Chapter 25
[Janet]
Hindi namin napansin ni Arkie na halos umaga na pala kaka-kwentuhan namin. Mga past two na yata kami naka tulog at nagising ako sa amoy ng almusal.
Nagmulat ako ng mata at ang liwanag mula sa terrace ko ang bumungad sa akin. Sa sala natulog si Arkie, ayaw niya matulog sa kwarto nila Kuya. Bumangon ako.
Amoy bacon, sarap naman. Ano kaya ang pwede naming kainin ni Arkie? Parang gusto ko din ng bacon at clubhouse siguro kaya pumasok ang amoy ng niluluto ng kapit bahay ko ay dahil bukas ang mga bintana ko.
Bumangon na ako at pumasok ng banyo. Nagshower na ako para makalabas at makabili ng bacon tutal meron naman akong gamit para sa clubhouse. Nagbihis na ako at lumabas mas naamoy ko na ngayon ang niluluto at wala din sa sala si Arkie.
Pumasok ako sa kusina at siya ang nagluluto. Ngumiti ako at naupo sa mesa.
"Saan ka kumuha ng bacon?"
Humarap siya sa akin at nilipat niya ang niluluto sa isang plato.
"Tanghali kana kasing gumising kapag hinintay pa kita mamamatay ako sa gutom." sabi nito na nakangiti.
Tumawa naman ako sa kanya. Hindi ako tumayo sa pagkakaupo ko.
"Gusto ko ng squeeze mango juice at clubhouse for breakfast and gusto ko sa terrace kumain." sabi ko pa sound like demanding na nakatingin lang sa kanya at nakangiti siya.
Nakakatuwa siyang tingnan habang suot niya ang apron na yon. Umiling pa siya.
"Then you may go and wait for me there your highness."
Tumayo naman ako at papunta sa terrace. Naupo ako sa couch na nakataas ang paa. Nakangiti ako, kailan ba ako huling ngumiti ng ganito? Natawa ako sa isipin ko. Tama highschool pa ako ng yon crush ko biglang lumapit sa akin para bigyan ako ng roses pero kasi hindi naman kami naging mag on.
Mas priority ko kasi ang pag-aaral ko at ngayon naman mas priority ko ang kaso ni Alice.
Ano bang pinagsasabi ko? Bata pa si Arkie. Napalingon ako sa kanya na may dalang tray.
"Oh bakit ka nakangiti baka maihipan ka ng hangin at hindi na magbago yan."
"Ayaw mo non." at tinulungan ko siyang ibaba ang mga dala niya.
Masaya kaming nag almusal ni Arkie. Plano namin sabay pumasok ng ma-receive ko sa text ni Pia na pinapasabi ni Alice na wag na daw muna akong pumasok.
Ok lang naman sa akin after all ngayon ko na sisimulan ang biography niya. Magagamit ko yon para sa kaso niya.
At dahil sa mga pagiisip ko ng mga gagawin ng araw na yon bigla ko naalala ang laptop ni Alice. Tumayo ako at kinuha sa kwarto.
"Bakit?"
Tanong ni Arkie pero hindi ko na kailangan sagutin dahil nakita niya na hawak ko ang laptop. Itinabi niya ang ilang mga plato sa mesa para may mapaglagyan ako ng laptop.
Binuksan ko yon at nagforward ako. Nakita ko ang pagpasok ni Luis Salonga na hindi ko alam kung bakit pero parang nakita ko na siya hindi ko lang alam kung saan.
Tinigil ko ang forward at nakita ko ang makailang beses na binubugbog niya si Alice. Hindi ko mapigilan ang hindi maluha. Hinihila siya sa buhok niya. At hindi niya binaggit pero nahulog na din siya sa mataas nilang hagdan.
Narinig ko ang paghinga ni Arkie ng malalim. Madalas magkulong ng kwarto si Luis at kitang kita sa loob ng kwarto ang halos hindi niya pagtigil sa panonood ng mga porn movies.
Ang pag gamit niya ng drugs. Alam namin na private ang ginagawa nilang magasawa pero nakita din namin na bago sila magtabi ng asawa niya si Myra binubogbog niya muna ito.
Naisip ko, tao pa ba siya? Isa na siyang demonyo sa paningin ko. At ang kalunos lunos ay ang nakita namin ni Arkie. Ang batang kasambahay nila Alice makailang ulit na pinagsasaksak at pagkatapos ay ginahasa pa niya.
Napaka brutal niya. Hindi lang siya dapat makulong dapat siyang sunugin sa impiyerno.
Hinawakan ni Arkie ang kamay ko ng hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.
"Ako na ang mage-edit kung hindi mo na kaya."
Umiling ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nakita ko na pumasok si Alice sa kwarto ng mga magulang niya at may kung ano siyang hinahanap.
Hanggang sa nakita niya ang isang blue book at nagkatinginan kami ni Arkie. Pareho kami ng tanong sa isip ng mga oras na yon.
Pero mas nagulat kami ay sa sumunod. Tumakbo si Alice sa kwarto niya at nakita namin ang isang lalaking nakabonet.
Pinause namin ang video at nag zoom ng camera, nagkatinginan kami ni Arkie. Naalala ko ang sabi ni Alice na hindi niya makakalimutan ang mata ng lalaking si Jed.
"Kilala ko ang mata na yan." sabi ni Arkie. "Ituloy mo." sabi niya.
Madilim sa kwarto ni Alice hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon para buhayin ang ilaw pero sa takot niya ni lock niya yon at tumakbo sa kwarto pero naroon nga ang lalaki.
Malaki ito kasing laki ng katawan niya si Simon yon ang naisip ko. Nasa kama na ito at hindi na din magawa ni Alice na makawala sa kanya ng biglang tumunog ang cell phone ko.
Jorgina's Calling...
"Tita Jet si Lolo inatake sa puso." bungad sa akin ni Jorgina at pinause ko ang ginagawa ko at napatingin si Arkie sa akin.
"Huh? Bakit?"
"Dinala na namin siya ni Euan dito sa Hospital kasama si Yaya at si Manong pero naiwan si Chof at si Tito Polo sa bahay dahil nagpunta don ang client mo. I heard what they're talking but I didn't underst--"
"Si Alice? Nagpunta sa bahay? Sige pupunta ako diyan. Hintay--"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong kinublit ni Arkie at tinuro niya ang video. Hindi ko na alam kung napatay ko na ang cellphone ko oh si Jorgina na ang kusang nagpatay non.
Pareho kaming tigagal ni Arkie. May dalawang lalaki sa likuran ni Alice at ang isa ay ang Tito Luis niya. Isang baril ang pinampukpok nito sa ulo ni Alice at binuhat ang walang malay na si Alice sa kwarto nito.
Hinulog ni Luis ang vase sa malapit sa kwarto ni Alice at pumasok na ito sa kwarto niya at gumamit ng drugs.
Sa kabilang kwarto naman ay nakahubad na ang lalaki at nasa ibabaw na siya ng walang malay na si Alice. Biglang hinubad ng lalaki ang takip niya sa mukha.
Hindi na namin alam ni Arkie kung ano ang mga nangyayari pero narinig ko ang pagsuntok niya sa pader ng terrace.
I hardly seemed to know what exactly I'm doing. Hindi ko na alam kung nasaan ang cellphone ko nakatitig lang ako sa screen pero hindi ko pinapanood kung hindi sa mukha ng lalaking yon ako nakatingin.
Madilim pero hindi namin makakaila ni Arkie na siya nga at nagawa naming ipagkatiwala si Alice sa kanya.
Paano nagawa ni Simon ang kawalang hiyaang ito? My hand still searching for my phone na hindi ko alam kung saan napunta dahil nanginginig pa din ang katawan ko.
Biglang nawala sa harapan ko ang screen sinara yon ni Arkie pero ang mata ko ay nananatili lang na nakatingin don.
Arkie shake me pero lalo lang akong umiyak. Sobrang sakit isipin na pinagdaanan ni Alice ang lahat ng yon pero mas masakit ang katotohanan na nasa kamay ng hayop na yon si Alice na pinagka-katiwalaan namin.
Pinunas ko ang luha ko at humiwalay ako sa pagkakayakap ni Arkie. Hinanap ko ang cellphone ko pero tumigil ako dahil nagsalita si Arkie.
"Kaya pala nakita ko siya sa paligid ng bahay nina Alice siguro sinubukan niyang mauna para siya ang makakuha ng video-- kaya pala ayaw niya mapunta si Alice sa mga pulis dahil alam niya na pwedeng mangyari ito."
Naupo siya sa coach at tumingin sa akin. May galit sa mata niya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...