Chapter 31
[Janet]
Sa bawat pagsasalita ni Alice masakit marinig at ulit ulitin lalo na at magmumula sa kanya ang mga bagay na yon. Pero kailangan ko maging matatag. Kailangan para sa pamangkin ko.
Hindi ko masisisi kung halos sugurin ni Kuya Polo at ni Kuya Chito sina Luis at Lorenzo Salonga. Ate Eleyna silenly dabbing her handkerchief in her wet face.
This kind of scene's the reason why we never let Dad to come with us today dahil baka ito pa ang maging dahilan ng pagka atake niya sa puso.
Dahil sa tension, the Council gave one hour recess. Pumasok ako sa office at tahimik lang ako don magisa.
Nagtataka lang ako kung bakit sa lahat ng ito hindi pa din nilalabas ng kabila si Simon Salonga? Bakit?
At nasaan na si Arkie? Ang presensiya niya ay malaking tulong para mas maging matatag kami ni Alice. Sa lahat ng ito siya ang naging sandalan naming dalawa. May pumasok sa office para dalhan ako ng makakain pero hindi ko naman yon nagalaw.
Hawak ko sa isang kamay ko ang isang CD tape na nakasalalay ang lahat ng ito. Hanggat maaari pilit kong pinapanalo ang kaso na hindi na kailangan ipakita ito para na din sa kapakanan ni Alice. Malaking kahihiyan ito para sa pamangkin ko.
Natapos ang one hour recess at bumalik na kaming lahat sa loob ng Trial Court. Napansin ko kaagad na nakaupo na sa unahan si Simon at hindi siya itinabi kina Lorenzo at Luis.
Nilingon ko si Alice na tahimik pa din sa pagluha. Lumapit ako sa kanya ang I pat her back. The trial again started.
"Your Honor, nasa harapan natin ngayon si Doctor Simon Salonga na siyang ngayon naman ay tinuturo ng ating nasasakdal na siya ang nang mulestiya at pinaparatangan niya itong gumahasa umano sa kanya."
Lumibot si Prosecutor Ordillano sa may harapan namin ni Alice.
"Dr. Salonga have you ever been inside the house of your father Luis Salonga?"
"Yes."
Maiksi nitong sagot at muling nagtanong si Ordillano.
"At kailan ang huling pagkakataon na nakapasok ka sa bahay na yon?"
"It's been Eighteen years ago."
Nakatingin lang ako sa kanya at naramdaman kong gumalaw si Alice. Nilingon ko siya at nakatitig siya kay Simon at ganon din si Simon sa kanya.
Hindi ko talaga malaman pero ang Simon na kaharap namin ay ang Simon na una kong nakilala. Wala sa mukha niya ang greed and evil na nakita ko sa video.
"Eighteen-years ago. Sinasabi mo ba na yon na ang huling nagpunta ka doon? Noong seven-year-old kapa?"
Umiling si Simon at nagsalita. "Madalas akong pumunta don pero nasa labas lang ako para tanawin ang aking--"
Hindi maituloy yon ni Simon kaya si Prosecutor Ordillano na ang nagtuloy.
"Your Father. Yes. And?"
"Hanggang sa mag twelve-year-old na ako yon na ang huli kong punta sa bahay na yon." sabi niya na hindi naalis ang tingin kay Alice.
"So, it was clear to us that yon ang huling punta mo sa bahay nina Miss Alice. Dr. Salonga nasaan ka noong October 8, Monday, Five o'clock ng hapon?"
"Kasama ko si PO2 Arkie Delos Reyes na isang bar na madalas namin tambayan."
Nilingon ni Ordillano si Arkie sa may likuran sa palabas ng court. Ngumiti ito.
"Narito ba si PO2 Arkie Delos Reyes? Maaari ba natin patunayan na nagsasabi ka ng totoo?"
Hindi nagsalita si Simon pero lahat kami ay kay Arkie tumingin. Anong ang ginagawa ni Arkie? I trusted him. Nagtiwala ako sa kanya kahit pa alam kong kaibigan niya ang nanloko sa amin ni Alice.
Gaya ba ni Simon niloko rin lang kami ni Arkie? Bumaba siya at lumapit sa gitna. May luhang gustong pumatak sa mata ko. Tumingin sa akin si Alice pero wala akong masabi sa kanya to console her dahil kahit ako wala akong masabing maganda para palubagin ang loob ko.
Ang naramdaman ko lang ay ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko.
Nagtanong ulit si Prosecutor Ordillano at sa sagot ni Arkie gumuho ang lahat ng pinagsamahan namin.
"PO2 Delos Reyes. Pwede mo bang patunayan ang nilahad ni Dr. Salonga sa harap ng korteng ito? Kung ano ang ginagawa ninyo sa bar na yon at hanggang anong oras kayo don at saan kayo nagpunta pagkatapos non?"
Sa akin nakatingin si Arkie pagkatapos ay nilingon niya si Alice.
"Kasama ko si Simon sa bar dahil birthday niya ng araw na yon. Hanggang ala una ng umaga naroon kami at pagkatapos non ako na ang naghatid sa tinutuluyan ni Simon na bahay dahil lasing na lasing na siya."
Hindi ko na kayang tingnan pa si Arkie katulad lang din siya ni Simon, manloloko. Tumingin ako kay Alice at tahimik siyang umiiyak na nakatungo.
"That's the proof that Doctor Simon Salonga have nothing to defense against to the accused of Miss Alice. Yon lang ang masasabi ko your Honor."
Nilingon ako ng council at tumayo ako. Dahan dahan akong naglakad dahil medyo nanginginig pa ang tuhod ko dahil sa katotohanan na nilaglag kami ni Arkie.
"Sinasabi ng counsil na Miss Alice was lying about being sexual harrased by his step-father, Luis Salonga, raped buy his step-brother, Dr. Simon Salonga. Meron kaming patunay na ito ay hindi figment of imagination ng aking client and that we have evidence."
Huminga ako ng malalim. Mahirap alam ko pero kailangan. Nilingon ko si Alice
"Miss Alice how it happens?"
Nakatitig ako sa kanya ganon din siya. Parang sa akin siya humuhugot ng lakas para masabi niya lahat ng ito.
"Simula ng walang naniniwala sa akin, even my mum, naglagay ako ng hidden cameras sa kwarto ko, sa kwarto nila Mama, sa sala sa buong bahay at yon ang hindi ko na din nagamit dahil laging nakabantay ang lalaking yan sa Mama ko."
Turo niya kay Luis. Tinanong naman siya ng Council.
"Bakit hindi mo ito isinuko sa pulis?"
"Dahil tinakot niya ako na kapag nagsumbong ako sa mga pulis sa kahayupang ginawa nila sa akin ng anak niya ay papatayin niya ako at ang Mama ko."
Nagsalita ang Council. "Atty. Constantino what evidence do you have."
Lumapit ako sa laptop ko at binuksan yon. Binigay ko sa Council at pinakita yon.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...