CHAPTER 7
Lian's POV
Nakakairita talaga si Vetina..kaklase ko pa nga siya eh!Nakakainis talaga..ikinalat na nila sa media yung tungkol sa wedding namin..si Tennesse naman...hindi ko na tinetextan..tsaka hindi ko na rin siya nakikita sa school..Lumuwas na ata siya papuntang Paris..Makikicompete na siya..sana manalo siya..para naman hindi siya malungkot..wala na kasi ako ngayon sa tabi niya para pasayahin siya..
Pagkatapos ng rehearsal..diretso kami ni Vetina sa bahay,at pagdating sa bahay,diretso kwarto naman ako....andun na si mama Camilla..Si Mama Camilla,ibang iba kay Vetina..mabait,tahimik at mahinhin..samantalang si Vetina..ang kulit-kulit,Isip bata..at higit sa lahat..ang daldal niya!
Hindi ko alam kung magtatagal kami..pero susubukan kong makisama kahit papaano..kailangan kong maging mabait hanggat hindi pa kami kasal!Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magugustuhan ko siya..napaka opposite niya sa ideal girl ko..yung parang si Tennesse..ganun ang gusto ko..yung tahimik lang..para ako lang nakakapagpaingay sa kanya, isa pa,si Tennesse..matangkad..si Vetina..hanggang dibdib ko lang..6 footer kasi ako..hindi naman gaanong katangkaran..kaso..maliit talaga si Vetina..maganda rin siya..pero si Tennesse..mas gusto ko yung pagkaganda niya..si Vetina..unique masyado yung itsura..si Tennesse..natural na Pilipina lang..
Bigla na lang may kumatok sa pinto ng kwarto ko..binuksan ko...
"Young master..kakain na po.."..Pshh ano na naman bang kabaliwan ang ginagawa ng babaeng 'to??
"Ano na naman bang kabaliwan yan?"..sabi ko..medyo pabulyaw..
"Bakit? Di ba yun naman ang tawag nila sayo?..YOUNG MASTER??..hahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!!"..
^0^,->Itsura niya yan..mukhang ewan!!
"Umalis ka na nga!! Susunod na lang ako sayo..bilis alis na!!"..Sabi ko habang pilit ko siyang inilalabas sa pinto!
"Sandali naman..may itatanong lang ako!"..Sabi niya..mukhang seryoso siya..ano kayang itatanong nito..?
"Ano ba yun?"..Sagot kong napakaayos!
"Paano na kapag matanda ka na? OLD MASTER NA BA ITATAWAG NAMIN SA'YO???? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"..HHHHAYYYY!!! (_ _")->Ako yan..napayuko kasi ako sa sobrang lakas ng tawa niya!!!
"Lumabas ka na nga sabi eh!! Huwag mo nga 'kong kausapin!!!Alis na!!"..Sabi ko tapos inilabas ko na siya at isinara yung pinto!!
"Sige na Frog prince..bilisan mo na diyan..masamang pinaghihintay ang pagkain.."..Sabi niya..psh! Nasa harap pa rin siya ng kwarto ko..narinig ko na yung footsteps niya palayo ng kwarto ko..Baliw na babaeng yun..
Kanina "Young Master"..Biglang naging "Old Master..tapos sa huli.."Frog Prince" pa rin ang binagsakan..lalong pumanget!!
Lumabas na 'ko ng kwarto..
"BOOOMMMMM!!!"..Sabi niya ng pagulat!!! Bigla akong napaatras sa kaba!! Nagulat ako dun!!Baliw talaga ang babaeng 'to!!
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!!Grabe--hahahahahahahahahahahahaha!!"..^0^,->Itsura niya yan!!
"Ano ka ba??!!BA'T KA BA NANGGUGULAT???"..Pabulyaw yung pagkasabi ko..
"Gulat ka no??? Lumakas ba ang tibok ng puso mo?? Paano ang tunog??? Rubdub!Rubdub!Rubdub!Rubdub!Rubdub!Rubdub!Rubdub!!!Ishare mo naman oh? Ikwento mo na??!!"
"Sa uulitin huwag mo ng gagawin yan!!Hindi ka nakakatuwa!!"..Sabi ko sa kanya..nakakainit na talaga siya ng ulo!!
"Ang sungit mo..palagi ka na lang nakasimangot...siguro hindi ka nila tinuruang ngumiti..at tinuro lang nila sa'yo..ang pagiging KillJoy!!Nakakainis..sayang yung effort kong patawanin ka!!Diyan ka na nga!Mr.Sungit!!"..Sabi niya..then lumakad na siya palayo sa'kin..Padabog pa yung lakad niya,..Sabi niya..sinubukan niya 'kong patawanin..? Baka naman sinubukan niya 'kong takutin?? Ang laki talaga ng sira niya sa tuktok..nakakaasar!!Paano ba nila natitiis na ipakasal ako sa kanya? Hindi na sila naawa!!
Pumunta na 'ko sa dining room..nandoon na silang lahat..Psh! Yung bakanteng upuan..nasa tabi niya..lagi na lang kaming magkatabi!Nakakasawa na ang pagmumukha niya!!
"Oh? Lian..apo ko..halika na.."..Sabi ni Lola..umupo na 'ko..para wala na silang masabi..
Nagsimula na kaming kumain..Grabe..ang takaw ni Vetina..kaya naman pala..napaka energetic niya..
"Vetina..kailan ka kaya matututong magdiet?"..Sabi ni Mama Camilla..kita niya nga? Pati nanay niya..di niya sinusunod!
"Hinay-hinay lang!..Baka hindi na magkasya sa'yo ang wedding gown sa araw ng kasal natin.."..Bigla silang napahinto lahat sa pagkain at napatingin sa'ming dalawa..sabay ngiti ng elders!
Nagkatinginan kami ni Vetina..nagsesenyasan pa kami kung sinong unang magsasalita..
"A-ah..mas okay naman na yun no? At least Fitted..kesa naman sa'yo..sigurado akong ang luwang-luwang nun..ang payat mo kasi..magmumukha kang walking scare crow..!!"..Sabi niya..biglang tumawa yung elders..
"Nakakatuwang pakinggan ang pag-uusap nilang dalawa..napakalamig nila sa isa't isa..pero talagang nakakakilig hindi ba Eva?"..Sabi ni Lola kay Mommy habang nakangiti siya!..[Evangeline Eun=whole name ni Mommy yan]
"Opo Mama'..naalala ko tuloy sa kanila ang kabataan namin ni Theo.."..Sabay tingin naman ni Mommy kay Daddy..[Matheo Eun=whole name ni Daddy]
"Mali ka honey..sweet tayo noon sa isa't isa,.."..Sabi naman ni daddy..
"Ah..ganun po ba?..Mga bata pa po kasi kami..kaya..wala pa sa isip namin yang mga lambingan na yan..tsaka..NBSB po ako.."..Napakunot lahat yung noo nila sa sinabi ni Vetina..
"Eva..ano ba yung NBSB?"..Sabi ni Lola kay Mommy..curious na curious si lola..tungkol sa acronym na yun..
"Ang ibig sabihin po nun eh..No Boyfriend Since Birth.."..Sabi ni Vetina..sabay tawa nilang lahat..So?Wala pa pala siyang naging bf kahit minsan? Tapos..ikakasal na siya kaagad? Ang saklap naman..
"Bakit po? Ano pong nakakatawa?"..Sabi niya..nagtataka talaga yung itsura niya..
"Hija...napakabait mo talaga..napakaswerte sa'yo ng apo ko.."..Sabi ni lola..tsktsk!! Anong swerte?? Kung alam niyo lang kung gaano kalakas ang sira niya sa tuktok..she's really Crazy!
"Malas ko nga lang po sa kanya!"..Sabi niya..sabay tingin nilang lahat sa kanya..
"Pst! Vetina?..huwag mo ngang sabihin yan!"..Bawal ni Mama Camilla sa kanya..
"Hija?,,paano mo nasabing Malas ka sa apo ko?"..Sabi ni Lola..
"Kasi po..ahm..ang sungit niya po kasi..tsaka killjoy! At isa pa..napakaseryoso niya lang..kahit mga nakakatawang bagay..sinisimangutan niya..Naisip ko nga na baka ipinaglihi niyo po siya noon sa carabao mango.."..Ano? Ba't carabao mango?
"Bakit mo naman naisip ang bagay na yun hija?"..Sabi ni mommy..
"Eh kasi po..ang asim ng ugali.."..Sabi niya..aba!! Magsumbong ba sa harap ko?
"Hoy! Ikaw kayang may masamang ugali..!"..Bigla na lang siyang ngumiti!
"Kita niyo po? Inaaway niya na naman ako!"..Tumingin ako sa kanya..at nagwalk out..
"Hijo..Lian..bumalik ka dito.."..Sabi ni mommy..Diretso ako sa terris..gusto ko munang magpahangin! Punung-puno na talaga ako sa babaeng yun!!!Nakakabwiset siya!!
Kung nandito ka lang sana Tennesse..magiging madali sana ang lahat kung tayo pa...hindi sana ako ang kinukulit nilang magpakasal..si Sairen sana ang ikakasal kay Vetina..Kung sinabi mo lang na mahal mo ako..edi sana ipinaglaban kita..Sana kasama mo ako ngayon sa Paris..Pinapanood na sana kita ngayon sa stage..
Kung alam ko lang na mauuwi tayo sa ganito..sana hindi na ko nagshowbiz! Tennesse..naiisip mo rin kaya ako ngayon? Nagsisisi ka ba dahil iniwan mo 'ko?..Sana..kaya kong ibalik ang dati..Mahal na mahal pa rin kita Tennesse..please..bumalik ka na bago ang kasal ko..at sabihin mong mahal mo pa rin ako..promise..igigive up ko ang lahat para lang makasama ka..
BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomanceIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...