Chapter 32

44 3 0
                                    

Chapter 32

[Simon] 

Hindi ko alam kung ano ang pinakita ni Janet sa Council pero kung ano man ang evidence na yon nagpa-pasalamat akong hindi ko yon makikita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. 

Maya maya pa sinarado na niya yon at nagsalita ang Council. 

"Well we will take another recess for one hour." 

Lahat naman ay nagtataka pero nanatili akong nakaupo lamang sa kinau-upuan ko. Katabi ni Alice si Jet at hawak niya ang kamay nito. Nanatili akong nakatitig sa kanila at nilingon ako ni Jet. 

Pagkatapos ay nilingon niya si Arkie kaya nalipat ang tingin ko sa kanila. Kung pagmamasdan mo nag uusap sila sa pamamagitan ng tingin na yon. 

Sa nakikita ko gusto maniwala ni Jet sa nakikita niyang expression ng mukha ni Arkie hindi nito gustong traidorin sila pero binawi ni Jet ang tingin niya kay Arkie at tumingin sa isang babaeng lumapit sa kanila. 

Yumayap don si Jet at may sinabi pa ito. Nakita ko naman na nginitian siya ni Alice. Lumipas pa ang mga minuto at bumalik na ang Council pero hindi na ito umakyat pa sa upuan niya at sa harapan na namin nagsalita. 

"There will be no other reason that Alice Constantino need to stay in this court any longer. You are free to go." 

Lumingon ito sa gawi namin. "As for Luis Salonga, Lorenzo Salonga and Dr. Simon Salonga, the Council--" 

Bigla akong tumayo at nagsalita. "Paumanhin po pero hindi pa tapos ang usapin tungkol sa akin." lahat sila ay nagulat sa sinabi ko. 

"Nagkamali po kayo ng taong inakusahan." sabi ko at tumingin ako sa Lolo ko.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya maging sa aking ama. 

"Hindi ako nagbigay ng statement ko at ngayon handa na ako para gawin yon." 

Bumalik ang lahat sa kanilang upuan at ako ay nanatiling nakatayo. 

"August 19, ng sabihin sa akin ng Mama ko na bumalik ang Papa ko, si Luis Salonga pero hindi para balikan kami kung hindi para kunin ang kapatid ko. Seven-year-old ako noon at lahat ng importanteng date hindi ko nakakalimutan. 

"Hindi naman ako nagtaka na sumama sa kanya ang kapatid ko dahil dati pa mas close sila ni Papa. 

"Nang tumuntong ako ng college si Lolo-- Lorenzo Salonga ang nagpa-paaral sa akin. Medicine ang kinuha ko para magamot ko ang may sakit kong ina. At habang nag-aaral ako, namatay ang kapatid ko na bunso dahil sa over dosage ng drugs." 

Lumapit ako sa counsil para ibigay ang folder na hawak ko. 

"Yan ang ibidensiya na mismong ang ama kong si Luis Salonga ang nagbibigay ng drugs sa kapatid ko dahilan ng pagkamatay nito. 

"Nakatapos ako pero hindi ko inasa ang lahat sa pera ng Lolo ko. Nag working student ako at don ko nakasama at nakilala si PO2 Arkie Delos Reyes na kasabayan ko sa University. Nalaman ko na hindi nag-aaral ang kapatid ko at nalulong siya sa drugs." 

Nilingon ko ang Lolo ko na nanlalaki ang mata. 

"Si Mr. Lorenzo Salonga ay isang drug dealer." 

Tumayo ako ulit at ibinigay ang blue book na nakuha ko kay Alice. Ingay ng kanya kanyang komento ang narinig ko hanggang sa pinatigil na sila at nagpatuloy ako. 

"Sa kaniya nagmumula ang mga drugs na ginagamit ni Papa. Hindi ko nakita, wala akong proweba pero naniniwala ako kay Alice--" 

Nakatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. 

"--na sinasaktan niya-- ni Luis Salonga ang Mama nito maging siya dahil maging ang Mama ko ay naranasan din yan sa kamay ni Papa. October 8, gaya ng sinabi ni PO2 Delos Reyes kanina, wala ako sa lugar kung saan naganap ang panghahalay sa kanya. 

"October 20, Saturday ng dumating sa hospital ang walang malay na si Alice, duguan at ako ang naging Physician niya. 

"Nang araw din yon nagpunta sa hospital ang Lolo ko, si Lorenzo Salonga para iutos sa akin na patayin si Alice at ang nanay niya. Wala akong magawa kung hindi ang sumunod dahil he blackmail me. Sinabi niya na si Mama ang mananagot ng lahat. 

"Against the law. Tinakas ko si Alice sa tulong ni Atty. Janet Constantino at PO2 Arkie Delos Reyes. 

"Pero lingid sa kaalaman ng lahat hindi para iligtas kung hindi para pag planuhan kung paano ko isasagawa ang pagpatay sa kanya. Pero hindi ako nagtagumpay dahil hindi ko siya kayang saktan. 

"November 12, umalis ako ng bahay na tinutuluyan namin at iniwan ko si Pia Salvador na sa kasamaang palad ay nabawian ng buhay na inaakusa sa akin, kasama si Alice pero pagbalik ko marami ng pulis. Nagtago ako pero kusa din akong sumuko. Wala akong kasalanan." 

Ilang sigaw ng sinungaling at kung ano ano pa ang narinig ko. Nakatingin ako kay Alice na nakatingin pa din sa akin. Nagsalita ako pero hindi para sabihin sa lahat kung hindi kay Alice lamang. 

"Wala akong kasalanan. Kung meron man akong naging kasalanan yon ay ang talikuran ang pamilya ko at piliin ang babaeng-- at piliin si Alice na iligtas at itakas. Ako si Dr. Simon Salonga hindi ako si Jed. Si Jed ang kakambal ko." sabi ko at napaupo na ako.

Hindi ko gustong talikuran ang pamilya ko, pero dapat nila kasama na din ako na panagutan ang lahat ng kasalanan sa batas. 

Narinig ko ang ingay at alam kong pinasok na ni Arkie si Jed sa loob ng court. Hindi ako nagsalita. 

Kanina kakasimula pa lang ng trial at kinausap ko na si Arkie. Sinabi ko na sa kanya ang lahat at tinuro ko na din si Jed kung saan siya maaaring matagpuan. 

Siguro nga hindi ako mapapatawad ng pamilya ko pero ito ay para sa ikakabuti ng lahat. Napatingin ako kay Jet at nagulat ako na nasa harapan ko siya. Bigla niya akong niyakap. She was crying on my shoulder pero hindi ko siya mayakap dahil may posas ang kamay ko. 

"Akala ko talagang tinalikuran mo kami. I'm sorry kung naghinala kami sayo." sabi niya hindi naman ako nagsalita nakatingin ako kay Alice at titig na titig siya kay Jed.

Identical twin kami ni Jed ang palatandaan lang sa amin may dimples siya ako wala. 

Kaya hindi ko magawang tingnan si Alice dahil gaya ni Jed pareho kami ng mata. Gaya ni Jed pareho kami ng mukha. Kung alam ko lang na mangyayari ito hinding-hindi ako papayag na kunin ni Papa ang kaptid ko sa amin. Sana hindi napariwara ang buhay niya. 

May ilang luha na ang nalaglag sa mukha ni Alice nasa likuran na niya ang kanyang pamilya. At ngayon ay dala na ng mga pulis ang aking Lolo, Papa at ang kapatid ko. 

Hindi ko alam kung ano pa ang ginagawa ko sa lugar na yon sana kinuha na lang din ako ng mga pulis ng lumapit sa akin si Arkie. 

Nakangiti siya sa akin at tinanggal ang posas na nasa kamay ko. Tinapik niya ako sa balikat ko.

Isang buwan ang lumipas. Tulala ako sa harapan ng mesa ko sa hospital. Kakatapos ko lang lumibot sa mga pasiyante ko. 

Hindi ko maiwasang maisip, kumusta na kaya si Alice? Malayo na siya sa akin, dati pupunta lang ako sa play ground para makita sila ni Papa pero ngayon hindi na. 

Masaya kaya siya sa bago niyang pamilya? Napatawad na kaya niya ako? Napangiti ako nalala ko siya. 

'Then you have to do something with the food here.' 'Pizza' napapangiti ako sa naaalala ko. Hindi siya pala ngiti pero madalas kong makita na pinagmamasdan niya ako. 

Huminga ako ng malalim at nasabi ko. "Kailang ko kaya siya makikita ulit?"

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon