Chapter 8
[Alice]
Humarap naman ako sa bahay at nakita ko na may isang tao sa loob ng bahay na yon. Lumingon ako sa doctor.
"Ancestral house ba to?"
Lumingon naman siya sa akin at nasa likod na niya ang isang traveling bag niya.
"Oo. Walang pumupunta dito kung hindi ako lang--"
Tumingin ulit ako sa bahay at dumiretso papalapit sa bahay. Nakatingin pa din ako sa bahay at naisip ko itanong.
"Lalaki ba ang care taker niyo?" tanong ko at non lang ulit ako humarap sa kanya.
Nakatingin siya sa akin na may pagtatanong.
"Nakita ko kasi may tao sa loob parang lalaki eh."
Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako palayo.
"Bumalik ka sa sasakyan."
Nagtataka man ako agad akong bumalik sa sasakyan pero pagbukas ko ng pinto naka lock yon.
Nagulat ako sa isang putok ng baril. Agad nanginig ang katawan ko sa takot at tinakip ko ang kamay ko pananggalang.
Nakita ko si Simon at may dugo siya sa braso niya. Hinagis niya sa akin ang susi ng sasakyan. Kinuha ko yon at isang putok ulit.
Tumakbo ako sa kabila ng sasakyan hindi ko alam kung anong nangyayari kay Simon pero nabuksan ko na ang pinto.
Pumasok ako don at binuksan ang kabila pang pinto. Agad sumakay si Simon--
"Patakbuhin mo na." sigaw niya.
Taranta ako tumingin lang ako sa kanya.
"Patakbuhin mo na!" ulit niya.
Isang putok ulit pareho kaming napayuko. Agad ko naman ni-start ang engine ng sasakyan. Nagpaputok din si Simon at pinatakbo ko na ang sasakyan.
Sa bawat putok sa amin napapa yuko kami ni Simon.
"Ok ka lang?"
Tanong ko sa kanya na hindi siya nililingon. Naramdaman kong may kinukuha siya sa bag niya hindi ko magawang tingnan siya dahil pangalawang pagkakataon ko pa lang mag drive. Hindi pa ako sanay.
Panay ang mahinang ungol ni Simon sa sakit ng sugat niya. Nilingon ko siya pero sandali lang. Nakita kong tinatalian niya ng panyo ang sugat niya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko ulit.
"Ok lang ako ang pagda-drive ang asikasuhin mo bilisan mo pa." he said urgently.
Hindi ko maintindihan pero nagawa ko pa din makipagtalo sa kanya.
"Bilisan? Gusto mo bang maaksidente tayo?"
Sa tono ng pananalita ni Simon alam ko ang hitsura niya ay hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
"Aksidente? Naririnig mo ba ang sarili mo Alice? Alam mo bang sinusundan tayo ng mga nagpaputok kanina?"
Sa sinabi niya tumingin ako sa salamin at may isang nga na sasakyan ang mabilis na nakasunod sa amin. Nagsalita pa ulit si Simon.
"Bilisan mo Alice, wag kang matakot mamatay, dahil kapag naabutan tayo ng mga yan papatayin din tayo."
Hindi na ako nagsalita at tinuon ko ang isip ko sa pagda-drive. Nasa isip ko hindi ang ginagawa ko kung hindi sa sumusunod sa amin.
Wala manlang bang track na biglang daraan para mawala sa hulihan namin ang nakasunod namin? Gaya ng mga napapanood ko sa movies? Yon ang nasa isip ko, pero siyempre wala.
Wala ako sa isang taping at totoong buhay ko ang nakasalalay dito. Nakatuon ang isip ko sa pagdadrive ng biglang magsalita si Simon.
"May malapit na police station dito, dumiretso ka don." sabi niya.
Hindi ako nagsalita at sinunod ko siya pero may tanong sa isip ko.
Isinusuko na ba niya ako dahil napunta na sa bingit ng kamatayan ang buhay niya? Ang bilis naman niyang sumuko. Hindi yon ang inaasahan ko. Hindi ko sinasadya but I let out an audible sob at alam kong nilingon niya ako.
Hindi ko alam kung tama ang narinig ko na paghinga niya ng malalim. Gusto kong umiyak. Ayaw ko makulong.
Mama kasi bakit ganito ang nangyayari sa akin?
My shoulder was shaking at hindi ko na napigilan ang luha ko. Umiyak na ako. Makalipas ang dalawang minuto malapit na kami sa police station. Mabilis pa din ang takbo ko at nagpark ako sa harap ng building na yon.
Bigla pa yon kaya halos masubsob kami ni Simon sa harapan. Nakita ko ang sasakyang sumusunod sa amin na nilagpasan lang kami. Hindi agad bumaba si Simon siguro ay hinihintay niyang mawala ang sasakyan at aalis na din kami.
Tama.
Yon nga siguro ang plano niya ang mawala sa likuran namin ang sasakyan. Isa, dalawa. Lumipas ang limang minuto at tumingin sa akin si Simon. Nakatingin din ako sa kanya.
Puno ng luha ang mukha ko at puno ng sama ng loob pero may bahagi sa puso ko ang pag asa na tama ang huli kong naisip.
Inaamin ko na hindi ko maiwasan magtiwala kay Simon at sa totoo lang hindi lang tiwala dahil alam ko sa sarili ko na inaasa ko na sa kanya ang lahat ng ito. Ano ba naman ako eh wala naman akong magagawa.
I sniff and I heard his deep breath, maya maya ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas.
Nalaglag lahat ng pagasa ko. Naninikip ang dibdib ko sa sama ng loob at masagana ulit naglaglagan ang luha sa mata ko. Bata pa ako at gusto kong magtampo pero walang lugar yon ngayon.
I wipe my tears that never stop flowing into my face and sniff. Kinatok ni Simon ang bintana ng driver side. Tumingin ako sa paligid at maaraming tao sa labas.
Ano kaya kung tumakbo na lang ako palayo? Pero paano kung naghihintay pa din ang sasakyan na yon? Paano kung matagpuan nila ako at mamatay?
'wag kang matakot mamatay, dahil kapag naabutan tayo ng mga yan papatayin din tayo.'
Tama naman, siguro hindi naman lahat ng pulis masama. Kung sumusuko na talaga si Simon, I have no choice but too accept it. Tama ng isang beses akong umasa. Buong buhay ko hindi pa ako nagmahal pero pakiramdam ko ganon ang nangyari sa akin.
Umasa akong mahal ako pero hindi pala. Just like he broke my heart in just a blink of my eyes.
I sob at tumingin ako kay Simon. Bakit ganon bakit ang sakit sakit. Ayaw ko lang naman makulong ah. May cellphone ako. Pwede naman akong humingi ng tulong kay Atty. Constantino so bakit kailangan ng ganitong pakiramdam?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka tingin kay Simon sa labas. Nawala ang isip ko sa muling pagkatok niya sa bintana at binuksan ko ang pinto.
I step out at tumingin ako sa kanya. I wipe my tears at nagsalita siya.
"Bilisan mo na bago pa may makakita sa atin dito."
Sumakay na siya. Anong ibig niyang sabihin? Gusto niya akong sumuko akong magisa? Hindi ba niya ako ihahatid manlang sa loob?
Binaba niya ang salamin ng pinto ng sasakyan.
"Tatayo ka na lang ba diyan? Oh ipagbubukas pa kita ng pinto?"
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...