Chapter 28
[Alice]
Nanggaling na ako sa lugar na ito. Nakasakay ako sa isang jeep at may kasama akong isang babae siya ang Ate ko pero alam kong wala naman akong kapatid.
Masaya namin pinagmamasdan ang paligid. Nanggaling na talaga ako dito.
"Ate don ang daan alam ko nakarating na ako dito."
"Oo pero mabuting magtanong din tayo." sabi niya.
Nagtanong siya sa isang babae. Tama ako, don nga ang daan. Tumakbo na ako at sumunod si Ate sa akin tumatakbo din siya.
May mga nakasalubong akong mga tao at parang kilala ko sila. Maganda ang lugar na ito. Tumakbo pa ako alam ko malapit na yon. At narinig ko na may isang babaeng nagsasalita.
Nilingon ko ang Ate ko malinaw na ang mukha niya. Malinaw na ang mukha ni Janet.
Nilingon ko ang mga nakasalubong namin at nakita ko ang Lolo ko. Ang ama ni Tito Luis may kasama siyang binatilyo. Ang mata niya. Ang mata niya.
"Ate naririnig ko na si Mama. Si Mama yon, bilisan mo na." tumakbo pa ako ng mabilis.
"Ma! Mama!" sigaw ko at lumingon ako sa likuran ko wala na ang Ate ko... nasa hagdan na ako at tumatakbo pababa.
"Ma!" sigaw ko.
Nakita ko si Mama nahulog siya sa hagdan. Hindi ko sinasadyang maitulak siya. Hindi ko sinasadya.
There's blood at tinatawag niya ako. Pero ng makalapit ako sa kanya natakot siya sa akin. Naramdaman ko na may tao sa likod ko at pagharap ko hinawakan niya ako sa magkabila kong braso.
Ang matang yon. At nagdilim ang paningin ko. Masakit ang ulo ko. Nagising ako sa isang kwarto na madilim. May isang lalaking nakadagan sa akin. Pilit akong sumisigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Masakit ang ulo ko at hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin dahil hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko na may isang kamay ng gumagapang sa buong katawan ko.
Nakita ko na naman ang matang yon. Pinagmasdan kong mabuti ang kaharap ko. Maliwanag na ang paningin ko dahil sa sanay na ang mata ko sa dilim kahit medyo hilo pa rin ako.
Parang hindi ito ang unang beses na nangyari at nagulat ako ng makita ko.
Napabangon ako bigla. Nagising ako sa isang bangungut nauuhaw ako.
"Alice bakit ka sumisigaw?" sabi ni Pia na hawak niya ang cellphone at baril sa magkabilang kamay niya.
"Tubig." sabi ko at agad naman siyang lumabas para kumuha ng tubig. My nightmare flashes through my mind.
Ang lalaking yon ang gumahasa sa akin ang lalaking yon ay si Simon. Bakit?
Bilang pumasok si Pia sa pinto at tinulungan niya akong uminom.
"Bilisan mo Alice aalis na tayo dito. Tumawag si Janet magkita daw tayo sa Terminal ng Lucena."
Nagtataka ako sa sinabi ni Pia. "Paano si Simon."
Nakatingin ako sa kanya at may kakaiba sa kanya. Nagsalita ulit siya. Gusto kong makita si Simon marami pa akong gustong itanong sa kanya. Wala akong pakialam sa lahat ng sinabi niya ang importante ngayon ay malinawan ako.
"Hindi niya tayo pwedeng maabutan dito Alice. Narinig ko siyang may kausap kanina at narinig kong may tinatangka siyang patayin. Hindi ko yon pinansin dahil akala ko nabingi lang ako pero tumawag na si Janet hindi siya dapat pagkatiwalaan."
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...