Chapter 45
[Alice]
Hindi ko kinaya ang balitang sinabi ng head namin ngayong umaga. Namatay ang girlfriend ni Simon at yon ay dahil sa akin. Nakatulala na lang ako sa harap ng mesa ko ng marinig ko ang sinabi ni chief na pupunta kami sa kasal ni Simon.
Nilingon ko siya. Kasal? Anong kasal? At ng sumama ako non ko lang nalaman na papakasalan ni Simon si Ivy kahit wala na ito.
Masakit. Sa parteng ganon kamahal ni Simon si Ivy, sa parteng alam ko na between me and Ivy siya ang pipiliin ni Simon kahit siguro sabihin ko kay Simon ang kalagayan ko ngayon ay pipiliin pa din niya si Ivy.
Hindi ko nagawang pumasok sa loob kung saan nakaburol si Ivy, hindi ako nagpakita kay Simon and I could see how he was in pain.
Makasarili ako pero non iniwan ko ba siya ganyan din siya nasaktan? Nasa likod ako ng pinto at lihim akong umiiyak habang kinakasal si Simon at panay ang punas niya ng luha.
Tumawag sa akin si Allen at tinatanong niya kung asan ako pero sinabi ko na biglang sumama ang pakiramdam ko.
Halos maghapon akong nagkulong sa kwarto ko at umiyak ng umiyak. Kung mayron man akong gustong gawin at makita at makausap walang iba yon kung hindi si Simon ng biglang mag ring ang phone sa tabi ko.
"Alice--"
Boses yon ni Jet at hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak. Hindi ko manlang pinigilan ang sarili kong itago ang tunay kong nararamdaman.
"Alice what's wrong?"
"Jet--" I sob and I can't even talk.
"Si Simon Jet,"
"Yeah, That's why I called kakagaling lang nila Chofie dito at nabanggit nila na nakita mo si Simon month ago."
Umiiyak ako pero patuloy sa pagsasalita si Jet.
"Alice, maybe it's time for you to let go, kung ikakasal na siya--"
Umiling ako na para bang kaharap ko ang kausap ko.
"Jet naaksidente ang girlfriend niya at wala na siya--"
I heard Jet gasp pero nagpatuloy ako.
"--and Simon get married yesterday."
"What? To whom? I thought his girlfriend--"
I can control my sob at hindi ko din mapigilan ang pag iyak ng pag iyak.
"--pinakasalan ni Simon ang girlfriend niya kahit wala na siya."
There kahit si Jet ay walang masabi para i-console ako. Alam kong maganda ang ginawa ni Simon pero sa parte ko masakit yon dahil wala akong ibang lalaking minahal kung hindi si Simon lang.
In spite of the pain I'm dealing with pumasok pa din ako ng mga sumunod na araw. Wala na akong narinig pa ulit kay Simon pagkatapos ng libing ni Ivy.
Kung halos araw araw niya itong dalawin hindi ko alam at hindi ko na gustong malaman pa.
Nang araw na yon ay may raid kami ng gabi. Alam ko na unang una sa rule na isantabi ang pansariling problema sa trabaho at pilit kong ginagawa yon.
Kaming tatlo ng kasama ko ay pumasok sa isang bar at sabay umorder ng inumin ang kasama ko.
Panay naman ang linga ko sa paligid nakita ko ang isa sa mga kasamahan ko na nasa kabilang mesa at napansin ko ang isang lalaki.
There were flash backs inside of my head.
'Ancestral house ba to?'
Lumingon sa akin si Simon na nasa likuran ko at nasa likod na niya ang isang traveling bag niya.
'Oo. Walang pumupunta dito kung hindi ako lang--'
Tumingin ulit ako sa bahay at dumiretso papalapit sa bahay. Nakatingin pa din ako sa bahay at naisip ko itanong.
'Lalaki ba ang care taker niyo?'
Tanong ko at non lang ulit ako humarap sa kanya. Nakatingin siya sa akin na may pagtatanong.
'Nakita ko kasi may tao sa loob parang lalaki eh.'
Nakita ko sa mukha niya ang pagtataka. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ako palayo.
Ang lalaking yon ang napagkamalan kong care taker. Tumayo ako at narinig ko ang tawag ng kasama ko.
"Saan ka pupunta?"
Pero hindi ko siya pinansin. Nakita ko ang lalaking tumayo na at nahagilap ng mata ko ang lalaking kausap niya ay walang iba kung hindi si Simon.
Hinabol ko ang lalaki pero wala na siya. Pati si Simon. Lumabas ako ng bar at kasunod ko lang ang mga kasama ko pero wala na akong nakita ng marinig ko ang isang putok sa loob.
Agad kaming pumasok ng kasama ko at nakita kong may tama na ang isa pa naming kasama.
Nahuli namin ang target namin ng gabing yon at matuling lumipas pa ang mga panahon. Hindi ko maiwasan na marinig sa mga kasama ko na napapag usapan nila si Simon at sa pagkakarinig ko napapariwara ang buhay niya.
Ilang bese kong sinubukan pumunta sa bahay niya pero madalas walang tao doon. Hanggang sa isang gabi may tumawag sa amin na may gulong nagaganap sa isang lugar.
Agad akong tumakbo pababa ng building at kasunod ko naman ang dalawa kong kasama.
"Alice ako na."
Nilingon ko ang isa kong kasama at inihagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan. Agad niya yon pinaandar at ang isa naman sa kasama ko ay panay ang radyo.
"Pasaway talaga ang mga yan kung kailan gabi don magrarambolan." sabi ng isa kong kasama sa likuran ko.
Nagtawanan sila pero tahimik lang ako. Nakarating kami sa isang eskuwater na malapit sa may riles ng tren. Alam ko ang lugar na ito.
Noon minsan na hinatid ako ni Tito Luis sa school noon bata pa ako dumaan siya dito at pagbalik niya may nakita akong batang babae na umiiyak na kasunod niya.
Napansin ko naman na nagtatakbuhan na ang mga lalaking nakikipagbugbugan sa isang lalaki. Bababa na sana ako ng itigil ng kasama ko ang sasakyan pero napatingin kami lahat ay sa lalaking sugatan at hirap tumayo sa harapan ng sasakyan namin.
"Salonga?"
Narinig kong bulong ng isa kong kasama pero agad silang bumaba para tulungan si Simon. Bumaba din ako pero pagkababa ko biglang nagdalawang isip ang utak ko.
Nakita kong tinabig ni Simon ang mga kamay ng mga kasama ko at natumba siya.
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...