Chapter 40
[Simon]
"Ivy, nakita mo ba yon pantalon ko don sa cabinet?" sigaw ko mula sa kwarto.
Sumilip naman siya sa may pinto at may dala pa siyang fresh laundry na mga gamit ko.
Madalas pumunta si Ivy dito para asikasuhin ako. Ang totoo, mahal ko si Ivy, siya ang kasama ko ng mga panahong hirap na hirap akong bumangon sa pagkakadapa ko.
Kahit kailan walang binigay na sakit si Ivy sa akin. Day off ko ngayon at ihahatid ko siya sa opisina niya.
"Pinalansta ko kasi tingnan mo sa mga naka hanger." sabi niya na nakangiting pumasok.
Binuksan ko ang cabinet at nakahanger ang pants ko. Kinuha ko yon at lumapit naman si Ivy para ilagay ang mga dala niya.
Bago naman ako pumasok ng banyo niyakap ko siya at hinalikan.
"Thanks."
Ngumiti lang siya sa akin. Pumasok na ako sa C.R.. Pagkatapos ay kinuha ko ang susi sa drawer ko. Lumabas ako ng sala at nakita kong chine-check ni Ivy ang mga plugs.
Humarap siya sa akin. "Tara na?"
Inakbayan ko siya at lumabas na kami. Madalas siya ang una kong pinapasakay. Inaayos ko pa ang helmet niya bago ako. Nakayakap siya sa bewang ko.
"Mukhang ikaw na naman ang una ah."
Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinulungan ko siyang bumaba ng motor. Sinamahan ko siya hanggang loob.
"Hindi naman baka nandiyan na ang mga kasama ko."
Pagka akyat namin sa third floor nasa bandang gitna ang mesa niya. Kokonti pa ang mga tao sa loob ng opisina sa bagay maaga pa naman.
Naupo ako sa isang bangko na nasa harap ng mesa niya. Si Ivy naman ay nag ayos ng mga gamit niya.
"May meeting kaba mamaya?"
"Wala naman bakit?" nakangunot niyang tanong.
Sa totoo lang kahit minsan hindi ko inayang lumabas or mag dinner si Ivy pero kahit minsan hindi ko narinig na nag demand siya.
"Sunduin kita mamaya huh?"
Tumaas ang kilay niya. Sumimangot. Napangiti naman ako, tumayo siya at lumapit sa akin. Nakasimangot pa din siya.
"May ginawa kabang kasalanan Simon?"
Napatawa ako ng malakas at hinawakan ko ang kamay niya.
"Kailan ba ako gumawa ng kasalanan."
"Yon na nga eh kahit minsan hindi pa kita nahuling may ginawang kasalanan. Pero alam ko naman na hindi mo yon gagawin diba?"
Ngumiti ako sa kanya, may kumudlit na guilty feelings sa puso ko. Masasaktan ko si Ivy kapag nalaman niya na kasama ko sa trabaho si Alice.
Kilala niya si Alice dahil sinabi ko sa kanya ang lahat. Bumalik na siya sa upuan niya. Tumayo naman ako at hinawakan ko ang kamay niya.
Napahinga ako ng malalim bago ako ngumiti.
"Basta susunduin kita mamaya."
Hinawakan ko ang baba niya at tumalikod na ako. Dumiretso ako sa grocery store. Magluluto ako.
"Ano ba kasi yan." tanong ni Ivy.
I put a blind fold into her eyes.
"Basta-- oh, dahan dahan ka diyan." sabi ko habang inaalalayan ko siyang maupo sa upuan.
Nagset ako ng simpleng candle light dinner para sa kanya. Matagal ko na itong pinaghandaan at pinagisipan.
Tinanggal ko ang blind fold sa mata ni Ivy. Nakita ko naman na may luha ng dumudungaw sa mata niya.
"Simon--"
Lumuhod ako sa harap niya hinawakan ko ang kamay niya.
"Ivy, alam ko, hindi ako naging mabuting boyfriend sayo, kahit minsan hindi ako nageffort sa relasyon natin--"
Pinahid niya ang luha niya at nakangiting umiling. Nagpatuloy ako.
"Pero kahit minsan wala akong narinig sayo. Sa buong isang taon na magkasama tayo minahal mo ako unconditionally. Inalagaan, Ivy alam ko kahit minsan hindi ako nag-a-I love you sayo at kahit ngayon hindi ko yan sasabihin sayo."
Narinig ko ang mahina niyang tawa at pinahid niya ulit ang luha niya and she sniff.
"Ivy, Mahal kita--"
Tumawa na siya ng malakas. "Akala ko ba hindi ka mag a-I love you?"
"Sabi ko mahal kita." Nakangiti kong sabi at dumukot ako sa bulsa ng jacket ko.
Ivy cover her mouth and I heard her audible sob. "Simon." she muttered.
She bit her lip at yumakap siya sa akin. She Cried. Napapangiti ako. Maya maya nilayo ko siya.
"Pwede na ba?"
She not and giggle silently and sniff again.
"Will you marry me?"
She nod carelessly at inabot niya sa akin ang kamay niya. Umiyak pa siya ng umiyak at pagkasuot ko non tumayo ako at tumayo din siya.
Niyakap niya ako.
"I'm sorry if it takes too long--"
"No-- I love you."
"Mahal na mahal din kita Ivy."
Pagkatapos non ay kumain na kami. We spent the whole night together. Lumipas pa ang mga araw at inaayos na namin ni Ivy ang lahat.
Lumaki sa ampunan si Ivy kaya wla kaming magulang na dapat puntahan para mamanhikan.
Kitang kita ko ang saya ni Ivy, kahit ako sa wakas bubuo na ako ng isang pamiya, pamilya na kahit kailan ay hinding hindi ko papabayaan.
Hindi na ako si Dr. Simon Salonga, wala na akong maalala sa nakaraan ko. Nasa isang botique shop kami ni Ivy at nagsusukat siya ng wedding gown niya.
Panay ang tingin ko sa relo ko. Medyo matagal din pala yon, ang pagsusukat. Napalingon ako sa isang babaeng nagsasalita sa may pinto ng entrance.
"Hindi bagay sa akin ang ganyan."
Kilala ko ang babaeng yon.
"Jorge ito, ang ganda niya diba?"
Nilingon ko pa ulit ang isang babaeng nagsalita. Dala niya ang isang papel na may naka drawing na gown. Lumapit naman sa kanila ang staff ng botique.
"Ma'am pasensiya na po kaya lang may ari na po ng design na yan."
"Ay ganon? Sayang naman. Gusto ko yan kapag kinasal ako." sabi pa ng babae.
Para naman akong na petrified dahil baka humarap ang mga babae sa gawi ko ng bigla akong tinawag ni Ivy.
"Simon."
I'm aware that all the ladies in the front desk were all looking at me, and I heard the two of them said.
"Ohhhh..." The other one add. "It's so beautiful."
Ang ganda ganda ni Ivy sa suot niya. Wala pa siyang ayos pero ang ganda ganda na niya. Umikot ikot siya sa harap ko.
"Bagay ba?"
"You're stunning beauty."
"Thanks."
Napalingon kami sa likuran ko ng isang babae ulit ang tumawag sa pangalan ko.
"Simon?"
BINABASA MO ANG
The Murderer (Alice)
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Alice wala siyang ibang ninais kung hindi ang kumawala sa poder ng malupit niyang step-father pero huli na ang lahat dahil wala na ang Mama niya. Isang pag-asa ang nakikita niya sa katauhan ng mabait na doctor na si Dr. Simon pero dap...