Chapter 38

34 3 0
                                    

Chapter 38

[Alice] 

Naging masaya ang bawat araw ko sa hacienda. Unti unti ko na nakakasanayan ang sinasabi ni Chofie na kakaibang lagabog at ingay sa dalawang kwarto na nasa pagitan namin. 

Pinagpatuloy ko na din ang pag-aaral ko, pero nagpalit na ako ng course. I'm now taking criminology. Ayaw ni Daddy pero hindi niya ako napigilan. 

Sa bawat panahon na lumipas hindi nawala si Simon sa isip ko pero kahit minsan hindi ako nagtangkang hanapin siya. 

Madalas naman na nakakausp pa din ni Jet si Arkie pero hindi ako nagtangkang magtanong ng huling bisita niya sa bahay niya sa kabilang bakuran ng hacienda na minsan ay tumira ako. 

Taon ang lumipas. Pitong taon ang lumipas sa buhay ko at nasa N.B.I. na ako ngayon nagtatrabaho. 

Si Jet may isang magandang babaeng baby na. Si Ayesha at si Nico ang nakatuluyan niya. Si Arkie binata pa din hanggang ngayon. 

May kanya kanya na kaming buhay at minsan na lang din ako umuwe ng probinsiya.

"Sige sige saan naganap ang crime?" 

May kausap ako sa telepono at binaba ko din naman agad pagkasagot ng kausap ko. Agad kong hinagilap ang susi sa drawer at tumakbo na ako pababa ng building. 

Nakarating ako sa building at marami na ang naroon, marami na din mga tao ang kanya kanyang nakikiosyoso sa nangyari. 

Foul play ang sinasabi ng pamilya dahil ang isang lalaki ay tumalon sa ika labing dalawang palapag sa terrace ng kwartong tinutuluyan nito. 

"Anong ebidensiya ang nakuha ninyo?" tanong ko sa mga naiimbestiga.

Sinagot naman niya ako pero ang isip ko ay natawag ng pansin ng isang lalaking naka jacket ng itim. 

Sinubukan kong lumapit sa lalaki pero bigla itong nawala sa paningin ko. Lumingon pa ako at palayo na siya hinabol ko siya-- 

"Sandali lang--" 

Tumigil ang pagtibok ng puso ko, ang paghinga ko at dahan dahan humarap ang lalaki sa akin. Si Simon... Si Simon-- 

"Bakit Miss?" 

Tanong ng lalaki ang buong akala ko ay si Simon. 

Nang gabing yon hindi ako napalagay. Hindi nawala sa isip ko ang lalaking nakita ko ng sa tapat ng building na yon. Dahil ang building na yon ay ang building kung nasaan ang dating pad ni Jet.

Arkie dial...

"Hello Arkie." I said urgently. 

"Alice? Alice kaw ba yan?" 

"Er-- Arm-- Arkie ano itatanong ko lang sana kung-- Naisip ko lang kasi--" 

Hindi ko alam kung paano ko itatanong kay Arkie kung asan na si Simon ngayon. 

"Hindi na kami nagkakakita ni Simon Alice kung siya ang gusto mong itanong." sabi naman ni Arkie na mukhang napaobvious ang biglaang pagtawag ko sa kanya. 

"Ah, ganon ba--" 

"Oo. Pero kung gusto mo makibalita ang huling pagkakaalam ko a year ago ng huli ko siya nakita isa na din siya tulad natin. Alam ko tumigil na siya sa pag do-doctor--" 

"Pulis na si Simon?" nabigla kong tanong. 

"Oo. Yon ang alam ko. Malaki ang pinagbago niya Alice hindi na siya ang Simon na kilala ko. Sabagay pitong taon na din mula non diba?" 

"Ahm, Arkie pakiforward naman sa akin ang ilang impormation na alam mo tungkol sa kanya." 

"Sige. Papadala ko sayong office bukas." 

We hang up pero nananatili pa din ang cellphone ko sa tenga ko. 'Malaki ang pinagbago niya Alice hindi na siya ang Simon na kilala ko.' 

Anong pagbabago ang sinasabi ni Arkie? 

Ang buong magdamag na yon ay napakatagal para sa akin. Hindi ako makatulog kahit na nakahiga ako buong magdamag. 

Nang madaling araw na saka ko lang naisipan na bumangon at magbihis. Magjo-jogging na lang ako. 

Medyo malakas ang hangin dito sa labas. Malapit lang ako sa park kaya mula sa apartment na tinitirahan ko nagsimula akong tumakbo. 

Ilang sasakyan lang ang dumaraan sa loob ng subdivision dahil maaga pa. Isang tunog ng motorsiklo ang sumira sa katahimikan ng paligid. 

Nilingon ko ang nakasakay doon na siya ring ginawa ng lalaking may dala ng big bike. Ang matang yon. Hinding hindi ko makakalimutan ang matang yon. Nagslow motion ang bawat galaw ko at ang buong paligid. 

Tumigil din ako pero ang motor ay hindi. The hairs stand up on the back of my neck. Pakiramdam ko hindi si Simon ang nakita ko kung hindi si Jed. 

The way that man looked at me was just like the way of the very eyes I could remember looking at me ng gabing namatay ang Mama ko. 

"Good Morning Ms. Constantino!" 

Napalingon ako sa babaeng bumati sa akin. Gaya ko nagjo-jogging din siya at isa siyang kapit bahay. 

I gave her a force smile at nagjogging ako pabalik ng bahay. Uuwi na lang ako. 

Hindi ba ako nag ha-hallucinate lang sa mga nakikita ko? Hindi kaya nakalaya na si Jed? Pero hindi kung sakali naman mababalitaan ko yon ang habang buhay ang sistensiya sa kanya. 

Habang daan ay unti unti ko iniisip kung ano ba ang mga nangyayari at sa pagliko ko sa huling kanto pabalik ng apartment ko ay napatigil ako. 

Naka park ang big bike sa tapat ng isang bahay sa loob ng subdivsion na yon.

The Murderer (Alice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon