Chapter 47 Logging off...

49 3 0
                                    

Chapter 47 

[Simon] 

Pagkalipas ng anim na buwan nakapag desisyon akong bumalik sa pagiging Doctor. Siguro tamang ibigay ko ang sarili ko sa mga nangangailangan. Tamang tulungan ko ang mga gusto pang mabuhay ng matagal. 

Gaya ng sinabi ko noon kay Lolo narito ako sa propesyon na ito hindi para pumatay kung hindi para bumuhay. 

At hinding hindi ko hahayaan na maulit ang nangyaring pagkamatay ng dalawang taong mahal ko sa sarili kong kamay. 

Oo, ang pagiging alagad ng batas ay pagligtas din ng ilang buhay pero ito ako. Dito kami nagkakilala ni Alice, at pilit ibinalik ni Ivy. 

Siguro kaya nangyari ang lahat ng ito ay para malinawan ako na hindi sa lahat ng panahon ay puro sakit at pighati ang daranasin ko. 

Tama na laging may bagong bukas. Sabi nga 'The happiest people don't necessarily have the best of everything. They just make the best of everything.' 

Tayo ang gumagawa ng sarili nating ikakaligaya. At ako si Doctor Simon Salonga. Natuto sa mga pagkakamali ko. 

Tumayo sa pagkakadapa. 

"Bye Doc." 

Nginitian ko ang nurse na nagpaalam. Pauwi na ako at tapos na ang duty ko. Kailangan kong umuwi ng maaga dahil baka wala pang luto sa bahay. 

Pagdating ko ay tahimik ang buong paligid. Asan ba ang mga tao dito at parang wala tao sa bahay. Sinusian ko ang front door at madilim sa loob. 

"Janet? Anong ginagawa mo dito?" 

Kinabahan ako ng makita ko si Janet na takot na takot ang hitsura. 

"Anong nangyari?" 

Biglang bumukas ang ilaw at sinalubong ako ng ingay 

"Happy Birthday!!!!" 

Sigaw ng halos lahat. Kompleto ang pamilya ko. Oo, may bago na akong pamilya, ang pamilya ni Alice na buong buo akong tinanggap. 

"Nakalimutan ko. October 8 nga pala ngayon." 

Isa isa silang lumapit sa akin at yumakap. Lumapit sa akin ang isang magandang babae na girl friend ni Euandre. 

"Happy Birthday po." 

Humalik siya sa pisngi ko at patakbong yumakap sa akin ang anak ni Jet na si Ayesha. 

"Happy birthday Ninong." 

Napangiti ako sa kanya, hindi ko naman kasi talaga siya inaanak sinanay lang ni Jet na yon ang itawag sa akin. 

"Thank you baby girl." 

Sumimangot pa siya. "Hmp, sabi ni Mommy kapag lumaki na si Alex hindi na ako ang baby." 

Natawa ako.

"Hindi ah, ikaw pa din ang baby girl namin si Alex baby boy namin." 

Nilingon ko ang nagsalita non at nilapitan ko siya. 

"Hi Hon, baka naman kasali kang nagpagod dito kakapanganak mo lang." 

"Hindi, sa dami ng mga gustong kumain sa handa mo aba dapat lang na sila ang kumilos." 

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Alice. 

"Oh siya baka lumamig ang pagkain." agaw ni Daddy Polo na tulaktulak ang wheel chair ni Lolo Fedelino.

***

Nilingon ko ang doctor na lumabas ng E.R. at tinanggal niya ang face mask niya. 

"Malakas ang kapit ng bata at ok na ang nanay niya." 

Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko ang Doctor na kaharap ko. Pumasok na ako sa E.R. at tulog pa din si Alice. 

Hinawakan ko ang kamay niya at hinaplos ko ang noo niya. Hinalikan ko yon. 

"Hinding hindi na ako bibitaw. Kahit kailan. Pangako." 

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang nararamdaman ko ngayon. Kung nasaan man ngayon si Mama at si Ivy alam kong masaya sila para sa amin. 

Nilingon ko ang nurse na nagsalita. 

"Doc ililipat na po namin siya ng kwarto." 

Tumango ako at sumunod lang sa kanila.

Logging off.....

Ang pag ibig sinusubukan pero kapag pakiramdam mo nasasaktan ka na wag kang susuko pero wag ka rin maging tanga. 

Abangan ang love story ng pinsan ni Alice na si Chofie Constantino sa 'My Fake BF'

My thanks to: marrygrace, cham8k, ZechoZenith, ryzachilsallamado, Divina228, cute_ysta107, Dyniiiccce, mhix2batchie06, chamzkiezo, Sheinmei, chrizialyn, cyberat24, Oo_Roseane_oO, Whitecancer, awesomedeo, ThriciaMaePCatabay, jexxan, Kirarin18, Lolkaemeiashe and to my number one reader, hirapnaman.

Thank's for reading KSP Llei27, nit_jam16's, Iamkhoralhyn, aaaaaa16, dian_drea, norfatimaghali, criselynaloro, She_Ri_Lou, rEndy_22, Onetutriifor, xxxangggehxxx, Joyzky, chamy_94. Please guys follow me and keep reading and loving my stories. . .

Special Thanks to Tita Ganda and specially to TriciaNicole.

ありがとう

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon