- 

"Naghahanap ako ng pajama eh." sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. 

Lumapit naman siya sa bag at binuksan niya ang isa pang zipper at kumuha don ng isang jogging pants. 

Inabot niya yon sa akin. Napatingin ako sa kanya at kakaiba ang kulay ng mata niya. Bilog na bilog yon at parang pinaghalong itim at brown. 

"Sorry ulit." 

Bulong ko at nakita kong ngumiti siya. Pantay pantay ang mga ngipin niya. Puti at ngayon ko lang napansin makapal ang kilay niya. Mukha talaga siyang anghel. 

Amoy ko ang pabango na ginagamit niya. Naramdaman kong nahulog na ang paper bag na hawak ko kanina pero hindi naalis ang tingin namin sa isat'isa. 

Wala akong ibang marinig kung hindi ang tibok ng puso ko, ang paglunok ko at ang paghinga ko, I almost blink and we heard car stops outside.  

Ang titigan namin ay natigil ng may marinig kaming sasakyan na tumigil sa harap ng bahay. 

Hindi nagbago ang posisyon niya pero ang ulo namin ay parehong lumingon sa may pinto ng kwarto na ngayon ay naka bukas ng maliit lang.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon