Chapter 4

58 3 0
                                    

Chapter 4 

[Alice] 

Ilang oras pa ang dumaan at nagugutom na ako. I'm not looking forward for my dinner. Ngayon pa nga lang nawawalan na ako ng gana kahit pa gutom na ako. 

At may kumatok na nga sa pinto, sigurado akong ang magdadala na yan ng pagkain. 

I didn't bother to look at the person coming nakatalikod pa din ako sa pag higa at bumangon lang ako ay ng magsalita siya at ...

"May nagpapadala sayo nito. Kumain ka daw mabuti." 

Tiningnan ko yon at isang box ng Pizza. Nakangiting inabot sa akin yon ng matandang nagdadala ng pagkain ko. 

I didn't mean to, but I just can't help myself to feel the affection at napangiti ako. Napakabait niya sa akin. Napatingin ako sa matanda ng magsalita pa ulit siya. 

"Natutuwa ako na sa loob ng dalawang linggo nagagawa mo ng ngumiti." sabi pa nito at tumalikod na. 

Halos naubos ko naman ang isang box ng pizza nagutom talaga ako at nakatulog ako ng mahimbing. 

Maaga akong nagising at sinubukan kong magbanat-banat ng buto. Gumawa ako ng ilang exercises. 

Narinig ko na may kumatok pero hindi ko na yon nilingon alam kong si Doctor Simon yon. 

"Hi! How's you coming?" bati niya at hindi ko siya nilingon patuloy pa din ang stretching ko pero sinagot ko yon. 

"Fine." 

"Mind if I look?" 

Nasa likuran ko na siya at hinarap ko naman siya. Nakangiti siya at nakatitig lang ako ay sa mata niya. 

"Sure." sabi ko naman na hindi inaalis ang tingin sa kanya. 

Binanat niya ang mukha ko ng palad niya. 

"It's that hurt?" 

"No." 

Binuka niya ulit ang mata ko at tinutukan ng ilaw. 

"And the head?" 

"It's ok, going with it by bit." 

Bumalik na ako sa kama ko at naupo don. Naupo naman siya sa may paanan ng kama ko at nagsalita ulit. 

"Prosecutors are coming tomorrow morning to interrogate you.--" sabi niya at nakatingin lang siya sa akin. 

Siguro binabasa niya ang expression ng mukha ko. Nagsalita ulit siya. 

"I could try and delay it for a week but-- well, my colleague might wonder why." 

"No. It's ok let them come." agaw ko naman sa sinabi niya. 

Una, naa-appreciate ko ang ginagawa niya, isa pa kung hanggang maaari ayaw ko makipag usap sa kahit kanino. 

Pangalawa, nagpapa-salamat ako para don pero hanggang don lang ayaw ko magkaroon ng utang na loob. 

Ayaw kong tuluyang malunod sa mga tulong niya dahil baka magkamali ako. Hindi utang na loob ang pag-aalaga niya sa akin because in the first place, I'm in the hospital and it's his obligation to attend into my needs. 

Tiningnan ko siya ng magsalita ulit siya. 

"Are you sure? You don't seems too worried." 

"No." matipid ko pa din sabi. 

Tumayo naman siya para lumabas na. Hindi siya nakangiti sa pagkakataong ito at ng malapit na siya sa pinto. 

"Salamat sa pizza." sabi ko at ngumiti siya at lalabas na sana siya ng biglang may putok sa labas. 

Pareho kaming nagulat. Tumingin siya sa akin at sumilip sa labas at sinarado ulit yon. Ako naman ay automatikong bumaba ng kama ko. 

I had to clap my hand to my mouth to stop myself in screaming. Naramdaman ko kaagad ang panginginig ng katawan ko. 

Ni-lock niya ang pinto at ikinalang don ang mesang pinagka-kainan ko. 

"Pumasok ka ng C.R." mahina niyang sabi. 

May pagkabigla sa mukha niya pero nararamdaman ko na kalma lang siya. Sumunod naman ako dahil nabigla ako. Natatakot sa madaling salita. 

Ano yon? 

Sino yon? 

Ako ba ang pakay ng taong yon kung sino man siya? Papatayin din ba niya ako gaya ng pagpatay niya sa Mama ko. 

There's tears flowing down to my face and my two hands both covering my ears and I'm crying. I tried to calm myself pero hindi ko magawa. Rinig na rinig ko ang sariling kong hikbi. Para akong bata. 

Hindi ko kaya ito. 

Mommy tulungan mo ako. I sob loudly, natatakot ako. Hindi ko kayang mag-isa. 

I can picture a scene inside my head. My mum's hugging me kapag mga ganitong times na takot na takot ako but she wasn't here to protect me. 

Nakita kong pumasok si Doctor Simon sa loob ng C.R. at naghahanap ng lalabasan. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na may maliit na bintana sa loob ng C.R. na yon. 

Tinulungan niya akong tumayo na hanggang ngayon ay nanginginig pa din ang katawan ko. Umakyat muna siya para silipin marahil kung gaano kataas ang bintana na yon. 

Naisip ko na mataas ang lugar na tinitingnan ko ng makita ko ang mga tao sa labas ng bintana ko at ng tiningnan ko siya, hindi ko na kailangan pang itanong kung gaano kataas yon. 

Nakikitaan ko na siya ng panic pero nagagawa pa din niyang kumalma. Huminga siya ng malalim at sumilip sa labas ng banyo. Sinara yon at nilibot niya muli ang paningin sa loob ng banyo. 

Wala din naman akong makitang ibang pwedeng gawin panlaban sa loob ng C.R. na yon. Ang takot ko ay hindi pa din nawawala. 

Natatakot talaga ako at pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat sa sobrang kaba ko. Lumapit siya sa akin wala na siyang makitang paraan para ipagtanggol ang mga sarili namin kung sakaling makapasok ang masamang loob. 

Niyakap niya ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi rin yumakap sa kanya. Takot na takot ako at pakiramdam ko hindi ako masasaktan ng kahit sino hanggang yakap niya ako. 

Then we heard sirens out side the building and commotion outside the room. There's someone banging at the door outside calling Doctor Simon. 

Isa lang ang ibig sabihin nito, nahuli na ang nagpaputok. Maya maya pa dahan-dahan binuksan ng Doctor ang pinto at hindi pa niya ako pinalabas. 

Binalikan niya ako at tinulungan ako ng nurse at ni Doctor Simon mahiga sa kama ko. Nanginginig pa din ako sa takot. Binigyan ako ng pampakalma at ngayon ay nahihilo na ako. 

Malabo na ang paningin ko at parang inaantok ako. Pumikit ako pero naririnig ko pa ang sinasabi ng pulis kay Doctor Simon. Nakatakas ang nagpaputok ng baril. Yon ang malinaw sa narinig ko. Narinig ko ang apila ni Doctor Simon sa safety ng ibang pasiyente. 

Hindi ko na narinig ang iba pa dahil ang utak ko ay busy sa sariling pagiisip. Hindi pa din ako ligtas. Nagpunta ang killer na yon, bumalik para tapusin ako. 

Pero bakit hindi pa niya yon ginawa ng nasa kwarto ako ni Mama? At tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon