Chapter 9

41 3 0
                                    

Chapter 9 

[Simon] 

Napapailing ako kay Alice. Masakit ang braso ko pero hindi ko maiwasang matawa sa reaksiyon ng mukha niya ng sabihin kong dumiretso sa police station. 

Naisip ba talaga niya na isusuko ko siya? Bakit ko naman gagawin yon. Eto na nga at tinamaan ako ng bala buti na lang at daplis lang to. 

Umikot na siya at sumakay. Tumingin ako sa paligid at sa dami ng tao walang makakapansin na narito kami sa harap ng police station. 

Hindi ko isusuko si Alice, hinding hindi. Pero kumudlit sa isip ko ang pinagusapan namin ni Lolo. The smile on my face had gone and replace by an ugly look. 

I start the engine at narinig ko pa ang mahinang hikbi ni Alice. Hindi ako dumiretso kung hindi bumalik ako sa dinaanan namin kanina. 

Isang lugar lang ang pwede kong puntahan na alam kong hindi ako matutunton ng kahit sino. Hindi ko pwedeng dalhin si Alice sa bahay ko. 

Tahimik lang kami habang daan at kita ko sa gilid ng mata ko na panay ang sulyap ni Alice sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong. 

"Akala mo ba talaga isusuko na kita sa mga pulis?" 

Tumingin ako saglit sa kanya at tumingin lang siya sa akin. Hindi ako agad nagsalita pero ako din ang pumutol ng katahimikan. 

"Kung isusuko man kita kay Arkie kita isusuko. Siya yon pulis na kaibigan ko." sabi ko at buntong hininga niya ang narinig kong sagot pero hindi ko siya nilingon. 

Nararamdaman ko ang pagkirot ng sugat ko. Naghahanap lang ako ng pwedeng pag park-an na maayos para malinis ang sugat ko. 

"At bago mangyari yon malamang dumaan muna sila sa bangkay ko--" nakita kong tumingin siya sa akin nagpatuloy ako. 

"--sisiguraduhin ko na makuha ka man nila hindi mo na malalaman na nasa kanila kana." saka ako tumingin sa kanya. 

May pagtatanong ang hitsura niya, hindi ko naman agad yon dinugtungan. Nagpark ako sa isang lugar kung saan maraming tao. Nagsalita ulit ako na sa pagkakataong ito nakatingin ako kay Alice.  

"Sisiguraduhin kong patay ka na muna bago ka mapasakamay ng mga taong naghahanap sayo." 

Nakatitig ako sa kanya. Hinihintay ko ang tanong niya pero hindi yon nangyari kahit pa ang takot sa sinabi ko, wala akong nakita. 

Hindi ba siya nangangamba na patayin ko siya? Bigla siyang umangat sa upuan niya at inabot sa likuran ng sasakyan ang maliit na bag ko. 

"Gamot ba ang nakalagay dito?" tanong niya. 

Hindi ako nagsalita. Ako ang nagtataka sa reaksiyon niya. Binuksan niya ang bag at kinuha don ang mga gamot. 

Titig na titig ako sa kanya at naramdaman ko na lang natinatanggal niya ang panyong nakatali sa sugat ko dahil masakit yon. 

Hindi pa ako makarecover sa mga nangyayari at nakita kong nilabas niya ang isang alcohol. Akma niyang ibubuhos yon sa sugot ko ng-- 

"Hindi yan!!" sigaw ko. 

Nakatitig siya sa akin, hindi ko siya masisisi. Medyo malakas ang pagkakasigaw ko siguro ay nabigla ko siya. 

Napasandal ako sa headrest ng upuan ko habang hawak ko ang sugat ko napahinga ako ng malalim and I swallow. 

Tumingin ulit ako sa kanya. 

"Masakit yan eh." mahina kong sabi. 

"Doctor ka diba? Eto lang takot ka?" 

Napailing ako at natatawa. "Alice sa maliit na sugat, Oo hindi yan masakit pero malaki itong sugat ko. Hindi yan ang ipapanlinis mo." 

Tinuro ko sa kanya at sinimulan niyang linisin ang sugat ko. Hindi siya ganon kagaling pero magaan ang kamay niya sa bawat dampi sa sugat ko. 

Paminsan minsan ay sinusulyapan ko siya. Dalagang dalaga na si Alice, hindi na siya ang batang madalas kong pagmasdan tuwing nakaupo ako sa play ground ng harap ng bahay nila. 

Tumalon ang puso ko ng bigla siyang magsalita habang nilalagyan niya ng bandage ang braso ko. 

"Akala ko talaga kanina isusuko mo na ako." sabi niya na hindi tumitingin sa akin. 

Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy siya sa ginagawa niya. Maya maya nagsalita ulit siya. 

"Ang sama sama ng loob ko." 

Yon lang at wala na siyang dinugtong. Huminga naman ako ng malalim at kinuha ang isang t-shirt sa bag na dala ko kanina. 

"Pwede mo ba akong tulungan magbihis?" 

Tumingin lang siya sa akin pero maya maya ay tinulungan naman niya ako. Medyo nahirapan akong hubarin ang may dugo kong suot dahil sa sugat ko. 

"Hindi naman kasi ako pwedeng lumabas para bumili ng makakain para sa atin." sabi ko. 

Binuksan ko ulit ang makina ng sasakyan at umalis na kami don. Medyo malayo na ang nadadrive ko at tumigil ako sa isang harap ng isang bar. 

"I'm sorry kung napasama ko ang loob mo." sabi ko sa kanya ng tumigil ako sa pagdrive. 

Bago ako lumabas lumapit ako sa kanya para ibaba ang upuan niya at makahiga siya ng maayos. 

Gabi na din at kailangan niyang magpahinga hindi pa siya ganon ka galing. Yon ang pangalawang pagkakataon na magkalapit kami ni Alice bukod sa niyakap ko siya sa loob ng C.R. niya noon sa hospital. 

Nagkatitigan kami at ramdam ko ang parehong init ng hininga namin. Huminga ako ng malalim. 

"Magpahinga ka muna habang bumibili ako ng makakin natin. Iiwan ko ang susi dito." sabi ko at binuksan ko ang pinto ng kotse pero ako bumaba-- 

"Wag na wag kang magtitiwala kahit na kanino Alice. Kahit na sa akin pa. May pagkakataon kapang tumakas sa lahat ng ito--" 

Nakatingin lang siya sa akin at sa pagkakataong ito may pagtatanong na sa mukha niya. 

"--kaya tumakas kana, patibong lang ang lahat ng ito. Baka mahulog ka sa bitag at hindi ka na makaligtas sa susunod." 

Lumabas na ako. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero ito lang ang naisip kong paraan. Kailangan niyang tumakas na. Nakikita kong nagtitiwala na siya sa akin. 

Nasa plano ko yon ang kunin ang tiwala niya sa akin para mas madali para sakin ang gawin ang plano ko. 

Kailangan niyang tumakas dahil kapag hindi niya yon ginawa, wala na akong rason pa para hindi gawin ang pinag usapan namin ni Lolo. 

Bumili muna ako ng makakain ni Alice sa tapat na convinient store at binigay ko yon sa kanya bago ako pumasok sa bar na pinag park-an ko ng sasakyan. Madilim at maraming tao. 

Sinong mag-aakala na ang isang tulad ko ay lagi sa lugar na ito. Dito ako madalas tuwing naguguluhan ako. Dito ako madalas tuwing marami akong iniisip at kailangan ko ng solusyon. 

Napalingon ako sa isang tapik sa balikat ko.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon