Chapter 26

35 3 0
                                    

Chapter 26

[Arkie] 

Hindi ako makapaniwala. Nagtiwala ako kay Simon dahil kilala ko siya. Kung hindi ang mukha niya ang nasa video na yon hinding hindi ko mapapaniwalaan. Hindi dahil sa reaksiyon niya ng marinig niya ang kwento ni Alice. 

Buong akala ko ay may nabubuong nararamdaman si Simon para kay Alice pero hindi pala. Siguro inuusig siya ng konsensiya niya. 

"Jet--" sabi ko "patingin ako ng files ni Alice. Wala ng oras kung pupunta pa ako ng prisinto may kailangan akong malaman." 

Pumasok si Janet sa kwarto niya at pagbalik niya ay dala niya ang folder. Binuklat ko yon at base sa information si Luis Salonga ang-- Salonga. Tumingin ako kay Jet. 

"Luis Salonga ang step father ni Alice." 

Tumango siya sa akin. Hindi ko nakilala ang father ni Simon ang kilala ko lang ay ang Mama niya. 

"Simon Salonga." 

Bulong ko at naupo si Jet sa harap ko. Hawak na niya ang cellphone niya at ngayon ay nagda-dial na. 

"Si Jed at si Simon ay iisa." sabi ko at biglang nagsalita si Jet. 

"Pia, si Alice?" tanong niya at nakinig siya sa kabilang linya. 

"Si Simon? Wala siya? Pia umalis na kayo diyan bago pa makabalik si Simon. Bumalik kayo dito sa Maynila pupuntahan namin kayo ni Arkie sa Grand Terminal sa Lucena." sabi pa ni Jet pero biglang 

"Pia? Pia? Ano yon?" tanong niya at tinanggal na niya sa tenga niya ang cellphone. Nanlalaki ang mata niya sa takot. "Arkie, may narinig akong putok." 

Tumayo ako agad at kinuha ang folder at laptop. 

"Kunin mo ang mga gamit mo aalis na tayo. Akin na ang cellphone mo tatawag ako ng back up. Oras na para isuko si Alice sa mga pulis." 

Agad namang kumilos si Jet at ganon din ako. Nasa parking na kami at kausap ko na ang mga tauhan sa prisinto. 

"Oo sa Quezon ang destination naroon ngayon si Alice Constantino. Tumawag kayo sa Quezon police station." 

Binaba ko na. Agad kong pinatakbo ang sasakyan. Halos paliparin ko ang sasakyan pero hindi ko narinig ang reklamo ni Jet. Nakawak lang siya sa may gilid at ang isa ay nakahawak sa seatbelt. 

Tahimik siya. Naiintindihan ko na kinakabahan siya. At bigla siya humarap sa akin. 

"Pahiram ng cellphone." 

Kinuha niya yon. Nagdial. Maya maya pa nagdial ulit siya at siguro ay walang sumasagot sa mga tinatawagan niya. 

"Euan? Asan ang Ate Jorgina mo? Kanina pa ako tumatawag ah?" naririnig ko ang kausap niya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi. 

"Oo, tawagan mo sina Kuya Polo sabihin mo walang uuwi sa Hacienda. Magpapadala kami ng magbabantay sa inyo diyan sa Hospital." 

Nagpause pa siya at pinakinggan ang sinasabi ng kabila. 

"Euan don't ask questions right now, just follow my instructions ok?" 

Binaba na niya yon at nagdial ulit sa pangalawang dial niya isang general ang kausap niya. At humihingi siya ng proteksiyon para sa pamilya niya. 

Sa yaman ng pamilya niya hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang kilalang koneksiyon. 

Mabilis na ang takbo ng sasakyan ko pero pakiramdam namin matagal pa din at malayo pa din ang paparoonan ko. Tanghali na past two at breakfast lang ang kinain namin kanina. 

Dumaan na ako sa isang drive tru para kahit papaano ay makakain kami. Malapit na siguro forty five minutes na lang at nasa Grand Terminal na kami. Panay ang sulyap ko kay Janet at hindi siya mapakali. 

Panay din ang tingin niya sa cellphone na para bang don nakadepende ang lahat. Maya maya pa ay may nagradio na sa akin. Alam kong narinig yon ni Jet pero inulit ko yon sa kanya. 

Mabagal na ang pagpatakbo ko ng sasakyan. Hindi ko alam pero parang pakiramdam namin tapos na lahat at bakit pa kami hahabol kung wala ng pupuntahan ang paghabol namin. 

Huli na kami. Ngayon ko lang napansin na nandito na kami sa Grand Terminal. Nakapark ako at habang tulala ang kasama kong si Jet bumaba ako para bumili ulit ng makakain. Lumapit ako sa malapit na tindahan ng marinig ko ang sigaw ni Jet. 

Bumaba siya ng sasakyan at tumatakbo papalapit sa isang babae. 

"Alice!!" nilingon siya ni Alice na punong puno ng luha na hindi alam kung saan pupunta. 

Nagyakap silang dalawa at nilingon ko ang tindera na sinisingil ako sa mga binili ko. Nagbayad na ako at bumalik sa sasakyan na kung saan nasa likuran na sina Alice at Jet. 

Tahimik ang dalawa. Nakayakap lang sa kanya si Alice ganon din siya. Pabalik na kami ng Manila at nagsalita si Jet. 

"We have to stick together." 

Alice sniffs and wipe her tears. "No. I'm not sticking to any of you. I can take good care of myself." 

"You can't. Remember tumakas ka lang sa mga pulis and remember you are wanted you have to trust us." sabi ni Jet. 

Tinitingnan ko lang sila sa salamin at mahina lang silang nagtatalo. Nagsalita ulit si Alice. 

"I don't trust nobody. I trusted you but you'd never told me about--" 

"His your father. I wanted to, but it's not my secret to share. Alice wala akong karapatan dahil alam kong alam mo na ngayon na--" 

"And it happens that his your father too." 

"No!" sigaw ni Jet. Tumigil ako sa pagdrive at hinayaan ko silang magusap. Pareho silang tumigil at tumingin sa akin. 

Huminga ng malalim si Jet at binuksan niya ang pinto sa likuran ni Alice. Mahinahon siyang nagsalita. 

"Fine then. Leave and don't run coming back to us and ask for our help." 

"I wont." malakas na sabi ni Alice at lumabas na siya pero tumigil siya sa sinabi pa ni Jet. 

"How can you be so cruel?" 

Galit na humarap ulit si Alice kay Jet "What?" medyo lumapit si Alice kay Jet "I didn't get that, how can I be so cruel?" 

Lumabas naman ako ng sasakyan at para pigilan ang dalawa pero binawi ni Alice ang braso niya na hinawakan ko. 

"That Polo Constantino throw everything, he abandoned me and mum and here you are telling me how cruel I am? Anong gusto mong gawin ko, patawarin siya agad? Na lahat ng ito nangyayari sa akin ngayon pero ok lang? Na ok lang ang lahat?" 

Jet take a deep breath and bit her lower lip. 

"Bata ka pa nga. Yeah, I understand na hindi ganon kadali ang pinag daanan mo but did you ever-- well as from what I can see-- did you let kuya Polo to explain everything oh non pumunta ka don panay panunumbat ang ginawa mo?" 

Nagulat ang expression ni Alice. Mukhang nakuha niya ang point ni Janet.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon