Chapter 36

34 3 0
                                    

Chapter 36

[Arkie] 

Pagpasok na pagpasok ko agad akong tumakbo palapit sa C.R. pero wala din si Jet. 

"Jet?" 

Medyo malakas na tawag ko. Nilapitan ko ang home theater niya at pinatay yon. Lumabas ako at pumasok sa kusina, sa terrace, sa banyo na malapit sa kusina pero wala si Jet. Asan si Jet? Kung wala siya dito bakit bukas ang appliances niya? 

Kung walang tao bakit bukas ang pinto? Nagaalala na ako. Kung hindi lang dahil alam kong may pinagdaanan si Alice hindi ko iisipin na hindi kaya may pumasok dito at kinidnap si Jet? 

Agad kong kinapa ang cellphone ko pero naisip ko sino naman ang tatawagan ko? Wala naman akong alam na pwedeng pagtanungan kung saan siya pwedeng pumunta at hindi ko naman ganon ka kilala si Jet para malaman kung saang mga lugar siya pumupunta? 

Napaupo ako sa sofa sa sala. Hihintayin ko. Baka lumabas lang siya at may binili. Sa akin na din galing diba? Hindi ko siya ganon ka kilala, baka siya yong tipong makakalimutin mag lock ng pinto or makakalimuting magsara ng mga gamit. 

One hour past at wala pa din si Janet. It's quarter to Eight at nakakaramdam na ako ng gutom. Pumunta ako sa kusina at nakita kong may lutong pagkain. 

'Pasensiya kana. Madalas talaga akong mag-order lang ng pagkain, hindi kasi ako marunong magluto.' 

Naalala ko ang sinabing yon ni Jet. Sino ang kasama niya dito sa bahay at nakapagluto. Ayaw kong isipin na ang lalaking kasama niya kanina ay pumunta dito at pinagluto siya. Agad namang sumagot ang isip ko. 

'Ano naman kung pinagluto siya?'

'Oo nga naman pakialam ko nga naman. Isa pa pwede namang ang Ate niya narito diba?'

Sumagot na naman ang isa kong isip. 'Imposible naman yon siyempre nasa kanila na si Alice ngayon lang nila yon makakasama so bakit naman pipiliin ng Ate niya na mag spent ng time dito sa pad ni Jet?',

'Eh bakit si Jet?' 

Umiling ako nagugutom ako diba? Yon ang dahilan kung bakit ako narito sa kusina at kumuha ako ng plato. Kumain. Pagkatapos ko linisin ang mga pinagkainan ko lumipat ako sa sala nanood. Wala naman akong makitang magandang panoorin kaya pinatay ko ang T.V. 

Fifteen minutes at nagpunta ako sa terrace medyo malakas ang hangin at naupo ako sa couch. Hindi ko namalayan nakatulog ako sa couch at nagising ako mga past ten na. 

Nagpunta ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Asan na si Jet? Late na at hindi pa din siya umuuwi. Bumalik ako sa terrace at mga ilang saglit nakarinig ako ng click ng pinto. Boses yon ng isang lalaki kaya sumilip ako sa sala. 

"Bukas." sabi nito.

Hindi naman ako nagbukas ng ilaw kaya madilim ang paligid. Ang ilaw mula sa labas ng Terrace lang ang liwanag sa loob. Narinig ko naman ang isang pamilyar na boses kaya napakunot ako. Dahan dahan akong papalapit sa kanila. 

"I'm sorry. I forgot to locked the door." 

Ang nag sabi non ay nakita kong nag squeeze sa pagitang ng lalaki at isang babae. Bubuksan ko na ang ilaw dahil malapit na ako sa switch. Sakto naman humawak din ang babaeng nagsalita kanina. Hindi ko siya masisisi kung nagulat ang reaksiyon niya. 

"Aaaahhhhhhh........" 

Nakita kong she back off at humara naman sa unahan ang lalaki. Sabay sigaw ng babae. 

"IKAW????" 

Narinig ko din ang boses ni Alice na nagtaka at ni Jet na nagi-isang masayang nakita ako sa loob ng bahay na yon. 

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon