CHAPTER 33
Vasha's POV
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko..tsss..nakatulog pala ako..pero teka? Ba't ako nandito sa kwarto? Ang alam ko nakikipagtalo pa 'ko kay Sairen..then binasahan niya ako ng Story..tapos..wala na 'kong maalala.
"Hoy..tumayo ka na diyan at magbihis ka na..."..Napalingon ako sa left side ng kama..pssshhh..si Lian..nagbabasa ng libro.
"Lian..hindi ka na ba galit?"..Hehe..sana hindi na..kinikibo naman niya na ako eh..hindi na siguro siya galit.
"Malelate na tayo sa gig.."..Sabi niya then tumayo na siya..ang sungit..balik na naman kami sa dati..
Habang nasa sasakyan kami..tahimik lang kami pareho..hindi na naman siya namamansin..ISSS ba't kasi nasabi ko yun..Alam ko na nga kasing nagseselos siya kay Sairen eh..
"Huy Lian..sorry na..hindi ko naman sinasadya yung nangyari kanina..alam kasi---"
"Hindi sinasadya?? Tsk! Ibang klase ka naman pala talaga..so sinasabi mo sa'kin ngayon na hindi mo sinasadyang mahurt ako at hindi mo sinasadyang pahiyain ako sa harap ng kapatid ko??"
"Hindi naman talaga Lian...ano--"
"Huwag mo na lang ituloy please..paiinitin mo lang ang ulo ko eh!"..okay..tumingin na lang ako ulit sa view..Hay..kasalanan ko naman talaga..
Hindi na kami nagkibuan..pagdating namin sa Arena..diretso siya sa dressing room..sumunod naman ako kaagad..Pupunta pa kaya si Sairen? Sana naman pumunta siya..mukhang di kasi makakapunta sina Sev at Mad..sina Bryle at Kerwin naman wala pa..so ang aga ni Lian..
"Ah..Lian..pupunta ba si Sairen?"..Tumingin siya sa'kin..Hay grabe..salubong na naman yung dalawang kilay niya..
"Ba't hindi mo siya itext o tawagan??"..Sabi niya sabay balibag dun sa phone niya..
"Lian?? yung phone mo!"..Sabi ko then pinulot ko yung phone niya..
"Bitiwan mo na yan! Kaya kong bumili ng bago kung gugustuhin ko!"..Sumusobra ka na..ang yabang mo na naman..
"Alam ko naman yun Lian..ba't ka ba ganyan ha? Ang init ng ulo mo..para nagtanong lang ako nagalit ka na naman?? Nagsorry na nga ako kanina di ba? Ba't ba napakahirap sa'yong magpatawad??"
"Minsan nga Vetina mag-isip ka..kailangan pa bang itanong mo sa'kin kung pupunta si Sairen? Pwede mo namang tanungin sa kanya ng diretso di ba?"..Sabi niya..buti na lang walang ibang tao sa dressing room..yung staff nasa labas..
"Para yun lang naman nagagalit ka na..!!"
"Hindi yun para yun lang! Ba't ba lagi mo siyang hinahanap? Ba't lagi kang ngumingiti kapag kasama mo siya? Pagmagkasama kayo nagiging anino na lang ako..hindi mo ba ko napapansin!!--"
"Lian naririnig mo ba yang sinasabi mo ha?? Kapatid mo si Sairen..natural masaya ako pag kasama ko siya kasi nga part siya ng Family mo..at sinasabi mong di na kita napapansin kapag meron siya? Lian hindi..ikaw ang lumalayo sa'ming dalawa.."
"Lumalayo ako kasi feeling ko nakakaistorbo lang ako sa inyo at nakakasira lang ako!!"
"Ewan ko sa'yo..puro sarili mo na lang iniisip mo!!"..Sabi ko sabay talikod..
"Aalis ka?? Sige umalis ka na lang..mas mabuti pa nga! Panggulo ka lang dito eh!"..After kong marinig yun umalis na 'ko..ang kapal ng mukha niya..!!
Saan naman ako pupunta ngayon? Ayoko namang umuwi..hindi ako matutulog dun sa bahay na yun kasama ang kumag na yun!
"Vetina.."..Napalingon ako sa direcion nung boses..si Kerwin..
"Magsisimula na ang Gig ah? Saan ka pa pupunta?"..nginitian ko lang siya..

BINABASA MO ANG
CINDERELLA FOR SALE
RomantiekIf fairy tales doesn't exist Is there still a happy ending? But What if you found true love? And felt the magic and happiness that you've been looking for so long... Are you going to start believing on fairy tales and start writing your own story an...